Chapter 5.2

67.6K 876 48
                                    

"Hindi, akala ko kasi kaboses mo lang" Tumayo siya sa pagkakaupo at lumapit sa akin. Hindi ako nakaiwas sa mahigpit niyang mga yakap.

Nag-usap kami sandali. at nagkamustahan lang. Nagulat siya na dito na ako magtatrabaho ulit.
Pagkatapos kong ipasa sa kaniya ang mga designs at sketches ko, agad akong nagtungo sa lugar na pagtatrabahuan ko.

Nakasundo ko naman agad ang mga bago kong katrabaho. It feels really good to be back. Mabilis na tumakbo ang oras at uwian na. Nagmamadali akong nagmaneho pauwi dahil may pupuntahan daw kami ni Liam mamaya.

Isang oras bago ang usapan ay nandito na ako sa bahay, nakaupo habang nag-iisip ng mga bagay-bagay.

"April, open the gate." Malakas na katok niya. Nandito na pala siya. Kahit kailan talaga ay hindi siya marunong gumamit ang loko ng door bell.

Gusto pa talagang mambulabog. Binuksan ko ang gate at bumungad sa akin gwapong niyang mukha.

"Wag ka ng pumasok, tara na!" Sabi ko. Tumango lang siya at diretsong nagtungo sa kanyang sasakyan. Pinagbuksan niya ako, agad naman akong sumakay.

Nagdrive siya papunta sa paborito naming kainan noon. Pagkarating namin ay agaf kaming pumasok at naghanap ng bakanteng mauupuan.

"Kumusta ang buhay may asawa?"
Tanong niya na gusto kong iwasan.

"Sa totoo lang, hindi ako okay ngayon. Iniwan niya kasi kami." Malungkot na saad ko. Kumunot naman kaagad ang kaniyang noo.

"Bakit anong nangyari? At ano ang ibig mong sabihin ng kami? You have kids already?" Naguguluhang tanong ni Liam.

"No, but I'm pregnant" Pabulong na wika ko.

"I'm sorry ro hear that. Napakawalang modo talaga ng kapatid kong iyon." nagsalubong naman kaagad ang aking kilay dahil hindi ko narinig ang huling linyang kaniyang sinabi. Medyo pabulong kasi.

"Wag nalang muna natin siyang pag-usapan. I'm trying to accept things now." Mahinang saad ko.

"Dont worry, ngayong wala siya I will take his responsibilties. Kung hindi niya kayo kayang panindigan then I can do it for the both of you.

Ta-tratuhin at aalagaan ko ang anak mo na parang akin." Seryosong saad niya. I smiled. He is such a good guy. Ang swerte siguro ng babaeng mapapangasawa niya. Liam was my schoolmate before tsaka malapit ko rin syang kaibigan noon.

"Okay lang ako Liam, kaya kong palakihin ang anak kong mag-isa." Sabi ko 'tsaka kumain ulit.

It's been days since nung nag-usap kami ni Liam. He initiated to take my husband's responsibility. Tinanggihan ko na siya pero naglakas loob siyang akuin pa rin.

Nasa bahay ako ngayon. I expected Liam to come here dahil 'yun ang sinabi niya. I excitedly open the gate nang marinig kong may sumisigaw at nambubulabog na naman.

Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang kaniyang perpektong mukha. Ewan ko ba pero parang ang cute ng tingin ko sa kaniya. Parang pinaglilihian ko siguro siya. Well, parang lang naman.

"Kumusta ka? Kumain ka ba ng maayos? Natulog ka ba nang maaga? Uminom ka ba ng gatas? Ng vitamins, ng maraming tubig?" Napangisi ako sa sunod-sunod na tanong niya. Akala ko simpleng kumusta lang. Ang exagge din kasi minsan e.

"Opo Kuya, ginawa ko po lahat." Pang-aasar na tugon ko. Ayaw niya kasing tawaging Kuya.

"Wag Kuya, dapat Daddy." Seryosong saad at tingin niya sa akin sabay hawak sa maliit ko pang tiyan. Napatunganga ako saglit.

"Yucks!" natatawang bigkas ko. Gago talaga 'tong taong 'to.

"Hahaha! Chos lang!" Pabirong sabi niya.

"Baliw ka talaga!" Utas ko sabay hampas sa kanyang braso.

"Oo, baliw nga ako. Baliw pa rin sa'yo."Hindi ko inasahang hirit niya. Napatawa nalang ako.

The Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon