Kabanata 10

65.8K 2.6K 391
                                    

Kabanata 10

"LENA," HE CALLED in a whisper.

"Hmm?" I hummed.

"Nothing," he smiled at me and squeezed my hand under our chair. "I just missed you so much."

"I missed you too," nangingiting baling ko at pinisil ang kamay niya pabalik.

The presenter is in the middle of the crowd, nakikinig ako pero wala akong naiintindihan, all I can hear are the unrecognizable words, ang atensyon ko ay na kay Ejercito na nakasandal at pinaglalaruan ang daliri ko.

He was too focused on my hand, inilalagay niya ang hintuturo sa gitna at ipinapaikot sa palad ko at kaagad ko iyong huhulihin kaya natatawa siya.

"I'm getting bored here," he snorted after a while. "Where do you wanna date, hon?"

"Hmm, sa paborito ko?" I suggested.

"Perya?" his brow raised and a playful smile left his lips.

"Hmm," I murmured. "Is that fine?"

"Definitely," he kissed my hand and looked at the man in front.

Minutes have passed but it's getting more and more boring each passing time, I am staring to feel sleepy at nang sumulyap ako kay Ejercito ay nakita kong pinapalobo na niya ang bibig para lagyan ng hangin at puputukin pagkatapos.

He would let air fill his mouth at nang lumubo ang pisngi niya ay mabilis kong pinindot ito na nag-ani ng ingay.

My eyes widened and he paled when his mouth sounded like he just farted!

The people stopped, nanlaki ang mata ko nang bumaling sila sa amin at ang iba'y nagtakip ng ilong.

Shit...

Ejercito coughed loudly, namula ang mukha niya at napalunok ako roon.

"S-sorry," ubo ni Jer at humarap sa akin.

"Maybe you can excuse yourself first, Mr. Sandejas." The strict professor suddenly said, covering his nose.

He did not fart! Oh my God!

"Excuse me, then," Ejercito shook his head and glared at me. Natatawa naman ako pero pilit na nagseryoso.

Tumayo si Ejercito sa kanyang upuan at nagmamadaling umalis sa loob ng room, halos tumakbo pa sa kahihiyan. Kitang-kita ko ang pagkuyom ng kamay niya.

"Gwapo naman umutot ni Jer!" I heard the girl giggling in front of me.

My brow shot up.

"Sinabi mo pa, have you seen him blushing? Ang gwapo!" Her friend even exclaimed back making me frown.

Nag-umpisa na ulit ang nagsasalita sa harap pero masama pa rin ang tingin ko sa mga babae sa harapan.

"Totoo bang girlfriend niya 'yong kaibigan niya?"

"Oo, 'di naman kagandahan!"

Excuse me?! Narito ako sa likuran n'yo!

Halos magpanting ang tainga ko.

"Hindi naman siguro? Mapili 'yon sa babae—" tumikhim ako ng malakas kaya napaharap sila sa akin.

Nakita ko ang gulat nila nang matantong nakikinig ako kaya ngumiwi ako sa kanila. I raised my brow, natahimik sila at sa inis ko ay tahimik ako pumuslit palabas ng room para hanapin si Ejercito.

Inayos ko ang damit ko habang lumilinga ay hinahanap ko si Ejercito sa tahimik na hallway.

Where is he?

Paper Planes (Sandejas Siblings: Companion Book)Where stories live. Discover now