Chapter 4

67.7K 921 30
                                    

Nasilaw ako sa sinag ng araw galing sa labas ng aking bintana. Umaga na pala mataas at maliwanag na ang kalangitan.

Panibagong umaga para sa masakit na kahapon. 'Di ko namalayan na napahaba pala ang tulog ko. Mabigat at masakit ang mga mata ko ngayon, dahil ito sa pag-iyak ko kagabi.

Bwiset naman kasi, ba't umasa pa ako na para sa akin ang tatlong salita na 'yun.

Wala na siya ngayon dito, bumangon ako at nag-ayos ng higaan. Habang inaayos ko ang kama, nahagilap ng aking mga mata ang isang papel na nakatupi sa ibabaw ng side table. Dali ko itong kinuha at binuksan.

Hindi ko mapigalang hindi maiyak nang mabasa ko ang buong mensaheng nakasulat.

Dear April,

I can't count how many times I tried to love you. But I always end up hating you. I don't know why but it's not your fault, I know it was mine. I have caused you so much trouble and I really feel sorry for everything. For now,  I guess its time to let each other go.
-Franciz

Napahagulhol nalang ako. Gusto kong magalit pero hindi ko kaya. Naalala ko kung ano ang mayroon kami noon ni Franz. Sa totoo lang wala naman talagang kami. Wala kaming relasyon, walang commitments. As in no strings attached.

He just used me para matahimik ang mama niya.  Ayaw kasi ng mama niya sa girlfriend niya kaya pinalabas niya noon na ako ang jowa niya. Ilang taon din kaming nagpanggap at kapalit ng lahat ay binabayaran niya ako. Name me all you want pero hindi ko pinagsisihan ang naging rason kung bakit ko tinaggap ang offer. Hindi sapat ang kinikita ko sa boutique na pinapasukan ko dati.

Mahirap lang kami at naaawa ako sa pamilya ko. Sunod-sunod rin na mga problema ang kinaharap ng aming pamilya sa mga panahong iyon. Nahihirapan na si Nanay na maghanap ng trabaho dahil tumatanda na rin siya. Sumabay pa nito ang pagkamatay ni Tatay. Dito nagsimula ang lahat kung paano naging miserable ang buhay ko. Okay lang naman ako dati kasi scholar naman ako sa pinapasukan kong paaralan.

Pero paano ang pamilya ko? Totoong wala akong problema sa pag-aaral kasi libre naman ang lahat. Nakatira pa ako nun sa bahay ng Tita ko. Pinadala ako roon ni Nanay para maging maayos ang pamumuhay ko. Sila ang tumulong sa pagpapa-aral sa akin.

Mabuti nalang at hindi nila ako pinapahirapan gaya ng iba, minahal nila akong parang tunay nilang anak. Hindi mayaman sila Tito at Tita sapat lang rin ang kinikita nilang dalawa.
Noong nagkasabay-sabay ang mga pagsubok na kinaharap ng pamilya ko ay hindi sila nagkulang sa pagtulong.

Pero hindi pwedeng umasa nalang kami palagi sa kanila. Naghanap ako ng trabaho, pumasok ako bilang tagalaba, tagahugas ng plato sa karinderya, naging mananahi at designer rin ako sa isang boutique noon ngunit hindi sapat ang kinikita ko para sa aming lahat.

The Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon