Chapter 43

1.4K 75 4
                                    


**Precious POV**

"Happy birthday, Precious." Napalingon ako sa likod nang may marinig akong boses na diko inaasahang pupunta pala.

Ma'am Izella.

"Ma'am Izella." Tumayo ako sa kinauupuan ko at saka sya nilapitan.

"Hi." Naka ngiting aniya.

' Anyare dito kay ma'am Izella?'

"Hello ma'am, halika join ka sa table namin." Alok ko.

"Sure!" Masiglang aniya saka naupo sa bandang kanan kung saan ako naka upo. Himalang malayo sa kinauupuan ni Aljon.

"Ah.. hehe guys, this is Ma'am Izella. Ma'am Izella, mga kaibigan ko at family ko." Pakilala ko sa kanya sa mga kasama ko.

"Hello everyone! I'm Izella, oh! That's my mother over there!" Ngiting aniya habang naka turo pa sa gawi ni Madam Alta.

"Izella, what are you doing here" striktong ani Aljon.

"Whuaahh Ser! Bakit mo naman inaaway si Ma'am Izella" Naka ngusong suway ko kay Aljon.

"It's a special day, right? What's with the surprise look, Aljon?" Naka ngiti parin niyang sabi.

"Binabalaan kita, Izella. Don't you dare make any mess, or else ako mismo ang magtataboy sayo palabas nitong resort." Nagbabantang sabi ni Aljon kay Ma'am Izella na ngumiti lang naman, animo'y hindi nasindak sa banta ni Ser.

"Aljon... Wag mo naman inaaway si Ma'am Izella, sya na nga 'tong nag effort pumunta dito e." Naka nguso kong sabi.

"Precious, you can't just trust the people who don't deserve to be trusted." Pairap na sabat ni Princess habang masamang naka tingin sa kpatid nya.

"Princess. I'm still your older sister! You should at least give me some respect." Suway ni Izella sa kapatid.

"Yeah right."  Sarkastikong tugon ni Princess.

' Teka nga! Naguguluhan ako sa mga mangyayare! Ano ba kasing problema sa magkapatid na to? Dati naman close sila e, bakit parang may alitan ata sila?'

*BAG!*

"Magsitigil nga kayo. PARTY ITO NG ANAK KO, hindi ninyo." Natahimik ang buong mesa nang ibagsak ni Momma don ang palad nya! Napaka lakas ng impak dahilan para gumawa iyon ng malakas na ingay!

Seryosong tiningnan ni Momma sa mata ang lahat saka muling nagsalita.

"Kung patayan lang din ang hanap nyo, halikayo at dadalin ko kayo sa HQ. Bibigyan ko kayo nang tag-iisang shotgun, katana, baril o kahit na ano pang gamit na pwedeng kumitil ng buhay," tahimik lang kami habang nakikinig sa katakot takot na mga salitang binibitawan ni Momma! "Kung sino ang matirang naka tayo, sya ang panalo." dugtong pa nya.

"EHEM.. KAINAN NAAAA!" Basag ni tita Amalee sa katahimikan. Sabay sabay ang naging pagbaba ng mga balikat namin, para bang isang himala na nakaligtas kami sa kamatayan.

"LET'S GO! GO! GO!" Birit pa ni Tita. At doon na nga nag-umpisang muli ang kasiyahan.

May sari-sarili kaming mundo, kwentuhan dito kwentuhan don.

"Ahm.. Precious, can we talk?" Nilingon ko si Ma'am Izella na nagsalita sa likod ko.

"Ah, Trixie, Princess. Kausapin ko lang, excuse me." Saka ako tumayo at hinarap si Ma'am Izella.

I'm A Good Girl With A Dirty Mind (IAGGWADM)Where stories live. Discover now