Chapter 7

244K 9.7K 1.8K
                                    

Chapter 7


HINALIKAN AKO NI X!


Ang bango at ang init ng hininga niya. So ano ngayon kung nanggaling muna siya sa kung sino mang poklay kagabi? Ang importante ay sa akin siya umuwi.


Ako kasi ang mahal niya. Pagdating sa akin, wala siyang presyo. Libre siya.


At kapag magkasama na kami, pagbabawalan ko na siyang dumikit sa kahit sinong babae. Dapat ako na lang. Dapat sa akin na lang siya.


Ako na lang dapat ang hahalikan niya.


Pumikit ako at inalala kung gaano kasarap ang paghalik niya sa akin kagabi. Kung paano niya idinikit ang mga labi niya sa akin, kung paano niya dinama ang mga labi ko gamit ang kanya at kung paano niya ipasok ang mainit niyang dila sa loob ng bibig ko.


Buong maghapon na hindi ako nagsepilyo, hindi ako nagmumog, ni uminom ng tubig ay hindi ko ginawa. Wala akong pakialam kahit natuyo na ang laway ko o dehydrated na ako. Ayokong mabura sa mga labi ko ang init at lasa ng mga labi niya.


Pagkatapos ay niyakap niya pa ako nang mahigpit kagabi. Ayun tuloy, lahat ng tampo ko ay nawala.


Speaking of yakap, hindi rin pala ako naligo kanina. Ngiting-ngiti ako habang binabanlawan ang mga platong hinuhugasan ko.


"Parang ang saya-saya ng pamangkin ko, ah." Hindi ko namalayan na nakauwi na pala si Tiyo Miguel.


Dumulog siya sa hapag matapos ibaba ang bag na kinalalagyan ng construction tools niya.


"Tiyong!"


Umubo siya at ngumiti. "O e bat masaya ka nga?"


Tiningnan niya ang ulam na nasa mangkok na natatakpan ng platito. Pakbet ang hapunan namin ngayong gabi, at as usual, pagkatapos magsikain ng tiyahin at mga pinsan ko ay pumanhik na sila sa itaas ng bahay. Ni hindi man lang nila hihintay na makauwi ang padre de pamilya. Palibhasa kasi ay wala pang sweldo ang tiyong.


"Kasi po magbi-birthday na ako," nakangising sabi ko. Syempre hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoong dahilan na kumikerengkeng ako.


Ah, mukhang magiging masaya talaga ang birthday ko dahil iyon ang unang birthday ko na si X ang kasama ko.


Nagpunas na ako ng kamay at pinaghainan si Tiyo Miguel. Naupo ako sa tapat niya. Sasamahan ko muna siyang kumain.


"Ay oo nga, ano?" Agad niyang tinakbo ang kalendaryo na nakasabit sa dingding ng kusina. "Sa isang buwan na pala!"


"Excited na ako sa ireregalo mo sa akin, Tiyong!" biro ko sa kanya.


Sumensyas siya sa akin na wag akong maingay. Napahagikhik ako at tinakpan ang aking bibig.


Ganito kami palagi ni Tiyo Miguel. Para kaming mga magnanakaw na nagtatago at ayaw pahuli. Kapag may ibibigay siya sa akin ay dapat patago. Bawal malaman ni Tiya Jingjing at ng mga pinsan ko na binibigyan ako ng regalo ni Tiyo Miguel tuwing birthday ko.

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon