Kabanata 28

82.9K 3.6K 1.4K
                                    

Kabanata 28

"SO, KAILAN N'YO balak sabihin sa aming ayos na kayo?" Mataray na sabi ni Cecille na iniirapan kami.

Nakaupo kami ni Jer sa batuhan at magkatabi habang pabalik-balik na naglalakad si Cecille sa harapan na akala mo'y Nanay na nahuli ang teenager na anak na may kahalikan.

I saw Floyd grinning in the side, nakasandal sa puno at pinagmamasdan kami.

Para kaming preso ni Ejercito sa gitna habang nakaupo at naglalakad nang pabalik-balik si Cess, kulang na lang ay may hawak na hanger pamalo.

"Hoy! Sagutin n'yo ako!" I jumped when she hissed.

I bit my lip and I saw Jer's lips lifted for a smirk.

"Calm down, Cess," he called and grinned.

"How can I calm down, aber?" She groaned. "Ang sabi n'yo, hindi kayo ayos tapos malilingat lang kami ni Floyd naghahalikan na kayo?!"

"Hindi nga kami naghahalikan," paliwanag ko.

Floyd laughed. Jer bit his lower lip then glanced at me before looking at Cecille.

"It's true, we weren't kissing...nagpa-practice lang gumawa ng bata," ani Jer na ngumisi pa ulit.

Nag-init ang pisngi ko, hinampas ko ang hita niyang iritado na. Mas napatawa siya na sinabayan naman ni Floyd sa sobrang aliw nilang dalawa.

"Sandejas!" I whined.

Jer chuckled, caught my fingers and intertwined our hands.

"Na-ha-high blood ako sa inyo!" Hinilot ni Cess ang sentido. "Paliguan ko kayo ng holy water d'yan nang maging banal kayo ulit!"

Ngumuso lang ako at napailing si Jer.

Mag-ngangawa at magrereklamo pa sana si Cess kung hindi lang lumitaw si Floyd at mula sa likuran ay tinakpan ang bibig ng kaibigan na parang page three na sa sermon niya sa amin sa pagiging banal.

Cess groaned and slapped his arm while Floyd just laughed at her.

"Kumalma ka, boss. Kapag nakarecover 'yan si Lena baka itulak ka sa bangin," he said.

"Gumaganti lang ako 'no," I snorted kaya napasulyap sila sa akin.

"Sa?" Hinila pababa ni Cess ang kamay ni Floyd kaya lumaylay iyon sa balikat niya.

"You caged us on that dirty room!" reklamo ko sabay busangot.

Nanliit ang mata ni Cess at namaywang, nakaakbay pa rin si Floyd sa kanya at tinitignan kaming dalawa.

"So...who made the first move?" Biglang nagbago ang itsura niya at naging kuryoso.

Mabilis kong tinuro si Jer at nanlaki ang mata nito sa akin.

"Hindi ako!" He exclaimed.

"Ikaw!" Turo ko pa sa ngumiwing si Jer na muling hinuli ang kamay ko at ibinaba.

"Pinagsamantalahan ni Lena ang kahinaan ko," biglang drama ni Jer kaya umawang ang labi ko.

"Liar!" Sinipa ko ang paa niya at napasinghap siya.

"See? Inaalipusta niya ako!" Nang samaan ko siya ng tingin ay naaaliw na siyang ngumisi at inabot ako para bahagyang yakapin.

"Kidding," he chuckled and kissed my head. "But she made the first move, liligawan daw ako."

Napanganga si Cecille at natulala.

"H-Huh? Si...si Lena ang manliligaw?!" she screamed.

"Yep!" Jer grinned. "Ganyan siya kapatay na patay sa akin."

Paper Planes (Sandejas Siblings: Companion Book)Where stories live. Discover now