Chapter 2.3

78.8K 1K 27
                                    

"Kuya ko lang 'yun." Alam kong narinig niya iyon pero hindi niya lang pinansin bagkus ay dinaanan niya lang ako.

Sa pagsasama naming dalawa bilang mag-asawa hindi ko naramdaman na minahal niya ako at kailanman ay hindi ko 'yun mararamdaman dahil nababalot ang puso at pagkatao niya sa galit hindi ko. Nagpakasal nga siya sa akin pero tinitiis ko naman lahat ng pananakit, pangmamaltrato, at masasakit na salitang ibinabato niya. Nagawa kong tiisin ang lahat ng 'yun dahil minahal ko siya.

Hindi ko inasahan na a-abot sa ganito ang mangyayari ngayon. Gustuhin ko mang sundan at manatili siya pero alam kong malabo ng mangyayari 'yun.

Nakita ko mula sa taas na padabog niyang sinara ang gate. Ang madilim na kalangitan ay mas lalong nakakapagpabigat sa aking nararamdaman. Sa ngayon hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, wasak na wasak ako. Hindi ko agad namalayan na medyo basa na pala ang pang itaas na damit ko ng dahil sa mga luhang walang sawa kung tumulo.

Kinabukasan ay maaga akong bumangon kahit na masama pa rin ang aking pakiramdam. Kahit na masakit ang aking katawan ay pwenersa kong tumayo at nagtungo sa banyo para maligo. Mayamaya lang ay naramdaman kong parang bumabaliktad ang aking sikmura. Mabilis akong tumakbo papunta sa lababo at nilabas ang lahat ng masamang likido.

Hindi ko alam kung bakit laging masama ang pakiramdam ko, nagsimula pa ito noong nakaraang mga linggo. Hindi pa nga ako nakapagpacheck-up. Wala naman siguro akong nakain na masama. Siguro dahil sa stress lang ito.

Ayaw kong isipin na iba 'to dahil hindi maaari. Pagkatapos kong magbihis ay agad kong nilibot ang aking paningin sa baba na napakatahimik. Hindi ako sanay na walang taong nanonood ng TV sa umaga. Hindi ako sanay na walang paghandaan ng almusal.

Tinatawagan ko siya pero walang sumasagot. Nakailang missed call na ako sa kaniya pero wala pa rin. Laging babae lang ang sumasagot at nagdadahilan.

Tumawag ulit ako pero
"The number you have dialled is unattended or is either outside the service area, please try again later."
Ayokong aminin sa aking sarili na iniwan na niya talaga ako. Maghapon ko siyang tinatawagan at tinetext pero kahit isang reply ay wala akong natanggap. Sa kakatawag ko ay hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako.

Nagising ako ng mga ala syete. Madilim na sa labas at hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Wala na ba talagang pag-asa na maging masaya kami? Pwede naman kung gugustuhin 'di ba?

"Wag ka ng magpakatanga pa April! Wala siyang pakialam sa'yo. Wala kang maasahan sa lalaking 'yun." sabi ko sa sarili ko.

"Oo nga naman wala lang ako sa kaniya." Ang sakit lang na kahit konting pagmamahal hindi niya kayang maibigay sa akin.
Alam kong walang kasiguraduhang uuwi siya pero bahala na. Maghahanda pa rin ako. 'Di naman masamang mag baka sakali 'di ba? Alam kong mukha akong baliw at tanga sa mga kinikilos ko pero wala akong pakialam.

Pagkatapos kong magluto ay kinuha at binuksan ko ang envelope na nakapatong sa center table. Hindi ako nagkamali, Kuya ko nga ang nasa picture. Noong nakaraang linggo 'to nangyari. Binisita lamang ako ni Kuya nun tsaka niya ako hinalikan sa pisngi bago siya umalis. Sa malayong tingin siguro'y mapagkakamalan mong naghahalikan ngunit sa pisngi lamang ang halik na iyon talaga. Masasabi kong magaling ang kumuha ng larawan. Hindi kilala ni Franz ang pamilya ko. At ang kuya lang ang may alam na kasal ako. Ang alam lang nila na nagtatrabaho ako dito sa Maynila matapos kong mag-aral.

Dinala ko sa labas ang envelope at umupo para maghintay sa walang kasihuradung pagdating niya. Malamig ang bawat paghampas ng hangin sa aking balat ngunit hindi ko ito masyadong pinansin.

Napakatahimik ng buong subdivision halos ingay lang yata ng mga insekto ang naririnig ko. Hindi ko alam kung ilang oras din akong nakaupo dito. Pumasok lang ako nang biglang nanayo ang mga balahibo ko. Kinilabutan akong bigla, feeling ko may nakatingin sa akin, pero nang nilibot ko na ang aking paningin ay wala naman.

Aksidenteng napatingin ako sa mga bisig ko. Ang dami ko na palang pasa, ngayon ko lang napansin. Ni minsan ay hindi ako napagbuhatan ng kamay ng Tatay ko. Ngayon lang na may nangmamaltrato at nanakit sa'kin. Ewan ko ba kung ba't di ko siya kayang iwan.

Marami na ang nagsabi na dapat na iwan ko nalang siya dahil wala siyang kwenta. Lagi nalang akong nakakatamo ng mga pasa, lagi nalang akong nabubugbog. Pero ni minsan hindi pumasok sa isip ko na iwan siya kahit na ganon ang sinasabi ng karamihan sa akin. Ang sakit lang isipin na ako 'tong nagtiis pero ako parin ang naiiwan sa huli. Sa relasyong 'to ako lang ata ang kumakapit.

Pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon kaya kong magtiis darating din siguro ang oras na magsasawa na ako at mapapagod sa pagtitiis sa paghihintay sa wala.

Pero ang panahong 'yun ay hindi pa ngayon. Kaya ko pa. Okay pa ako.
Alas onse na, gutom na gutom na ako. Wala akong ibang choice kundi ang kumain nalang. Pagkatapos kong kumain hinugasan ko ang mga plato na pinanggamitan ko. Hindi ko nalang niligpit ang pagkain at nilagay ko nalang sa mesa't tinakpan baka sakaling dadating pa siya.

Umakyat ako sa taas at patuloy na naghintay sa kaniya. Nilabang ko ang sarili ko sa panonood ng mga palabas. Alas dos na pero wala pa rin siya. Wala na ba talaga? Hindi na ba talaga siya uuwi?

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha galing sa aking mga mata. Napaka emosyonal ko nitong nakaraang mga araw. Akmang hihiga na sana ako nang biglang tumunog ang ringtone ng celphone ko. Natataranta ko itong kinuha sa side table at agad na sinagot ang tawag saka naman ako bumalik sa kama.

"Hello?" bati ko sa kung sino man ang tumawag, unregistered number kasi. Sino naman ang tatawag sa akin ganitong oras? Mabilis ang kabog ng aking dibdib at ramdam na ramdam ko ito.

"How's life without me April?" Tanong niya sa akin gamit ang boses ng nakainom. Napabuntong hininga ako. Alam kong siya 'to. Kilalang kilala ko ang boses niya. Sigurado akong nanghiram siya ng selpon sa kaibigan niya.

"Umuwi ka na please..." pagmamakaawang tugon ko. Ngunit imbis na sagutin niya ako, tanging halakhak lang ang itunugon niya sa akin.

"Ako? Uuwi d'yan? Hahaha! Pauwiin mo kamo ang lalaki mo." Sarkasmong sabi niya. Napabuntong hininga nalang ako.

"Wag kang aalis d'yan susunduin kita" Utos ko sa kaniya. Tumayo ako galing sa kama at kinuha ang jacket at susi ng sasakyan. Nasa linya pa rin siya.

"Wag, hindi mo ako susunduin. May ibang susundo sa akin." Napahinto ako sa sinabi niya. Parang may karayom na tumutusok sa aking puso nang sabihin niya ang pinakawalan niyang mga salita. Pinatay niya ang tawag. Ibig sabihin nandoon na ang babaeng matagal niya ng mahal.

The Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon