Chapter 3.2

72K 958 20
                                    


"Siguro kapag, ewan ko, hayaan mo nga nalang muna. Mabuti pa’t pumunta nalang tayo sa Mcdo, doon ka mag momove-on lugar total lugar naman ‘yun ng mga sawi." natatawang pahayag niya.

Alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko ngayon. Pagak na tawa lang ang naibinigay ko sa kaniya matapos niyang sabihin ang corny niyang joke.

"Tara na nga't magshopping nalang tayo. Siguro tama 'yung sinabi mo bibigyan ko muna ng oras ang sarili ko."

Pagkatapos naming kumain, nagtungo kami sa Clothing Section, marami rin akong nabili. Pili kasi ng pili si Casey kesyo bagay daw sa akin 'yung ganon ‘saka ganyan.  Sa kakalakad namin sa loob ng Clothing area, na agaw ang atensyon ko sa isang simpleng maliit na damit pambata. Kinuha ko ito’t tiningnan ng maigi. Napaigtad ako nang biglang may humawak sa braso ko.

"Nandito ka lang pala. Akala ko iniwan mo ko. Teka ano ‘yan, bakit hawak-hawak mo 'yan?" Tanong niya sabay turo sa maliit na damit na dala ko.

“Ang cute saka—“

“Saka ano?” magkasalungat na kilay’ng untag ni Casey.

“Wala, wala.” Agad na tugon ko.

"Ah okay, babayaran ko nalang muna 'tong lingerie na kinuha ko." Paalam niya bago ako tinalikuran para magbayad sa counter.

Binalik ko ang damit pambata sa pwesto nito at kinuha ang katabing maliit na sapatos.  Dinala ko rin ito sa counter para bayaran.

"Bibilhin mo 'yan? Sino ba ang pagbibigyan mo? Ninang ka ba sa binyag ?" Sunod-sunod na tanong ni Casey sa akin. Maintriga talaga itong babaeng ‘to.

"Dami mong tanong, wala naman akong pagbibigyan gusto ko lang bumili nito." Nang matapos kong sabihin ‘yun ay hindi na siya nagtanong pa. Pagkatapos naming bayaran ang lahat ay nagmasyal nalang kami hanggang sa kung saan man kami dalhin ng mga paa namin.

"Kung bumalik kaya ako sa trabaho bilang fashion designer? Isang taon na rin kasi at mahigit akong hindi nakaka-pagsketch ng mga damit. Namimiss ko na ang magtrabaho."

Nakapagtrabaho naman ako ng ilang buwan nun. Kaya lang nag resign din ako kasi kinasal kami ni Franz.


"Mabuti pa nga, ng may mapagtuonan ka na rin ng pansin. At hindi lang 'yung asawa mo ang pinoproblema mo."

"Gusto ko sanang magtrabaho ulit kahit sandali lang, napapagod at nahihirapan din kasi ako kapag nasa bahay lang. Lalo na't wala na siya. Gusto ko sanang bumalik sa dating kompanyang pinagtatrabahuan ko.” Totoo, kahit sandali lang o pansamantala ba namiss ko rin kasi talaga ang magtrabaho.


"Wag kang mag-alala makakapasok ka dun. Bukas na bukas sasabihin ko kay Ma’am Lyza kung pwede ka na ulit makapag-trabaho sa kompanya nila." Nakangiting saad niya.


"Nako maraming salamat talaga Casey, pano nalang ako kung wala ka na kaibigan ko. Salamat ha, love you." Lumapit ako at niyakap siya.

"Eww! Ang drama natin! Tara na nga, baka maiyak pa ako dito." Ayaw niya kasi talagang nagda-drama.

"Okay uwi na tayo, pagod na rin kasi ako" pag-aaya ko sa kaniya at humiwalay sa pagkakayakap.


"Tayo na nga't naghihintay na ang gwapo kong asawang si Henry sa bahay. May utang kasi ako, e." Sabi niya saka biglang namula. Natawa nalang ako sa inaakto niya, para talaga siyang kamatis kung mamula at para namang teenager kung kiligin.

The Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon