Chapter 23

1.8K 117 30
                                    



Precious POV

Lumipas na ang araw, linggo at ilang buwan.

Sa loob ng tatlong buwan ay marami ng nangyari. Isang napakasakit na pangyayari.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdama nito sa mga nagdaang araw. Hindi ko alam kung ano bang mali? ano bang nangyayari?

In the past 3months and 4weeks ay hindi ako pinapansin ni Ser. I don't know pero parang nasasaktan ako?

'Bakit ganon ito yung gusto kong mangyari dati pero bakit ngayong nangyayari na ay parang tutol ako?'

Ang gulo. Ang gulo ng nararamdaman ko.

May boyfriend ako pero parang feeling ko hindi parin ako kumpleto.

Sa mga nagdaang araw ay ramdam na ramdam kong iniiwasan ako ni Ser. Ramdam kong may nagbago sa kanya.

Yung kilos nya.

Yung presence nya.

Yung ugali nya.

Lahat. LAHAT NAGBAGO.

Pati yung pakikitungo nya sakin nagbago.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may galit sya sakin.

Pati trabaho ko ay naapektuhan na.

Kung dati ay masungit lang sya, Ngayon ay sumobra sya sa strikto. Though, hindi naman nya pinapakelaman ang pagkakaron ko ng boyfriend. Pero yung trabaho ko ang hinigpitan nya. Nakakapanibago lang.

May minsan ay pinagalitan nya ako dahil pinakelaman ko yung dumating na folder. Wala sya non that time. Nagulat talaga ako dahil dati ko pa naman yun ginagawa. Lagi ko naman tinatanggap lahat ng mga dumadating na documents pag wala sya. Okay lang naman yun sa kanya, Natutuwa pa nga sya kung minsan.

'Before yun, Precious. Nung araw na wala kapang Boyfriend. '

Siguro nga ganon yun. Siguro nga dati ay hinahayaan nya lang ako dahil single pa ako, pero ano naman ang konek kung may jowa na ko ngayon?? ano naman ang pinagkaiba non??

Hyyysst!! you're making me crazy Ser.

Buti pa si Maam Izella ay nakakausap sya. *pout*

Bumalik sila sa dati. Si maam Izella nalang lagi nyang kinakausap at pinapakisamahan. Tapos lagi din silang sabay kumain, mapa lunch man o umagahan.

Hindi naman sa naiinggit ako, May BF naman ako no para samahan ako. Hindi lang talaga ako sanay na ganon ang trato sakin ni Ser masyadong cold. Para akong anino lang sa paningin nya, Yun bang hangin? taong hindi nag eexist.

Sa tatlong buwan ding iyon ay mas lalo sumama ang ugali ni maam Izella, lalo nya akong pinahirapan.

Nandon na yung ipahiya ako sa harap ng maraming tao, sabihan ako ng masasakit na salita, sampal-sampalin at sabu-sabunutan. Lahat yun ginagawa nya sa harap ng maraming tao. Sa harap mismo ng mga empleyado nya. Wala ngang ibang tumutulong sakin kundi si Jeff at Christel Mae lang. Sila lang ang laging nandon para ipagtanggol ako.

Si Ser?

Wala. wala siyang ginawa. Hindi manlang nya ako tinulungan o ipinagtanggol kay maam Izella.

Sanay naman na ako.

Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit yun ginagawa sakin ni maam Izella?? bakit nya ko gusto laging pahirapan??

Minsan naiisip ko bakit hindi ko nalang lisanin 'tong kumpanyang pinagtatrabahuhan ko?? bakit hindi nalang ako ang umalis para wala ng gulo?? para hindi na ko masaktan??

I'm A Good Girl With A Dirty Mind (IAGGWADM)Where stories live. Discover now