chapter 4

3K 164 2
                                    

Dedicated to: LoVeMo1432

Hello LoVeMo1432 thank you for the support! hehehe.. akoy lubos na nagpapasalamat dahil naappreciate mo ang gawa ko.❣

Precious POV

HATING GABI na nang makauwi ako galing sa work. Pag dating sa bahay ay inonline ko agad yung laptop ko. Nag o-online study kasi ako, Para naman kahit nag wo- work na'ko ay may natututunan parin ako.

Highschool graduate lang ako kaya Secretary ang kinuha kong pan-samantalang work. Swerte ko na ngalang at tumatanggap ng Highschool graduate lang sa kumpanya nila Ms. Judith. 

Via-online pwede kong matapos ang kursong gusto ko at maging Manager ng isang kumpanya someday. Malaki ang tiwala ko sa sarili ko na maaabot ko rin ang mga pangarap ko.

 Pangarap na gustong gusto konang matupad..

Mahirap na ang buhay ko mula pagkabata palang hanggang sa lumaki  ako. Hahayaan ko pa ba naman na ganon parin  ang maging stado ng buhay ko hanggang sa pag tanda?? syempre hindi.

Kung nasa ilalim ka ngayon, Dapat bukas nasa ibabaw ka naman.

'Parang ang dumi naman non pakinggan? nasa ilalim? tapos nasa ibabaw?? ano yun mag-asawang nag me-make love?? '

' Hindi naman madumi pakinggan, utak mo lang talaga ang sadyang madumi."

'Hehehe. Sabi ko nga. O sige ituloy nyo na yang pag me-make love nyo sa imaginary vision ko.  Panoorin ko nalang kayo. 

Hehe charrat lang po.'

'Aba naman! gumagawa na nga ng online paper works at lahat nakukuha mo pang isingit yang pagiging malibog mo, Precious??' -_-

Nagtatalo na ang isip ko dahil sa ibabaw at ilalim na bagay na yun tsk. Ano ba naman kasi to Precious, ang dumi-dumi na ng utak mo. Pati yang kabaliwan mo ay nadadala mo sa trabaho mo.

Nahihiya na nga akong iharap tong mukhang to sa mga ka trabaho ko dahil sa kahihiyang nagawa ko kahapon. Hyysst.

Matapos kong tapusin ang online study ko ay pumasok na ako sa kwarto ko at nag linis ng katawan bago mahiga sa kama. Madali lang naman ang mga activities sa online. Like identification and essays. Sometimes naman yung kung pano ba minamanage ang isang kumpanya.

exampe:

Who the one is responsible when it comes to money in the company?

Where do you start when you're planning to put a business?

mga ganyang tanong lang naman.

 Madali lang sya para sakin kasi nga diba?? sa kumpanya na ako nagtatrabaho. Kapag may hindi ako alam na sagot  about sa company ay tinatanong ko kay Miss. Judith hehehe. Syempre mas may alam yun kumpara sakin. Siya nag mamanage na talaga-- while ako secretary palang.

Inayos ko na ang higaan ko at handa ng matulog ng may sunod-sunod na katok akong narinig mula sa labas ng pinto ng apartment ko.

'Luh. Sino naman ang siraulong kakatok ng ganitong dis oras ng gabi?? '

Agad na tumayo ako sa kinahihigaan ko at sinilip sa bintana kung sino yung walang modong nag-iiskandalo  sa labas ng unit ko. Hmp!

Hindi ko makita!

I'm A Good Girl With A Dirty Mind (IAGGWADM)Where stories live. Discover now