Chapter 4.3

69.6K 940 16
                                    

"Bumalik siya kagabi, pero nang sumapit ang umaga ay ito lang ang iniwan niya." binigay ko sa kanya ang sulat ni Franz.

Binasa niya ito. Sobrang nainis si Casey sa nabasa niyang sulat. Halos punitin na niya ang papel.

"Tita April, are you okay?" Nag-aalalang tanong sa akin ng napakacute na batang si Donna.

Tumango ako "Of course I am baby." Sagot ko sa bulilit nang nakangiti.
"It doesn't seem like Tita." Malungkot ngunit malambing na saad niya.

"Tita is okay baby Donna, don't worry." Tumango lang ito at hindi na muli akong kinulit pa.

Buong maghapon ay nasa mall lang kami. Halos nalibot na namin ang lahat ng stores.

"Nood tayong sine?" untag ni Casey.

"Sige, okay lang sa akin." tumangong tugon ko.

Namili muna kami ng pelikula. Napagkasunduan naming panoorin 'yung Kita Kita. Nakakalig 'yung tandem nila Empoy at Alexandra. Grabe 'yung feels ng palabas nakakadala kasi medyo nakakarelate ako sa kanila.

Para akong si Alexandra, nagising isang araw na bulag na. Nabulag sa pagmamahal. Kahit na pisikal at literal yung sa kaniya masasabi kong parang ako lang din siya.

Ngayon ay pauwi na kami dahil kasalukayang flat at tulog na tulog si Donna. Masyado kasing makulit kanina, kaya naisipan nalang namin na umuwi nalang natapos ng palabas dahil kawawa naman ‘yung bata.

Matapos ko silang ihatid ay agad akong nagtungo sa Hospital. Kailangan kong magpa-check up. Kailangan kong malamkunang kalagayan ko.

"Good evening doctora." bati ko sa matandang doctor na nakaupo na mukhang busy at maraming inaasikaso.

"Good evening din. Maupo ka." Wika niya sabay turo sa upuan na nasa harap ng kanyang mesa.

"Kumusta?  Masama ba ang pakiramdam mo? " Malumanay na tanong niya.

Tumango ako bago sumagot. "Opo. Napapansin ko po kasing lagi nalang po kong nahihilo at nakakaramdam ng pananakit ng ulo." Nag-aalala pahayag ko.

"Na-istress ka ba nitong mga nakaraang araw o linggo o palaging ka bang matagal matulog?" Usisa niya.

"Medyo po." Seryosong sagot ko.
Chineck niya ako, mayamaya lang ay may kinuha siyang paper at disposable small cup. Binigay niya sa akin ito na agad ko namang tinanggap.

"I need your urinary sample. Nasa left side ang CR. Tapos pumunta ka sa laboratory para makuhanan ka ng dugo." Tumayo ako at sinunod ang sinabi niya. Matapos kong sinunod ang sinabi niya ay umupo akong muli.

"Kumusta na pala kayo ng asawa mo?" Masayang saad niya. Biglang nag-iba ang emosyon ko nang marinig ko ang tanong niya. Kilala niya kami dahil siya ang personal doctor ng mga Perez.

"Okay lang naman po kami. Palagi po siyang busy sa trabaho." Sabi ko nalang para wala ng issue.

"I see. He's running a business kaya medyo busy talaga." tugon niya naman.

Makalipas ang ilang minuto ay hinatid sa kaniya ang resulta. Seryoso niya itong ipinakita sa akin, dahilan kung bakit bigla akong kinabahan.

"Congratulations, you're 3 weeks pregnant. I can refer you to an obgyne." Nakangiting saad niya. Para akong nabingi sa aking narinig. Ano daw?!

"I am happy for the both of you Hija. Congratulations again." Nakangiting wika niya.

"Sa--lamat po." Nauutal na tugon ko.
Umalis ako sa ospital ng lutang. Hindi makapaniwala sa narinig at naging balita ng doctor. Kaya pala may nararamdaman akong kakaiba.
Masaya ako sa naging balita ngunit kalahati nito ay may halong lungkot. Nakakalungkot sapagkat walang makikilalang ama ang anak ko.

Maaga palang ay inabandona na kami ng ama niya. Ngayong buntis ako, kailangan ko bang ipaalam kay Franz na dala ko ang anak niya? Paano kung ipagtabuyan at itanggi niya ito?

The Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon