Chapter 2.2

85.6K 1.1K 37
                                    


"Kung wala, sino 'tong lalaking pumasok dito? Sino?!" Galit na sigaw ni Franz sa akin. Sumiksik ako sa dulo ng aming malaking itim na upuan.

"Walang pumasok dito, ako lang mag isa rito. Maniwala ka nagsasabi ako ng----" bago pa man matapos ang dapat na sasabihin ko ay agad na nagsalita si Franz.

"Sinungaling kang babae ka! Pagkalandi-landi mo!" hiyaw na saad niya sa akin.

"Tama na Franz! Nasasaktan na ako! Tama na please." Pagmamakaawa at humikbing sabi ko sa kaniya. Marahas na pinaglapit ni Franz ang mukha naming dalawa at agad akong sinunggaban ng halik.

"Tama na!" Tinulak ko siya pero hindi siya natinag bagkus ay mas diniinan niya pa ang mga halik.

"Ito naman ang gusto mo 'di ba? Lakas naman ng loob mong dalhin ang lalaki mo dito. Dito pa talaga kayo naglandian sa pamamahay ko. Hindi ka pa ba nakontento sa akin? Hindi pa ba sapat na kasal tayo? Na sa iyo ako nagpakasal?!" Buong lakas na sabi ni Franz sa akin habang matalim akong tiningnan. Hindi ako nakapagsalita aga dahil sa masasakit na salitang ibinabato niya sa akin.

"Hindi ko kasalanan na sa akin ka nagpakasal! In the first place ikaw ang nagdesisyon no'n. Nagmakaawa ka lang sa akin para sa ikakasiya ng Mama mo!" Galit na wika ko.

"Kasalanan ko, pero alam kong ginusto no rin yun!" Parang bumaon ang masakit na salitang iyon sa puso ko.Tama siya ginusto ko nga dahil napamahal na ako sa kaniya.

"Wag mong ibahin ang usapan! Bakit dinala mo ang lalaki mo dito ha?!" Galit na tanong niya.

"Wala talaga. Mali ka ng akala." Pabulong na sabi ko dahil sa katunayan ay nanghihina na ako.
"Ako mali ng akala? Anong tingin mo sa akin tanga? Hindi ako tanga kagaya mo! Sumagot ka, tama bang makipaghalikan sa ibang lalaki sa mismong pamamahay ko?!" Ramdam ko ulit ngayon ang pagtaas ng tensyon.

Gusto ko nang tumakbo at umalis nalang pero nanginginig at nanlalambot na ang mga tuhod ko sa takot at sa mga kinikilos ni Franz kanina pa.

"Aray! Tama na ughh--- Ano ba!" Sinampal niya ulit ako. Kanina pa ako sobrang nasasaktan hindi lang sa sampal kundi pati na rin sa mga bagay na ibinibintang niya sa akin.
Naramdaman kong bahagyang sumakit ang aking puson.

Padabog na umakyat si Franz sa kwarto namin. Dahan-dahan ko siyang sinundan habang nakahawak sa aking nananakit na puson. Alam kong marami ng taong nagsasabi sa akin na sobrang tanga ko dahil pinag-titiisan ko ang lalaking katulad niya. Na kung bakit pa ako nanatili gayong sinasaktan niya ako.

"O, anong ginagawa mo dito ha?! Umalis ka na!" Galit pa rin na untag niya habang nag-aayos ng kaniyang mga gamit.

" Mali ang mga akala mo." Umiiyak na akong kumapit sa paanan niya.

"Anong mali? kita mismo ng dalawang mata ko April, klarong-klaro sa larawan na nasa loob ng envelope na iyan kung paano kayo naghalikan ng kung sino man ang lalaki mo. Siguro kung wala ako, lagi siyang nandito ano? Nagmimilagro kayo dito sa pamamahay ko, tama ba? Dahil isa kang maruming babae, isa kang bayaran! Kung hindi mo kayang umalis dito pwes ako ang aalis!"
Napahagulhol nalang ako sa lahat ng masasakit na salitang kumawala sa bibig niya. Hindi ko magawang magtaksil dahil sobra-sobra ang pagmamahal ko sa kaniya.

Napamahal na ako sa kaniya kahit na napilitan lang siyang magpakasal sa akin para sa sa ikakatuwa ng mama niya. Pero ito siya at pinagbibintangan ako ng kung ano-anong bagay na hindi ko naman ginawa. Hindi pa ba sapat na nagpagamit ako sa kaniya noon? Ibinigay lahat ng gusto niya? Na umuo ako sa kasal na inalok niya para sa mama niya.

"Wag mo akong iwan, mahal na mahal kita Franz. Hindi ko kakayanin na mawala ka sa tabi ko. Gagawin ko lahat ng gusto mo, titiisin ko lahat.. Wag ka lang umalis.." Pagmamakaawa ko sa kaniya.

"Mahal mo ako? Pwes ako, sawang-sawa nako sa'yo! Bahala ka na sa buhay mo. Kung ayaw mong umalis, ako ang aalis!" galit na tinulak niya ang sofa sa tabi ko dahilan para mapaupo ako sa sahig. Bahagyang kumirot at sumakit ulit ang bandang puson ko pero hindi ko ito ulit na ininda dahil ibang sakit ang mas na nangingibaw sa akin ngayon.

"Kuya ko lang 'yun." Alam kong narinig niya iyon pero hindi niya lang pinansin bagkus ay dinaanan niya lang ako.

The Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon