Chapter 1

157K 1.5K 28
                                    


"Ang sakit naman nun. Kaya ayoko talaga manood ng mga gan'yang palabas 'e. Nakakabroke. Sana nag cartoons nalang tayo.” Komento ko. Nakaupo ako ngayon sa itim na di kutson na upuan habang nakatinggin kay Franz na mukhang hindi man lang affected sa nangyari sa palabas. Kakatapos lang kasi ng movie na pinanood namin. Iba't ibang komento at opinyon ang nagmula sa mga manood na ngayo'y palabas na rin ng sinehan. Nakakaiyak naman kasi, hindi nagkatuluyan ang dalawang bida sa ending.

“Sino naman ang mag-eexpect na ganon ang ending na ibibigay ng manunulat di ba? Pero that’s reality. Hindi lahat ng ending dapat happy.”  Mapait na tugon niya. Diretso ang aming lakad dalawa palabas ng sinehan.

“Ba’t ba ang bitter mo? 'Di ba pwedeng masaya nalang? Hirap kasi pag palagi nalang nasasaktan 'e." nakakunot noong tanong ko.

"Wait lang, mahal mo pa rin ba?” Dagdag ko at hinarang siya habang ngumiti ng nakaka-asar.

“Pag sinabi ko bang oo, matutuwa ka?” natahimik ako bigla sa sinabi niya. Parang ako ata ang napaurong sa sinabi niya.  Seryoso siyang tumingin sa aking mga mata, iniwas ko kaagad ang aking tingin dahil medyo nailang ako. 

"Uy, ano ka ba! Joke lang 'yun!" sabi niya.

Hindi nalang ako umimik. S’yempre alam kong hindi 'yun joke. Alam ko namang walang kami, pero bakit medyo may kirot? Hirap kasi pag nag-e-expect tayo minsan e.  Hindi ko nalang muna siya pinansin hanggang sa makapasok kami sa resto. Siya naman ay nakasunod at nakahawak lang sa aking kamay. Sino naman kasi ang hindi aasa kung ganito lahat pinapakita niya 'di ba?

“Same order pa rin ba baby?” Tanong ni Franz na nakatayo at nakapila malapit sa table namin. Nandito kami sa paborito naming tambayan at kainan sa mall.

   Tumango lang ako bilang sagot 'saka nginitian siya ng pilit. Ngumiti rin siya pabalik sa akin. Alam na alam niya talaga kung paano ako asarin.  Baby n'ya mukha nya!  Pagkabalik niya sa table namin ay dala-dala niya ang usual at paboritong order naming dalawa. Beef steak sa kaniya at sinigang at adobo naman sa akin. Walang pinagbago sa dating kinakain namin.

"Congrats daw.” Sabi niya sa akin saka inabot ang pulang box galing sa kaniyang bulsa.

“Kanino galing?" tanong ko.  Kumurba sa aking labi ang kaunting ngiti bago ko nilagay sa bag ang regalo.

“Pinapabigay ni mama sa’yo bilang late raw na regalo sa graduation mo.” saad niya.

“Pakisabi kay Tita salamat.” Ngiting pahayag ko sa kaniya.

“Nangungumusta nga pala si Mama sayo, kinukulit ako kanina kung kailan ba raw plano nating bumukod gayong tapos ka na raw sa pag-aaral. Hays, Kung alam niya lang sana.” Mahinang saad niya sa huling sinabi. Biglang nagbago mood sa pagitan namin, ngunit ngumiti na lamang ako kahit nakaramdam ako ng kaunting kirot sa kan'yang sinabi.

“Nga pala gusto kang makita ni mama ngayon.” Masiglang sabi niya bago isubo ang beef steak na kaniyang paborito. Hindi na ako umimik, tumango lang ako bilang sagot.
Umalis kami kaagad matapos naming kumain. Nang malapit na kami sa hospital ay biglang hininto ni Franz ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

“May problema ba?” nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niyang nakapuwesto sa kambyo.

