Chapter 10

2.2K 127 4
                                    



Precious Pov

"What the hell do you think are you doing?? " napapitlag ako sa gulat nang mangibabaw ang pamilyar na malaking boses sa likod ko.

'Oh meh gesh..  I'm deads now.  '

Hindi ko alam kung anong una kong gagawin!

Kung lulubog ba ulit ako sa tubig o haharap ako sa kanya?

'Whuaaa huhuhu Pag humarap ako sa kanya makikita niya ang naghuhumiyaw kong dyoga, gizzz! yung suot ko kasi parang kinulang sa tela o sadyang malaki lang talaga dibdib ko para kamuntikan ng kumawala sa kinalalagyan nya? '

Everybody help me!

Whuaaa

Huhuhu

Gusto kong lumubog ulit sa tubig at magpakalunod nalang. Nakakahiya!

Bandang huli ay mas pinili kong humarap nalang sa kanya.

Gizzz!

"H-hello Ser, hehehe .. Gusto nyo rin maligo??" kunwari ay diko ramdam ang galit niya. Itinaas kopa ang isa kong kamay at kumaway sa kanya na para bang nasa Miss Universe na palaok.

"You didn't answer my question. WHAT ARE YOU STILL DOING HERE AT THIS LATE HOUR??" napalunok ako dahil sa kaba. 

Katakot! whuaaa huhuhu ang laki ng boses nya. Galit na yan siya talaga huhu

"Hehehe, Siguro lumalangoy?? hindi naman siguro magandang tignan kung gagapang ako, diba Ser? hehehe" sagot ko.

Whuaaa! ano ka ba naman Preciousss huhuhu. Pinapahamak mo lalo ang sarili mo. GREAT.

"Ugh! kailan ba kita makakausap ng matino?" inis niyang sabi. Mababakas ang matinding pagpipigil kaya napa peace sign nalang ako.

"E ikaw kasi Ser e. Iniwan mo‘ko Hindi mo manlang ako pinapahalagahan kahit bilang sexytary mo manlang." malungkot kunwaring sabi ko. Heheh..

"Tsk. Mag bihis kana at kakain na tayo. 'wag mong binabalandra yang pangit mong katawan kung wala naman ipagmamalaki." Masungit niyang sabi sabay talikod.

'Hmp! wala naman tao kaya okay lang kahit maghubad pa ko dito. '

Gusto kong isatinig yung nasa isip ko pero naisip kong wag nalang. baka mamaya balikan pa ko no‘n at gahasahin. Lels.

'Feeling ka rin, Precious no?'

Aba naman kung yun ngang saging may piling. Ako pa kaya na tao? lels.  Corny kona.

Ilan segundo pa ang tinayo ko do'n dahil hinihintay ko talagang maka ilis muna si sir bago  ako sumunod. Pero sa di ko malamang dahilan ay nilingon pa niya ako at binigyan ng masamang tingin.

"Hehehe. Ikaw naman Ser, Di mo sinabing ganon mo na ako kamiss agad para hintayin pa ko, masiguro lang na susunod ako. Enkkkk... Ikaw Ser ah.... hihihi" pagbibiro ko. May pakilig acting pa yan.

' Nagmumukha na nga akong Bulati na binudburan ng asin dahil kulandit ako ng kulandit.'

"Tsk. Silly.." dinig kong bulong niya bago muling tumalikod.  Ako rin sumunod na sa kanya.  Baka mag dilim pa paningin ni bebe Aljon at lunurin ako sa dagat.

I'm A Good Girl With A Dirty Mind (IAGGWADM)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin