Chapter 2

101K 1.2K 38
                                    

Nasa malawak na lugar ako ngayon, kung saan maraming mga halaman at makukulay na bulaklak ang nakapaligid. Kitang-kita rin ang ang medyo asul na kalangitan na pinailaliman ng dagat.

Nakahiga ako sa damuhan at marahang napangiti, tinatanaw ang mga makukulay na mga bulaklak. Sana kasing ganda ng mga kulay na iyan ang buhay ko. Napabuntong hininga ako at pumikit. Sa pagpikit ng aking mga mata ay literal na wala akong makita kundi ang kadiliman. Madilim, kasing dilim at lungkot ng aking buhay na nararanasan sa kasalukuyan.

Naramdaman ko ang malamig na haplos ng hangin, ang sarap sa pakiramdam ngunit nakakamanhid. Kaya ako nagtungo sa lugar na ito dahil gusto kong kalimutan ang lahat. Kahit pansamantala lang. Kung maari nga lang na burahin ang lahat na mapapait na alala ay matagal ko ng ginawa. Mahigit isang oras kong ninamnam ang bawat paghaplos ng hangin. Sa di kalayuan ay tanaw na tanaw mula dito ang malawak na karagatan. Napakalinaw kahit na medyo di mainit.

Bigla akong napabangon nang marinig ko ang malakas na pagbusina ng sasakyan sa tabi. Nakita ko siya na nakakunot ang noo niyang lumabas at mabilis na naglakad papunta sa akin. Nagtataka ako nang diretso niya akong hilahin at kinaladkad papasok. Diniinan niya ang pagkakawak sa aking mga kamay.

"Bakit hindi ka nagpaalam?!" Matalim niya akong tiningnan na siyang ikinatakot ko, para bang may mga tumatakbong kabayo sa aking dibdib sa bilis ng tibok ng aking puso. Wala ni isa sa amin ang nagsalita nanatili akong nanlamig habang nakatanaw sa may bintana ng sasakyan. Buong durasyon ng biyahe ay tahimik akong nagdarasal na sana, maging okay na ang lahat. Na sana hindi na niya ako sasaktan.

"Pansinin mo nga ako." Hinila niya ang aking kamay palapit sa kaniya.

"Sino ang nagbigay sa'yo ng permiso na magpapasok ng ibang tao dito sa loob ng pamamahay ko?" Kalmado ngunit nakakapangilabot na tanong ng aking asawa sa akin. Nanlamig ako sa narinig. Muntikan na akong mabingi sa katahimikang pumapagitna sa aming dalawa.

“Sumagot ka.” Mautowridad na tugon ni Franz habang mabilis na hinablot ang braso ko.  Napaaray ako sa ginagawa niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang aking dapat na sabihin.

Marahas niya akong hinila sa may sala. Halos masubsob na ako dahil sa lakas at diin ng pagkakahawak niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero nangingilid ang mga luha sa aking mga mata.

"Tama na, nasasaktan ako! Ano bang problema mo?! Lumabas lang naman ako. Tsaka ano 'yang sinasabi mo na may pinapasok ako?" Pasigaw na sabi ko kay Franz ngunit parang hindi niya ako narinig dahil patuloy lang siya sa paghila sa akin.

Sinampal at tinulak niya ako sa sofa dahilan kung bakit nasubsob ang mukha ko sa matigas na parte ng upuan. Napahawak ako sa mukha kong nasampal.

Palihim akong umiyak, kusang nag-uunahang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Gustuhin ko mang sumigaw at magwala pero alam kong kapag gagawin ko iyon ay mas masasaktan lang ako.

Halos nagmanhid na ang mga pisngi ko sa lakas ng pagdapo ng kamay niya.
May hinagis siyang envelope sa center table. Nanginginig ko itong pinasadahan ng tingin. Nagtaasan na ang mga balahibo sa aking katawan dahil sa matinding takot na nararamdaman. Tiningnan ko ulit ko ang envelope na nakapwesto sa aking harapan. Hindi ko alam kung ano ang laman nun pero masama ang kutob ko.

Gusto kong abutin ngunit natatakot ako. Patuloy pa rin na tumutakas ang mga luha sa aking namamagang mga mata. Gustuhin ko mang lumaban pero alam kong mas malakas pa rin siya kesa sa akin.

"Sino ang nagsabi sa'yo na pwede kang magpapasok dito ha? sumagot ka!" Malakas na singhal ni Franz sa pagmumukha ko. Umaalingaw-ngaw ang boses niya sa buong kabahayan namin.

"Wala," mahinang tugon ko. Napahawak ako sa pisngi kong namamaga. Nangingig pa rin ako sa matinding takot na nararamdaman.

The Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon