Chapter 5.4

70.4K 947 127
                                    

"Gising ka na pala," tango lang ang itinugon ko dahil para bang hindi ako makapagsalita. Nagtitigan lang kami, ilang sandali lang ay may pumasok na doctor.

"Magandang hapon sa inyo, I would like to announce that you're one month and one week pregnant. Ang pananakit ng iyong ulo't pagkakahilo ang siyang naging dahilan kung bakit nangyari 'yun. Mister Perez you don't have to worry dahil sentomas lang iyon. Take a rest and congratulations to the both of you." Matapos sabihin ng doctor ang balita ay nagpalaam at  lumabas na siya sa silid. Hindi na ako nabigla dahil matagal ko ng alam. Ramdam kong hindi mapakali si Franz sa nalaman.


"Buntis ka? Sino ang ama?" Napahinto ako sa mga tanong niya. Kumunot ang aking noo kasabay ng biglang paninikip ng aking nararamdaman.


"Ikaw, ikaw ang ama ng ipinagbubuntis ko." Naiiyak na tugon ko.

"Hindi, hindi ko anak 'yang dinadala mo." Sabi niya, pagkatapos ay agad siyang lumabas sa kwarto. Parang may mga karayom na tumutusok sa puso ko nang sabihin niya ang mga linyang iyon. Buong akala ko’y maaring tatanggapin niya ito kung sakaling malaman niya. Pero akala ko lang pala talaga ang lahat. What a Jerk!

Iniyak ko ang lahat ng sakit. Hinayaan ko ang aking sarili na malunod sa lungkot. Napakawalang hiya at puso niya! Kahit anak niya ay hindi niya magawang tanggapin. Pagod na pagod na ako. Ayoko na. Sawa na ako sa kakahabol sa kaniya. Sawa na akong magpakatanga.

Siguro ay tama na! Hindi ko na deserve ang lahat ng sakit na ibinibigay niya sa akin. Panahon na siguro para ako naman ang kailangang magpahinga. Pagod na ako sa lahat. Ngayon na ayaw niyang tanggapin ang anak namin isang malaking senyales  at sampal na ito na nararapat na akong huminto sa pagpapakatanga sa kaniya.

Pagkalabas ko ng hospital ay nagpatulog ako kay Liam na ayusin ang aking mga gamit. I packed all my things. Wala kahit isa akong iniwan sa bahay niya. Kumuha ako ng condo malapit sa kompanyang pinagtatrabahuan ko.

Umalis ako sa bahay niya para wala na siyang masabi pa. I will move forward. Makakaya ko rin na wala siya.

Ilang buwan ang nagdaan ay namuhay ako ng tahimik. Kinalimutan ko ang lahat ng sakit. Walang Franz, walang Stella. Tanging si Liam at Casey at mga katrabaho lang ang mayroon ako. Naging manhid ako sa ilang buwan. Nagkaroon ako ng lakas ng loob.

Niwala ko sa aking isip ang mga nangyari. Naging ibang April na ako makalipas ang lahat ng nangyari. Apat na buwan nalang at manganganak na ako. Kahit na iniwan at inabandona na kami ng Tatay ng anak ko ay patuloy pa rin kaming namumuhay ng maayos. Sana, sana ay okay lang ang lahat hanggang sa lumabas ang baby ko. Sa loob ng ilang buwan nagtrabaho ako. Kinakaya ko ang lahat para sa magiging kinabukasan ng anak ko. Nagawa kong tiisin at palipasin ang mga nangyari.

Ngayon ay nasa bakasyon kami, napagpasyahan kasi namin na mamasyal sa Cebu nina Liam at Casey kasama ang kaniyang anak at asawa. Sabi kasi nila na maganda ang lugar doon kaya go naman ako. I’ve never been this free. Yung wala akong masyadong iniisip na sakit. Hinayaan kong maging masaya ang sarili ko sa mga nakalipas na buwan.

Mamayang hapon ang flight namin papunta roon. Tatlong araw ata kami sa probinsya. Sisiguraduhin kong mag e-enjoy ako para happy rin ang baby ko. Sabi ng doctor ko na healthy si baby. Konting tiis nalang talaga at mahahawakan at makikita ko na siya. I want to see him grow, yung nand’yan ako palagi sa tabi niya at maaalagaan ko siya. Sobrang excited na akong mangyari ‘yun.

