Epilogue

468K 17.6K 6.3K
                                    

Epilogue


"I LOVE YOU. THEN AND NOW."


Ang sarap pakinggan. Ang gaan sa pakiramdam.


Nakasubsob pa rin ako sa matigas na dibdib ni Xerxes habang yapos-yapos niya ako. Ayaw kong humiwalay sa kanya. Feeling ko kasi kapag bumitaw ako ay mawawala siya.


"Narinig mo?" bulong niya sa akin. "Mahal na mahal kita."


Tumango ako.


"Magiging mabait na ulit ako. Hindi na ako magiging salbahe sa 'yo."


Tumango ako.


"Ikaw, pwede mo akong gantihan. Pwede mo akong pahirapan."


Tumango ako.


"Kung gusto mo, putulin mo ang mga daliri ko para makaganti ka..."


"Ayoko..."


Umalog ang mga balikat niya. "I knew it."


"Wag kang malikot." Sumubsob ulit ako sa kanya, this time ay sa mabangong leeg ni Xerxes. Hindi yata ako magsasawa sa kakasinghot sa lalaking ito.


Hinagod niya ang likod ko. "Mamahalin kita habambuhay, Rita. Naniniwala ka ba?"


Tumango ako.


"Aalagaan kita. Tatalikuran ko lahat para sa inyo ni Furybells."


Si Fury ay nasa itaas ng bahay at pinagkakaguluhan ng mga pamangkin ko pati ni Laarni. Gandang-ganda sila sa anak namin ni Xerxes, tila manika raw ito.


Kasaluyan naman kaming nasa sala. Nakakalong ako kay Xerxes habang nakapulupot ang mga braso niya sa bewang ko.


Nasa may pintuan naman nakatayo si Mumog—Marvin Jose Ikalawa. Siya ang naghatid sa anak namin ni Xerxes dito.


"Hey stop looking at Rita like that," sita ni Xerxes sa kaibigan, paano'y kanina pa masama ang tingin ni Mumog sa akin.


"Pero sinaktan ka niya—"


Tinampal ni Miranda ang bibig ni Mumog. "Hoy, lalaki! Baka nakakalimutan mo, nasa pamamahay ka namin!"


Sa bilis ay hindi napansin ni Mumog na nakalapit na si Miranda. Natulala siya ng makita ang pinsan ko, pero nakabawi rin agad ng pagkabigla. Sumungit ulit na tila napahiya.


"Magkano ba 'tong bahay niyo? Kaya ko 'tong bilhin kahit ngayon mismo!" tanong ni Mumog na pulang-pula ang mukha.


Nagbangayan na ang dalawa.


Dinuro siya ni Miranda. "Por yor inpormeysion! Hindi na ako ang dating Miranda na patay na patay sa 'yo, matured na 'to!"

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon