Chapter 5.3

64.7K 840 21
                                    

"Bestfriend tayo diba? Bestfriend." May diin na sabi ko. Nakita ko kung paano biglang nagbago ang ekspresyon sa kaniyang mukha.

Napailing nalang ako. Medyo nagbago ang mood niya matapos ko siyang asarin.

"Sakay na." Malamig na wika niya nang hindi makatingin sa akin.

Manliligaw ko dati si Liam pero hindi ko siya sinagot dahil natatakot ako na baka masira ang aming pagkakaibigan.

"Problema mo?" Tanong ko sabay sundot sa kaniyang tagiliran.
Matalim niya akong tiningnan bago nagsalita. "Ka-gwapohan."

"Ang hangin Liam. Ang hangin!" Natatawang tugon ko sabay acting na kunware natangay ng malakas na hangin. Kapal talaga nito. Well, gwapo naman talaga siya mahangin nga lang.

"Umayos ka nga d'yan para kang hindi buntis kung makaasta." Agad akong napatuwid ng upo matapos niyang sabihin 'yun. Napahawak ako sa aking may kaliitan pa na t'yan.

Sana okay lang ang baby hanggang sa manganak ako. Liningon ko si Liam na abala sa pagmamaneho. Ang gwapo nga talaga ng lalaking to. Siguro nung nagpasabog ang diyos ng kagwapohan sinalo niya lahat.

Papunta kami ngayon sa hospital para sa check-up ko sa OB. Habang papasok kami sa loob ng ospital ay napahinto at nabigla ako sa aking nakita, magkahawak-kamay na pumasok sina Stella at Franz at umupo sa labas ng kwarto ng hospital.  Kaya pala ayaw na niya, kaya pala hindi niya ako mahal kasi sila pa rin.

I thought it's me, but I guess it's the contrary. Kahit na masakit ay isiniwalang bahala ko nalang.

Narinig kong mahinang napamura si Liam sa aking gilid. Nagtatakang nilingon ko siya.

"Okay lang ako, kaya ko pa. Masakit man pero siguro okay pa ako. Kakayanin." Sabi ko sa kaniya kahit na sa kaloob-looban ko ay sobrang sakit na.

Bahala na, wala akong pakialam kung nand’yan sila. Paupo na sana ako sa nang biglang sumakit ang aking ulo at nakaramdam ng kaunting pagkahilo.

Sa 'di inaasahang pangyayari ay naramdaman kong bumagsak ako sa lupa at tuluyang nagdilim ang aking paningin. Huli kong naulinagan ay ang tinig ng mga tao sa aking paligid.


"Ako na!" Rinig kong sigaw ng kung sino.

"Hindi ako nalang, ako ang kasama n'yan."Medyo naramdaman ko nalang na umangat ako sa lupa at mabilis na dinala at sinugod sa kung saan. Nagising nalang ako sa sinag ng araw na nagmula sa labas ng bintana.

Nilibot ko ang aking paningin. Naiiyak ako sa aking nakita, nandito siya. Pero bakit? Atsaka nasaan si Liam?

The Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon