Chapter 18

211K 8.7K 2.2K
                                    

Chapter 18


NAKAKULONG SIYA.


Ang sinasabi pa lang raket ni Xerxes ay ang pagsama niya sa isang samahan kung saan manloloob sila ng isang pawnshop. Hindi niya halos kilala ang mga kasama niya kaya inilaglag siya ng mga ito. Wala siya sa lugar ng magkahulihan, ngunit kinabukasan ay dinakip siya ng mga pulis dahil itinuro siya ng mga nahuli.


"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Berting.


Marahan akong tumango bagamat tulala pa rin.


Tinabihan niya ako sa bench. Galing siya sa kulungan, dinalaw niya si Xerxes. "Sinabihan ko na iyon. Pinigilan ko iyon."


"Pero ginawa niya pa rin."


"Ganon naman iyon, sumisige kapag kailangang-kailangan." Napailing siya. "Tsk, kung sana sa Quiapo siya gumawa ng kalokohan ay baka makalusot pa siya. Kilala siya ng mga pulis ron, e. Alam mo namang kahit gaganun-ganun si X, marami siyang natutulungan noon sa Quiapo. Ang kaso ay dito siya natimbog, walang tutulong sa kanya rito. Dayo siya rito sa Rizal, e."


Napasubsob ako sa mga palad ko. Patong-patong na ang problema ko.


"Mare, tahan na... ayaw ni X na umiiyak ka." Hinagod niya ang likod ko. "Mahal na mahal ka non... ayaw non na iiyak ka."


"Alam mo ba ang tungkol kay Babylyn?"


Natahimik si Berting.


"Tuwing magkakaron ba ng ganitong pangyayari ay gagawa siya ng mali?" sumbat ko.


"Hindi ko alam, Purita. Pero ganoon si X, e. Nakilala mo siya na ganoon siya."


"Gusto ko siyang baguhin," mariin kong sabi.


"Nabago mo na siya." Tumayo siya at namulsa sa harapan ko. "Hindi mo ba nakikita? Ibang-iba na ang kaibigan ko dahil sa'yo. May ilan nga lang talaga na hindi na maaalis pa sa kanya, katulad ng ugali niyang ito; na gagawin niya ang lahat para sa mga taong mahal niya at mahalaga sa kanya."


"Pero may nangyari sa kanila ni Babylyn!"


"Oo na!" Napakamot siya sa ulo. "Kire naman kasi iyong babaeng iyon. May fafa na leader ng sindikato iyon kaya madatung. Kabit iyon. At willing iyong magwaldas para kay X. Pero ayaw ni X don, maniwala ka. Nasusuka nga siya ron."


"Kaya pala!" singasing ko. "Dati niya pa iyong ginagawa! Inulit niya! Kung tutuusin, para rin siyang si Babylyn! Nagbebenta ng laman!"


"Makinig ka muna, okay?" Muli siyang naupo sa tabi ko. "Dalawang beses niya lang iyong ginawa. Iyong noon na nahuli mo siya, saka itong ngayon na kailangang-kailangan niya ng pera."


"Mali ang ginawa niya, Berting."


"Alam ko namang mali! Kahit nga ako ay hinding-hindi ko gagawin iyon! Hindi ko masisikmurang ibenta ang katawan ko para sa pera!"

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon