Chapter 5

70.2K 993 21
                                    

Makalipas ang isang linggo ay medyo nasanay na ako. Mayroon paring morning sickness na sobrang nakakapagod.

Maaga akong gumising at naghanda ngayon dahil tumawag sa akin kagabi si Casey na pwede na raw akong magsimula agad sa trabaho tapos na kasi ang interview ko nung nakaraang mga araw.

Kahit na medyo rush ay excited na kinakabahan ako dahil ito ang simula ng pagtayo ko sa sarili kong mga paa. Hindi na ako aasa pa kay Franz dahil iniwan na niya kami.

Pagbubutihin ko nalang ang pagtatrabaho ko para sa kinabukasan ng magiging anak ko. Mabilis akong kumilos dahil weekdays ngayon at maraming may pasok.

Ginamit ko ang sasakyan para mapadali ako sa pagpunta sa kompanya. Ilang minuto ang lumipas, tanaw ko na ang kabuo-an ng gusali. Mas maganda na ito ngayon kesa noon.

Malaki ang naging improvement nito makalipas ang ilang taon. Matagal din kasi akong hindi napasyal dito.

"Good morning Maam," bating bungad sa akin ng gwardya. Tinanguan at nginitian ko siya bilang tugon.

Sumakay ako sa elevator at nagtungo sa office ni Maam Lyza. Ingat na ingat ako sa aking paglalakad. Nang makarating na ako sa mismong harap ng kanyang silid, giniya ako ng kaniyang sekretarya papasok.

"Good morning Ma'am Lyza," nakangiting bati ko. Nakita ko kung paano siya nagulat nang bigyan niya ako ng tingin.

"I'm happy to see you again. Welcome back April." Nakangiti ring pahayag niya.

"Thank you Maam, I'm finally back for good." Yes! I'm back for the sake of my baby. Paano nalang kami kung hindi ako magtatrabaho, nakakahiya naman kung aasa ako sa pamilya ni Franz o sa kahit na sino.

"Glad to hear that. You can go to your respective place now, but before that alam kong may nakakamiss na sa iyong doctor na suma-sideline ngayon dito." Kumunot ang noo ko. Sino?

Wait...

"Liam? Nandito si Liam?" Masiglang tanong ko.

"Yes, he's here because he is the Vice President of the company. Better visit him before going to your place." Paalang tugon niya.

"Alright, Thank you Maam." Pagpapasalamat ko bago ako lumabas sa kanyang silid.

"My secretary will guide your way. Don't forget to pass your sketches to Liam if you have anything there." Dagdag na sabi niya.

"Okay Maam Lyza, I better go now. I have to check my place and Liam as well."

"Welcome back again." Nakangiting sabi niya bago ako tuluyang excited na lumabas sa kaniyang silid.

Sinamahan ako ng kaniyang sekretarya papasok sa opisina ni Liam. Kinakabahan ako dahil baka hindi niya ako kakausapin o pansinin, o baka hindi na niya ako kilala.

Nakatalikod ang kanyang upuan sa akin. Ibig sabihin nakaharap siya sa isang transparent na salamin ng gusali. Nilibot ko muna ang aking tingin sa kaniyang opisina.

Malaki at may mataas na ceiling ang silid. It has a combination of old and modern style. May magagandang mga furniture rin na nakapwesto sa kanyang kuwarto. Everything in here has a touch of black and white.

Hindi pa rin pala siya nagbabago ng paboritong kulay. Humigit ako ng malalim na hininga bago magsalita.

"Good Morning Sir. I am April the new applicant of this company. Maam Lyza told me to lend my designs and sketches to you."

"Just put it on my table." Malamig at nakatalikod na saad niya. Bakit ayaw niyang humarap? Gan'yan ba talaga ang pakikitungo niya sa mga bagong aplikante?

"Sir Liam," tawag ko sa kanya. Unti-unting umikot ang kanyang inuupuan paharap sa akin.

"Yes Miss?--" Napahinto siya bago niya natuloy na bigkasin ang pangalan ko.

"April!" Gulat na sabi niya.

Nakakatawa ang kaniyang ekspresyon. Halatang hindi niya inaasahan na makita ako.

"Ayaw pa kasing lumingon, 'e." Nagtatampo kunong saad ko.

The Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon