Chapter 3.3

69.8K 954 15
                                    

Hinatid niya ako papunta sa bahay, ngayon ko lang napansin na ang dami pala naming pinamili. Kahit medyo naipit kami sa traffic e, natatanaw ko na ang malaking bahay. Bahay na walang katao-tao at sigla.

"Salamat sa paghatid!"Pagkabukas ko ng gate may nakita akong envelope sa may pintuan, agad na kinuha ko ito binuksan.

Sino na naman kaya 'tong nagbigay ng sulat? Binuksan ko ang sulat at binasa.

Habang binabasa ko, hindi ko maiwasang hindi mangilabot at matakot. Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa tinding takot na nararamdaman. Nabitawan ko ang sulat, at nagmamadali kong sinara ang pinto at patakbong umakyat sa taas.

Ano ba talaga ang pakay ng taong ito. Nung nasa taas na ako napalingon ako sa kwarto namin dahil biglang may narinig akong pumihit sa pinto.

Mabilis ang kabog ng puso ko, sobrang kinakabahan ako ngayon. Pinasadahan ko ulit ng tingin ang aming silid at sa hindi inaasahang pangyayari, nakita ko siya.

"Nandito ka,” pabulong na sabi ko saka lumapit at niyakap siya.

"Saan ka galing?" tanong niyang nagpaangat ng mukha ko para tingnan siya. Unti-unti niyang kinuha ang mga braso kong nakayap sa kaniya.

Nakita ko ang pagkakunot ng noo niya at kung pa'no siya tumingin sa akin. Umayos ako ng tayo at hindi pinahalata na nasasaktan ako sa ginawa niyang pagkalas.

"Buti naman at bumalik ka na." Pag-iiba ko ng usapan. Namiss ko talaga siya, na miss ko ang presensya niya. Namiss ko ang paghandaan at alagaan siya kahit ilang araw lang siyang nawala.

'"May kinuha lang ako. Aalis din ako kaagad. Wag kang umasa na babalik pa ako dito ulit." Walang emosyong sabi niya sabay talikod at bumaba.

"Wag ka ng umalis Franz. Wag mo na--" Hindi ko na natuloy ang dapat sanang sasabihin ko dahil mabilis pa sa alas kwatro akong tumakbo patungo sa banyo at inilabas ang masamang likido sa bibig ko.

 
Yakap-yakap ko ang inidoro upang hindi ako tuluyang bumagsak dahil sa pagkakahilo.

"Anong nangyayari sa’yo?" Naramdaman kong may bahid ng pag-aalala sa tono ng kaniyang boses. Agad niya akong nilapitan at inalalayan.

“Hindi ko alam.” tanging tugon ko.

"Sige alis na ako." Malamig na wika niya matapos niya akong tulungang makahiga sa kama ng kwarto namin. Naglakad siya patungo sa pintuan.
"Franz." Tawag ko sa kaniya bago siya makaalis. Sinandal ko aking katawan sa headboard ng kama dahil nakakaramdam pa ako ng kaunting pagkahilo. Nilingon niya ako ng may pagtataka.

"Wag kang umalis, dito ka lang. Kahit ngayong gabi lang, kahit ngayon lang." Pagmamakaawa kong sabi sa kaniya. Bumalik siya at naglakad patungo sa kinaroonan ko at tumabi sa akin.

The Abandoned WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon