Chapter 1

427K 13.8K 6.6K
                                    

Chapter 1

Bakit ang asim ng kili-kili ko?


Sinundot-sundot ko ito saka inamoy ang daliri ko. Maasim talaga. Bakit kaya? Kakaligo ko lang naman nong isang araw, ah?


Nakakainis kasi, palagi na lang may tao sa poso kaya hindi ako makaligo. Palaging mahaba ang pila ron, hindi ako makasingit. Hindi kaya ng oras ko. May tubig naman kaming imbak sa banyo, ang kaso ay kulang pa iyon para sa mga pinsan ko.


Hinagilap ko ang lumang bra na palagi kong suot. Hindi pa naman iyon mabaho, mata-tiyaga pa ng isa pang gamitan. Hay, naku, kelan ba kasi ako pamamanahan nila Kristy ng bagong bra at panty!


Magpapasko na, sana naman maisipan ng mga pinsan ko na ambunan ako ng grasya. Kahit pinaglumaan lang nila ay maligaya na ako.


"Purita!" Sigaw ni Laarni, isa sa mga pinsan ko.


(unedited raw copy)


"Sandali! Bababa na!" Agad kong pinahiran ng lumang tuwalya ang aking basang katawan. Kagagaling ko lang kanina sa labas at tumulong sa pagtitinda ng kakanin sa kanto. Nakaharap na ako sa electric fan pero nanlalagkit pa rin ako. Sa sobrang init kasi ng panahon kaya pawis na pawis ako. Parang hindi magpapasko kapag tanghali, napakainit pa rin.


Ipinusod ko ang buhok ko gamit ang goma na napulot ko kanina sa kalsada. Bumaba ako sa kahoy naming hagdan at tumuloy sa maliit naming kusina. 


Naabutan ko roon ang Tres-Marias, ang aking mga pinsan na sina Kristy, Miranda at Laarni. Halos magkakasunod ang edad ng tatlo at hindi nalalayo sa edad ko. Ang tatlong anak na babae nina Tiyang Jingjing at Tiyong Miguel. Si Tiyong Miguel talaga ang kamag-anak ko, nag-iisang kapatid ito ng yumaong nanay ko. Sa kanila na ako tumira matapos akong maulila.


"Magsaing ka na at uuwi na sina Tatay," nakasimangot na utos sa akin ni Laarni. Nakangudngod ito sa second-hand Cherry Mobile CP na regalo rito ni Tiyong.


Tumango ako at lumapit sa lababo para maghugas ng kaldero at magsaing.


"Pagkatapos mong magsaing, mag-igib ka," utos naman ni Miranda. "Maliligo ako, magsisimba ako mamaya, e." Busy naman ito sa pagbabasa ng horoscope sa hawak na diyaryo.


"Ku, ang sabihin mo ay makikipagdate ka lang kay Mumog!" ani Kristy na busy naman sa pagpe-pedicure sa sarili.


Inis na nilingon ito ni Miranda. "Pwede ba, wag mo siyang tawaging Mumog, Marvin ang pangalan niya! Marvin Jose Ikalawa! Ang ganda-ganda ng pangalan e pinapapangit mo!"


"Aba, ako ba ang bumansag sa kanya ng Mumog?" iritang dinuro ni Kristy ng pusher ang kapatid. "Kasalanan ko ba na sa taba ng pisngi niya ay mukha siyang palaging nagmumumog?"


Umirap lang si Miranda.


"Wala ka kasing taste, e!"


"Bat ikaw meron?"


"Aba oo naman! Anong binatbat ng Mumog mo sa X ko?"

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon