Chapter 45

1.3K 90 17
                                    



** Precious' POV**

FIVE WEEKS na ang lumipas matapos Ang proposal na naganap sa South Island.

' At limang lingo na rin akong binubulabog nung dumating na lalaking Yun nung gabing iyon.'

Hindi ko alam kung anong meron sa aura nya at parang pakiramdam ko ay mapanganib syang 'tao.

Hindi ako mind reader pero feeling ko nababasa ko yung nasa isip nya.

Si Momma kasi nagdilim yung paningin nya nung makita nya yung bisita ko, biglang uminit yung ulo nya. Halos ipag tabuyan na nga nya yung tao kung di lang sya pinigilan ni dad.

Sa totoo lang, hindi ko naman dapat iniisip ang mga bagay na 'to dahil alam ko naman walang mangyayaring masama sakin hanggat nasa poder ako nila Momma, kaya nila akong protektahan maging yung sarili ko, They did not train me for nothing naman diba?

"Babe? are you alright?" Nabasag ang malalim kong pag-iisip nang biglang dumating si Ser at kalabitin ako.

"Hi Ser! Good Morning!" bati ko saka sya nginitian. Nandito kami ngayon sa Office, back to normal na kami.

"Morning. Mukang ang lalim ng iniisip mo, may I know what is that?" Tanong nya saka umupo sa desk nya, magkatabi lang naman kami ng table.

"Ahh wala yun, Ser. Kumain kana?" Sa halip ay tanong ko. Ayaw ko naman kasi dagdagan pa yung iisipin ni Ser. Masyado na syang maraming iniisip sa pinapatakbo nyang kumpanya para dumagdag pa ko, e wala naman kwenta yung mga laman ng utak ko.

"Not yet. Are you hungry?" Sagot nya.

"Hmmm.. Hindi pa naman, feeling ko busog ako e."

"Oh? Ano bang kinain mo?"

"Wala naman. I just feel full." Naka nguso kong sabi. Tumango nalang sya saka na inumpisahan ang mga paper works nya.

Minsan talaga napapaisip ako kay Ser. Bakit sa dinami rami ng babae sa mundo, ako pa yung napili nyang maging asawa. Well were'nt married yet but soon.

Nakaka taba lang ng puso na sakin sya binigay ng diyos.

Ang sarap sa pakiramdam ng may taong nagmamahal at nag-aalaga para sayo.

Nang mag morning break ay lumabas muna kami ng SC building ni Ser, kakain daw kami sa labas.

' Ang arte e pwede naman kaming kumain lang sa karindirya o kaya sa canteen, gusto pa sa sosyal.'

"Ser, bakit sa tuwing inaaya mo akong kumain sa labas bakit laging gusto mo e sa sosyalan tayo pupunta?" Tanong ko habang naglalakad kami palabas ng Scyneth Company.

" Precious, My love. Saan ka naman kasi naka kita ng nag dedate na nasa canteen at tamang inom lang ng juice?" tanong nya pabalik.

"Bakit Ser? Ayaw mo po ba ng simple? It looks more romantic if we had date in a simple places." Sabi ko saka kumapit sa braso nya.. Ooopppss! Walang maiinggit sa mga walang jowa dyan.. bleee

"Precious, I know na lumaki ka sa simple at mag isa sa buhay. It's not that i don't want to date you in a simple place, I just want you to feel you're special to me. Dinadala kita sa sosyal na mga kainan hindi dahil nandidiri ako sa karindirya, simple, o ano pa man. I just love you that much kaya gusto kong maramdaman mo na gagawin ko ang lahat para lang malaman mo kung gaano kita kamahal." Napa ngiti ako sa tinuran nya, huminto ako sa paglalakad saka sya yinakap.

I'm A Good Girl With A Dirty Mind (IAGGWADM)Where stories live. Discover now