“Hi April! Kumusta? Wow! Nakapag-impake na siya oh!” parang kabuteng sumulpot sa gilid ko si Casey. Dito sila nag sleep over sa condo. Si Liam naman ay nasa sala at tulog mantika pa.

“Feeling so good, Oo nakapag-impake na rin. Excited na akong pumuntang Cebu! Gusto kong makita yung mga butanding sa Oslob at ma-experience rin ang canyoneering sa Alegria. Kaya lang mukhang delikado sa baby kaya itatampisaw ko nalang ang mga paa ko sa malakristal nilang tubig doon.”

“Hindi naman masyadong halata na excited ka. Pero bago ang lahat kailangan muna nating gisingin si Liam baka malate tayo sa flight.” Ngumisi lang ako at tumango bilang tugon. Kay hirap pa namang gisingin ni Liam tulog pa kesa sa mantika 'yun.

Tama nga si Casey, muntikan na kaming malate sa flight ngayon, buti nalang at nakaabot pa.

"Gaga ka talaga Liam, buti nalang nakaabot pa tayo." natatawa na may halong inis na saad ni Casey.

"Atleast nakaabot!" tugon niya naman.
Nang maglanding ang eroplano ay dumiretso kami sa Radisson Blu kung saan nagpabook ng stay si Liam.

Nagpahinga muna kami saglit bago pumunta sa SM City na kalapit lang sa hotel. Buong araw ay nagfoodtrip kami at namasyal. Pumunta rin kaming SM Seaside. Tuwang-tuwa kaming lahat sa kakalakad. Alam kong hindi ako pwede masyadong mapagod pero buti nalang at nandito si Liam na nakaalalay palagi sa akin.

Ang tatlong araw naming bakasyon ay puno ng mga kasiyahan, aktibidad at syempre kainan. Kahit saan kaming tourist destination nagpunta. Bumisita kami sa Temple of Leah na pag-aari pala ng Lola ni Ellen Adarna. Ang ganda roon kasi mahangin para kaming nasa Baguio sa lamig ng temperatura. Nagtungo rin kami sa Oslob kung saan nakakita kami ng maraming butanding sa malapitan sakay ang bangka.  Nagdive pa nga silang tatlo.  Ako naman ay nanatili lang sa bangka. Nabisita rin namin ang Kawasan Falls, Alegria at sa Moalboal at ang bagong gawang café na may 10,000 roses.

Medyo nakakalungkot at nakakapanghinayang dahil siguradong mamimiss namn tong lahat dahil last day nalang namin ngayon sa Cebu. Bukas ng hapon ay lilipad na ulit kami pabalik.
Narinig kong may kumatok sa labas ng kwarto, agad akong bumangon at binuksan ang pinto.

"Oh! Liam di ka pa matutulog?" bating bungad ko sa kaniya.

"Di pa ako dinalaw ng antok e. Pwede bang pumasok muna? Movie mara tayo?" tanong niya habang hawak-hawak ang kaniyang ibang gamit.

"Okay!" pumasok siya at naghanap ng maganda palabas sa flat screen tv. Ala Una nang umaga na ata namin natapos ang mga tagalog movies na aming pinanood. Medyo nakakaantok na, parang ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa buong tatlong araw naming kakagala.

"Okay ka na ba ngayon?" biglang tanong ni Liam na nakatutok ang tingin sa akin.

"Okay naman, mas tahimik tsaka minsan ko nalang siyang naiisip. Inaantok na ako mauna na akong matulog, lock mo nalang ang pinto kung lilipat ka na sa kwarto mo." inaantok na sabi ko sa kaniya.

Kinabukasan ay gabi na kami nakauwi sa Maynila. Sobrang pagod pero worth it naman ang lahat.
“Matulog ka kaagad, alam kong pagod ka. Ingat ka dito sa condo mo ah.” Saad ni Liam bago siya umalis pauwi.
Bago ako natulog ay ginawa ko muna ang mga ritwal ko at siyempre kinakausap ko muna si baby.

Papasok na sana ako ng kwarto nang may narinig akong may nagdoor bell. Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka, may naiwan bang gamit si Liam?

Bumaba ako at naglakad papunta sa may pintuan pero nang buksan ko ang pinto ay nagulat ako sa aking nakita literal na nanlaki ang aking mga mata at hindi ako nakapagsalita agad.

“I'm back." saad niya.

The Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon