Chapter 4.2

68.4K 914 10
                                    

Si Franz, siya ang tumulong sa akin noong mga panahon na walang-wala ako. Pumayag ako sa set up na gusto niya kapalit sa lahat ng mga naitulong niya sa pamilya ko.

Nagpapanggap kaming dalawa noon sa harap ng kaniyang pamilya.  Pinalabas namin na wala na sila ng kasintahan niya. Nung maghiwalay sila ng kaniyang nobya nakita ko kung gaano siya nasaktan noon.

I was there when he was so broke. Palaging ako ang tinatakbuhan niya.  He was like a bestfriend to me pero masasabi kong naging panakip butas niya rin ako. Pero wala akong pakialam dahil mas marami siyang naitulong sa akin.

Walang wala sa mga oras na ibinibigay ko sa kaniya.
Stella Nia Montecillo ‘yan ang pangalan ng ex niya na nagtatrabaho bilang isang model. Nakaka-insecure ang kaniyang ganda. Nakita ko na siya sa isang magazine noon.

Maliit ang kanyang mukha, ang kutis niya ay parang porselana. Siya ang babae na mahal na mahal pa rin ng asawa ko hanggang ngayon. Sa matagal na panahon na lagi kaming nagsama ni Franz ay unti-unting nahuhulog ang loob ko sa kaniya.

Noong una ay iniiwasan ko pero ramdam ko dati na mahal niya rin ako o siguro ay ako lang ang nakakaramdam nun dahil umasa lang pala ako.

Umabot ng ilang buwan at mga taon ang pagpapanggap namin ni Franz. Nang lumaon ay mas lalong minahal ko na siya. Hindi na ako nagtaka kung bakit, dahil halos araw-araw kaming magkasama.

Nagsimulang nagbago si Franz  nung napilitan siyang magpropose sa akin para sa Ikakasaya ng mama niya. Alam kong ayaw niyang magpakasal sa akin noon dahil mahal niya pa rin si Stella. Pero nagawa niya paring pakasalan ako para sa mama niya na nawalan na ng lag-asang mabuhay noon dahil sa sakit na cancer.

Bago kami ikinasal sinabi ng mama niya sa akin noon sa ospital kung bakit ayaw na ayaw niya kay Stella. Nakita kung apektado pa rin si Franz noon kahit na hiwalay na sila.

Matapos ng kasal ay biglang siyang nagbago, naging malamig ang pakikitungo niya sa akin.  Minsan kapag nagagalit siya napagbubuhatan niya ako ng kamay at binabato ng masasakit na salita.

Kung gugustuhin ay pwede naman akong umalis sa kanyang bahay pero wala akong magagawa dahil ito lang ang tanging hiling ng mama niya na makita ang ang kaniyang anak na kasado na bago siya mawala. Nagtiis ako kahit na mahirap dahil naaawa na rin ako kay Tita.

Pero kung darating man ang araw na mapapagod na ako, hindi ako magdadalawang isip na iwan din siya.
Naputol ang pagbabalik tanaw ko nang tumunog ang aking celphone. Pinahid ko ang lluhang kusang tumulo mula sa aking mga mata.

Kailangan ko ng tanggapin ang katotohanan na hindi na siya babalik. Umiling nalang ako’t pumasok sa banyo para maligo, pagkatapos ay nagbihis ako ng casual na damit.

Nagtext kasi sa akin si Casey kanina na magpapasama raw siya sa mall dahil may bibilhin daw siya. Kaya naman mabilis akong nagmaneho papunta sa kanila.

Mayamaya lang ay nakarating na ako sa labas ng bahay nila. Bumaba ako at pinindot ang door bell. Ilang saglit lang ay bumungad sa akin ang masayahing mukha ng kapatid ni Casey.

"Hello ate good morning po, pasok po muna kayo. Nasa taas pa po si Ate, naglalambing pa kasi ang anak niya. Ayaw paiwan  e." Bating bungad niya sa akin.

"Sige, sabihin mo nalang sa ate mo na isama na namin si Donna." Tugon ko. Tumango lang siya bilang tugon. Umakyat siya at naiwan ako dito sa sala nila.

"Oh, April andyan ka na pala." Sabi niya habang buhat buhat ang kanyang anak mula sa hagdan.

"Tara na?" Tanong ko.

Bumaba si Donna sa bisig ng kanyang ina at lumapit ito sa akin. Ngiting ngiti’y binigyan ako ng matamis na halik sa pisngi. Ang cute talaga ng batang ito. Nang nasa sasakyan na kami, abala si Donna sa paglalaro ng tablet. Si Casey naman ay kinukulit ako ng mga tanong.

"Umiiyak ka pa rin ba?"

Magkasalubong na kilay'ng tanong niya. Tango lang ang isinagot ko sa kaniya. Hindi ko na kailangang magsinungaling pa dahil malakas ang radar ng babae ‘yan.

"Akala ko ba hindi ka na iiyak?" nag-alalang sabi niya.

"Bumalik siya," pabulong na wika ko habang tutok sa pagmamaneho.

"Sinaktan ka ba niya? Anong ginawa niya sayo? Sabihin mo sa akin." sunod sunod na tanong niya na ikinabahala ko.

The Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon