Chapter 3.4

69.1K 900 33
                                    

"Asawa naman kita, pero sa papel nga lang." Pagak siyang tumawa sa sinabi niyang iyon.  Alam ko na mag-asawa lang kami sa papel pero ang masakit lang ay 'yung ipinamukha niya pa sa'kin na hanggang ganun na lang talaga kami.

"Kahit ngayon lang Franz.” Pagbalewala ko sa sinabi niya.  Hindi ko nalang iintindihin 'yun, ako lang naman din ang masasaktan.

"Sige," tugon niya. Nagulat ako dahil hindi ko inasahan ang mabilis niyang pagsagot. Hindi ko alam kung anong emosyon ang dapat kong ipakita.

"Maraming salamat." Niyakap ko siya ng mahigpit. Ang hindi ko inasahan ay niyakap din niya ako pabalik. Pero pagkatapos nun ay iniwan niya ako’t tahimik na pumasok sa banyo.

Ilang saglit lang ay lumabas siya at tumabi sa akin. Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng aming silid. Hindi ako sanay na makasama siya ng hindi nagsisigawan at nagbabangayan.

Napahinto ako sa malalim kong pag-iisip nang maramdaman ko ang hininga niya sa aking leeg.

“Okay ka na ba? Nahihilo ka pa rin ba?” tanong niya habang marahan niya akong hinahalikan. Nakaramdam ako ng biglang init kahit na tutok na tutok sa akin ang aircon.

"Sorry." Sabi niya at huminto sa pinanggagawa niya. Saka naman ako nabalik sa wisyo.

"Okay lang,” tugon ko. Matapos nun ay idinantay niya nalang kamay niya sa aking bewang na para bang nakayakap ito sa akin.


"Mahal na mahal kita." Nakatalikod na sabi ko sa kaniya.

Naramdaman ko nalang ang labi niya sa hubad kong mga balikat. Dahan dahan niya akong pinaharap sa at binigyan ng matatamis na halik.

Mabilis niyang pinagapang ang mga kamay niya sa aking katawan. Kusang lumingkis naman ang mga braso ko sa kanyang leeg.

Nakalimutan kong bigla ang lahat sa kaniyang ipinaramdam sa akin ngayon. "Matulog ka na," pabulong na sabi niya sa akin.


“Hmm." Tugon ko na ngayo'y nakayakap rin sa kaniya.

"Magpahinga ka na," sabi niya habang sinusuklay ang aking buhok gamit ang kanyang mga daliri. Nakasandal siya sa headboard habang ako naman ay nakahiga sa tabi niya. Mas madali akong makakatulog kapag may humahaplos sa aking mga buhok.


"Good night, I love you." Sabi ko habang nakatingin sa kanyang magagandang kulay itim na mga mata.


"Good night din." Mahinang tugon niya.

"I love you." Napahinto ako sa sinabi niya. "Stella," dagdag niya ng nakapikit.

Ito ang huling salitang narinig ko mula sa kaniya. Pabulong lang ito bagama’t klarong klaro ito para sa'kin. Akala ko ako, pero si Stella na naman pala. Kumalas ako sa yakap at mabilis na tumalikod.

Namuo ang mga luha sa aking mga mata. Masakit dahil umasa ako sa isang pagpapanggap lang. Kusa nalang tumulo ang mga luhang walang katapusan sa pag-agos.






The Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon