Chapter 17

2.2K 134 4
                                    

Precious POV

Pagdating  ko ng bahay ay nagulat pa ako nang makitang naka tayo si Jeff sa tapat ng pinto??

'Luh. Anong ginagawa niya dito sa tapat ng bahay ko? '

Nagtataka ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa. Ulo sa taas, hindi sa baba. Hehehe charat.

" Oy, Jeff. Anong ginagawa mo riyan sa labas ng bahay ko? " tanong ko. Saka lang lumapit sa kanya. Paanong hindi ko siya tatanungin e nagmumukha siyang tanga  sa tapat ng pinto habang naka tingala sa taas? animo'y nananalangin.

"Hi Precious. Nandiyan kana pala. Iniintay kita, kanina pa. " naka ngiti na naman siya. Kulang nalang ay iisipin kong baliw 'tong si Jeff. Pa'no ba naman e sa tuwing kausap ko siya ay lagi s‘yang naka ngiti.

"E wala naman akong sinabing intayin mo ‘ko, Jeff. " deretsong sabi ko saka naglakad papuntang pinto at binuksan.

"Ah hehe oo nga. Ikaw talaga ang sinadya ko. Hindi kasi ako matahimik hanggat hindi ko nalalaman kung galit kaba sa akin." aniya saka walang paa-paalam na pumasok sa loob.

'Wuaaa huhuhu walang modo, nauna pa sa‘kin pumasok sa loob e ako may-ari nitong apartment hmp.' *pout*

"Hindi naman ako sayo galit. Naiinis lang ako kasi gusto mo akong iligaw. Hindi kita bate." naka nguso kong sabi saka naglakad patungo’ng kusina. Ipaghahanda ko ng meryenda yung bwisita ko.

'Whuaaaa wala na ako stock na pagkain huhuhu bakit kasi pumunta-punta pa itong buraot na ‘to sa bahay ko. Pati tuloy natitira kong pagkain kailangan ko pa ibigay sa kanya.'

Nang matapos kong maihanda yung meryendang ginawa ko ay bumalik ako sa sala at nilapag ang mga dala ko sa lamesa na nasa harap niya. Kahit na labag sa kalooban ko. Whueee kasi naman kasi e! huhu.. Yun nalang natitira kong pagkain kinain pa niya. Wala pa man din akong sinasahod sa trabaho ko mula nang nakaraang linggo.

"Ay.. Nag-abala  kapa, Salamat." sabi pa niya.

'Sus kunwari pa. Gusto rin naman maki-kain hmp.'

"Oh e ano nga kasing ginagawa mo rito, Jeff?? tsh." naka kunot ang noo kong tanong.

"Ahmm.. gusto ko lang sanang linawin sayo yung tungkol sa sinabi ko kanina. "panimula niya. "Hindi sa ganon na gusto kitang iligaw haha. " tamo, tamo! tinatawanan pa ‘ko whueee hindi ko na talaga siya bate. *pout* "Hahaha Ano na naman iniisip mo?? wag kanang ngumuso okay?? ang ibig ko lang sabihin sa ligawan ay courtship. Gaya ng ginagawa ng magkasintahan bago maging sila. Yun bang nanliligaw muna yung lalaki bago siya sagutin ng babae. Naiintindihan mo na ba?" paglilinaw niya. Nalinawan naman ako dahil sa sinabi n’ya.

'Ah.. Yun pala ang tinutukoy niyang ligaw. Manliligaw s'ya. Pero bakit?? at saka para saan ba yun at bakit nila nililigawan yung babae?'

Nangunot ang noo ko sa naisip ko.  Bakit nga ba?

"E bakit mo ako liligawan?" tanong ko nang mag-laon.

"Because I like you."

"Bakit mo ako like? e hindi naman kita nilike?  in-unlike nga kita e kasi nililigaw mo ako kanina." *pout*

"Haha ang kulit mo talaga. Like kita kasi mabait at makulit ka. Gusto kitang ligawan kasi gusto kitang maging girlfriend. " pagkuwa'y aniya.

I'm A Good Girl With A Dirty Mind (IAGGWADM)Where stories live. Discover now