Special Chapter

126K 4.5K 1.5K
                                    

Special Chapter

"ANG GANDA NAMAN ng project mo, Lena!" Cecille exclaimed while staring at the portfolio.

"Kagabi lang 'yan," ngisi ko. "Bakit maganda rin naman ang sa 'yo, ah?"

"Naku, nagpa-lettering lang ako sa pinsan ko! Mas maganda itong sa 'yo, gusto ko 'yong kulay." Turo niya.

"Mornin," I stopped and lifted my gaze. Nagsalubong ang kilay ko nang makita ang nakangangang si Ejercito habang nakamasid sa amin.

"What?"

"Ang ganda," turo niya sa gawa kong hawak ni Cess.

"Thanks," I grinned. "Ikaw, patingin ng sa 'yo?"

"Uhm," he suddenly bit his lip and sat beside me, ang bag pack ay halatang walang laman kaya napailing ako.

"So?" I raised my brow.

"Ayos naman siya," he said, pouting a bit. "Cess, patingin nga ng iyo."

Cess gave her project to him, nanliit pa ang mata ni Jer at mas napasimangot.

"Bakit ang gaganda? Bakit ganyan? Required bang maganda?" Kumunot ang noo niya.

"Sakto nga lang 'yan," Cess commented.

"Kaysa naman ang sa 'kin?" nguso niya't nanlaki pa ang butas ng ilong.

"Ano ba kasi sa 'yo? Patingin nga," I said.

"Ayaw," sumandal siya sa balikat ko. "Pangit 'yon."

"Patingin kasi," I insisted.

"Kapasa-pasa naman siya," mukhang napapaisip pa siya. "...siguro?"

"Jer..." I warned.

"Ayaw nga, nahihiya ako." He whispered and blushed.

Inagaw ko ang bag niya, hindi pa siya kaagad nakapagreklamo at umawang lang ang labi kaya nabuksan ko ang bag.

I took his portfolio out at halos mapapikit ako sa nakitang design.

"Ano 'to..." I showed it to him. "Seryoso ba 'to, Ejercito? Ano 'to? Portfolio o pamunas sa pwet?"

"Sabi kasi sa 'yo," nguso niya. "Pero grabe ka sa pamunas ng pwet, ah! 'Di naman...'di naman masyado."

It was in a magazine, like what was told, kaso nga lang ang title sa harapan ay nakasulat lang ng kulay itim na pentel pen! Halatang napipilitan pa.

"Hindi ko na lang siguro ipapasa," he murmured.

"Baliw ka ba?" I hissed. "Anong grade mo?"

"Mabuti na lang gwapo ako kahit pangit ang gawa ko, pambawi." He muttered coolly.

"Hay naku, Ejercito." Cess scratched her eyebrow. "Wala ka nang matinong naipasa."

"Babawi na lang—"

"Babawian kita ng buhay, Sandejas." Irita kong bulong.

"Nakakahiya, eh, paano ko ipapasa...h'wag na lang." Ngiwi niya.

He looked confused and lost, magulo pa ang buhok niya at nakanguso kaya pinitik ko na ang labi.

"Harriet!" He whined.

"Kailangan mong magpasa!" I lectured.

"Paano..." tumitig siya sa gawa ko pabalik sa akin at biglang sumandal. I was startled, yumakap siya sa braso ko at parang tuta na kumapit.

"Lena, baka naman...pa-lettering." Lambing niya.

I rolled my eyes.

Humagalpak si Cess sa amin.

Paper Planes (Sandejas Siblings: Companion Book)Where stories live. Discover now