“Franz.” Tanging wika ko nang kinuha niya ang aking kamay at dahan dahang inilabas ang pulang box na galing sa kaniyang bulsa.

“Marry me, April.” Seryosong sabi niya saka kinuha ang singsing sa kinalalagyan nito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Dapat sanay matuwa ako sa nangyayari pero tila nanigas ako sa aking kinauupuan.

Pagkarating namin sa ospital ay nakita kong nakahiga si Tita sa hospital bed niyang kulay puti. Dahan-dahan na hinawakan ni Franz ang aking isang kamay saka pasimpleng hinalikan ito.

“Ma, nandito na po si April.” Bungad na wika ni Franz sa kaniyang mama na mukhang nanghihina pa.

“Kumusta na po Tita?” nakangiting tanong ko sa mama niya bago inilapag ang prutas naming dala.

“Mabuti naman ako hija, congrats nga pala sa iyo.” Nakangising tugon niya kahit na mukhang nanghihina pa.

“Kayo, kumusta na kayo?" palipat-lipat ang tingin ni Tita sa amin. Dahan-dahan na kinuha ni Franz ang aking kamay at hinawakan ito. Mayamaya lang ay nakangiting itinaas niya ito at ipinakita kay Tita ang diyamanteng singsing na nakasuot sa aking daliri saka siya ngumiti. Biglang nanikip ang puso ko sa nasilayan.

“Totoo ba itong nakikita ko?” nakita ko kung paano lumapad ang mga ngiti sa labi ni Tita at kung paano biglang nagliwanag ang kaniyang mga mata sa saya nang makita niya ang singsing sa daliri ko.

Gabing-gabi na kaming nakalabas ng ospital dahil abala si Tita sa mga plano niya para raw sa gaganapin na kasal. Kahit na nanghihina siya ay ginawa niyang makipag-usap at magplano para sa amin. Nagsuggest pa siya kung saan daw ito gaganapin, kung ano ang aking susuotin at kung sino-sino ang mga bisita. Sabi niya pa na kukuha raw siya ng mga tauhan para agad na maisa-ayos ang lahat. Dapat daw na engrande ang kasalang magaganap.

Pauwi na kami ngayon. Nilingon ko si Franz na abala sa pagmamaneho. Hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan siyang mabuti sa mga mata.
“Franz, sigurado ka ba rito sa desisyon mo? Sigurado ka bang papakasalan mo ako?  Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Hindi ko magawang pigilan na hindi ilabas ang aking iniisip. "Paano siya Franz?" dagdag na tanong ko.

Walang ekspresyon ang kaniyang mukha. Hindi siya sumagot sa mga tanong ko bagkus ay pinagpatuloy niya lang ang pagmamaneho.

"Para kay Mama, April. I want to make her happy till her last breath. Sana'y maintindihan mo ako. Nahihirapan din ako pero gusto ko siyang maging masaya."

He's always like that hindi niya iniisip ang sarili niya kundi ang mga tao lang na gusto niyang mapasaya. Na kahit minsan ay nakasalalay rin ang kaniyang kaligayahan at mga gusto.
I felt really guilty accepting his proposal. Kung sana kagustuhan naming dalawa ang gaganapin na kasal. Pero nakakalungkot lang na ginawa niya lang ito, hindi dahil kagustuhan niya kundi para sa ikakasaya ng ibang tao.

Hindi ko alam kung bakit, pero I want to return the ring that he gave me. I don't know why but a part of me wants to keep it too. Nakakalito lang. Mayamaya ay biglang bumilis ang takbo sa pagmamaneho ni Franz, hindi ko alam kung ano ang gagawin dahil may malaking bus na paparating. May sinasabi s'ya pero parang wala akong naririnig. Hindi ako makapag-isip ng mabuti sa takot at kaba na nadarama. Takot na baka sakaling may mawala sa aming dalawa. I don't know what life I may have after this. I don't know what lies ahead.


The Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon