Kabanata 29

86.8K 3.8K 2.5K
                                    

Kabanata 29

KUNG PWEDE LANG ipatapon sa ilog sa Ejercito ay matagal ko nang ginawa. Paasa siya! Paasa!

Kinakabahan ako pero excited sa kasal-kasal niyang sinasabi pero ang ending ay inuwi niya lang ako sa bahay habang tumatawa sa mga hampas ko sa kanya.

That man! Willing naman ako kahit gabi pa pero maarte! Hindi raw niya ako papakasalan ng ganoon lang, ang gusto niya ay engrande para sa akin.

"Lena, ang aga-aga at bakit nagluluto ka?" I shifted my gaze and saw my Mom walking closer to me.

"Morning, Mamá." I greeted softly and walked near her to kiss her cheek.

"Morning, bakit ka nagluluto? Nasaan sina Manang?"

"Uh, Ma, kasi may pinaglulutuan lang ako. Ayos lang, nakapagluto na po sina Manang ng agahan." I said.

She nodded, sinilip niya ang niluluto kong pagkain at nagtaka.

"Para kanino ang Adobo, hija?" aniya. "Ang bango, huh, saan ka natuto?"

"Uh, minsan po nanunuod ako kina Manang. Nagtanong na rin ako kanina kung paano kaya ito." I smiled.

"Oh," she smiled. "Para kanino? Pahingi kami ng Papá mo."

"Of course, Ma." I chuckled. "Kaunti lang ang dadalhin ko, sa bahay ang iba."

I saw my father entering the kitchen, humalik ako at bumati sa kanila bago pinatay ang kalan para kunin na ang niluto ko.

Kumuha ako at inilagay sa mangkok bago inihain sa kanilang harapan.

"Mom, Dad, kain." I offered.

"Oh, nagluto ka?" I saw my father smiled.

"Yes po, tikman n'yo." I offered them the food and watched them ate it.

I was watching them eat it at bahagyang nanlaki pa ang mata ni Dad bago napakurap at tumango. My mother coughed a bit and sipped on her tea.

"A-Ayos po ba?" I asked.

"Yeah...yes, hija." My mother smiled softly. "Ganoon talaga kapag una, pero masarap."

Sumulyap ako kay Dad at tumango siya at uminom ng kape.

"Para kanino?" My Mom asked again and sipped on her drink. Ngumuso ako at humugot ng hininga.

"Kay Ejercito po,"

Biglang naubo si Papá, nabuga ni Mamá ang iniinom kaya nag-panic ako at napatayo.

"Ma! Pa!" I exclaimed.

"I-I'm fine, I'm fine!" He coughed. "Si Sandejas?"

"B-Bati na kayo, anak?" Mom asked after recovering and covering her face, her eyes widening.

"Uhmm..." I bit my lower lip and sighed a bit before nodding.

"K-Kailan?" She asked.

"Uh...nitong nakaraan lang. N-Nag-usap po kami at nagkaliwanagan, h-hindi naman po kami, uhm, medyo nagkakamabutihan lang."

My father nodded, inayos niya ang kanyang salamin at sumulyap sa akin.

"Mahal mo pa ba siya, hija?" He suddenly asked.

Kumalabog ang puso ko, napasulyap ako kay Mamá na nakatitig lang at nag-aantay ng reaksyon ko.

"Yes," I whispered softly.

"Eh siya, mahal ka pa?" My Mom retorted.

I slowly nodded at her.

"Yes po,"

Paper Planes (Sandejas Siblings: Companion Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon