Kabanata 7

54.7K 3.2K 287
                                    

Kabanata 7

SA HALIP NA magsayaw pa ay wala na akong pinayagang isayaw ako. I stayed seated there, masama man ang tingin sa akin ni Brittany ay hindi ko iyon pinansin. Kahit nga si Cess na tumitili sa tabi ko at kinukurot ako ay tinatawanan ko lang.

Alright, hindi na ako makapagsayaw dahil sa sinabi ni Jer kanina! Sa halip na magsaya pa ay iniisip ko ang sayaw namin mamaya. When he says he's my last dance then he really is.

I am really excited to see Ejercito, hindi ko nga alam kung nasaan iyon. Wala siya dito at kanina pa rin siya hinahanap ng mga tao sa lugar.

I heard the emcee speaking in front, telling the audience about the awards to be given tonight. I remained listening but still, my mind is flying somewhere.

"One of the special awards for tonight's event is the star of the night. It's the most outstanding, shining and center of attention man and woman for tonight!" The emcee cheered. Lahat sila ay mukhang na-excite, ako nama'y nanatiling nanunuod at sumimsim ng inumin.

"Cess, have you seen Jer?" I asked her sneakily.

"Si Jer? Hindi pa, Lena. Kanina ko lang din siya huling nakita."

I nodded, muli akong sumulyap sa entrance at napahugot ng hininga.

"Our star of the night for the male category is none other than..." she paused. "Floyd Sanchez!"

I smiled. Nakita ko ang pagtayo ni Floyd kaya pumalakpak ako ng malakas. He smiled, nakita kong natuwa at nagsipalpakan ang mga tao habang patungo siya sa stage.

I remained looking at him, he was thanking the school admins and officers for the wonderful event. Ako nama'y tuwang-tuwa habang nakatingin roon.

"Lena," tawag ng atensyon sa akin si Cess kaya nilingon ko siya at nakitang may itinuro siya sa akin. Inilipat ko ang tingin ko at nanlaki pa ang mata nang makita sa Ejercito roon sa may entrance.

He smiled when he saw me, napasulyap naman ako sa orasan at nang makitang halos maghahating-gabi na ay kaagad akong tumayo.

My heart thumped hard, nang makita ni Cess ang pagtayo ko ay napahagikhik siya at hinampas ako.

"Go, Lena!" she cheered. I laughed, umiling ako sa kanya pero tumawa lang siya sa akin.

Nang mawala si Jer sa paningin ko ay naglakad ako patungo sa entrance kung nasaan ko siya nakita. I am nervous! Halos lumabas na ang puso ko sa dibdib ko!

"Our female star of the night is no other than...Leona Harriet Abelló!" bigla akong natigil nang marinig ang pangalan ko. I blinked, sa muling paglingon ko sa stage ay nakitang sa akin nakatutok ang spotlight at nagsisipalakpakan na ang mga tao.

I was shocked at that, mabilis akong umayos ng tayo at narinig na nagsalita ang isang professor na malapit sa akin.

"Miss Abelló! You can go to the stage," aniya na inilalahad pa sa akin ang daan. Hindi pa rin ako makapaniwala. Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat.

"A-ako?"

"Yes, you are. Come on." Nagulat ako nang lumapit sa akin ang lalaking professor at inalalayan ako palapit sa stage.

I was still in shock, nang lingunin ko si Cecille ay nakatayo siya habang masayang pumapalakpak at ako'y hindi pa rin makapaniwala.

I mean, really? Me?!

"Congrats, Lena," Floyd greeted. I heard him chuckled and caressed my hair.

"Yes, you won, Lena." Aniyang natatawa sa akin na natutula pa rin at napatawa. I nodded, napatingin ako sa mga tao na nasa akin ang atensyon at ngumiti.

Paper Planes (Sandejas Siblings: Companion Book)Where stories live. Discover now