Chapter 3

77.2K 1K 51
                                    

"Tama na, umiiyak ka na naman." Nag-aalalang sabi ni Casey.

"Okay lang ako, wag kang mag-alala." Pangungumbinsi ko sa kaniya.

"May okay ba na umiiyak?" tanong niya nang nakakunot ang noo na nginunguya ang fries.

"Masakit e. Parang ayoko na.” saad ko.

"Nako wag kang mag-isip at magsalita ng gan’yan. Masakit naman talaga maiwan April, pero wag kang mawalan ng pag-asa. Minsan kailangan lang nating masaktan para maging matatag tayo. Wag kang mag-aalala nandito lang naman ako na kaibigan mo, 'yun nalang ang isipin at panghugutan mo kesa sa magluksa ka."

"Salamat," pabulong na sabi ko.

"Salamat? Para saan?” kunot-noong tanong niya.

"Sa pakikiramay mo sa'kin" nakangiting sagot ko habang pinapahid ang mga luhang walang katapusan kung tumulo.

"Wala yun, magkaibigan tayo diba? Wag ka ng umiyak hindi ka naman namatayan. Iniwan ka lang, kaya tahan na okay?" Sabi niya habang hinawakan ang kamay ko. Tumango-tango nalang ako bilang sagot.

"Pansin ko lang ah, parang lumalaki ata 'yang kain mo, dati nama'y panay diet ka. Hindi mo pa nga nauubos nun ang isang manok pero ngayon naka dalawa ka na. Tapos may burger at fries ka pa." Nagtatakang wika niya. Masarap kumain lalo na't depressed at nasasaktan pa.

"Nagugutom ako eh. Pa-order naman ng isa pang fries. Dadalhin ko sa bahay." Tumayo siya at nagtungo sa counter. Ako naman ay nilibot ang paningin sa mga taong nasa loob ng kainan na ito. Nakakasuya ang mga mag-asawang magkasama pa rin o ‘di kaya’y mag-nobyo na sobrang sweet. Sana, sana ganyan din kami pero napakalaking imposible.

"O, ito na fries mo." Abot niya ng pagkain sa akin.

“Naluluha ka na naman. Tama na wag mo ng iyakan ang mga taong walang kwenta." sabi niya bago umupo sa harapan ko.

"Hindi siya walang kwenta Casey, dahil asawa ko siya. Mahal ko siya kahit na sobrang sakit na." Pagtatangol ko kay Franz.

"Ang tanong mahal ka rin ba niya? Tama na April, bigyan mo rin ng oras ang sarili mo. Mahalin mo muna ang sarili bago ang iba. Pahalagahan mo muna ang sarili mo. Ang sobra ay masama, tandaan mo 'yan." Seryosong wika ni Casey. Napaisip ako sa sinabi niya.

"Tama ka naman Casey, hindi niya ako mahal. Wala lang ako sa kaniya. Pero ako mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang pakawalan siya."

Pinagtitinginan na ako ng mga tao pero wala akong pakialam. Lumapit si Casey sa akin at niyakap ako para pagaanin ang nararamdaman ko.

"Ano ba ang gagawin ko para  bumalik na siya?" Tanong ko bago kumawala sa yakap niya.

The Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon