Chapter 23

281K 10.6K 6.3K
                                    

Chapter 23


I love you!


I love you!


I love you!


Nahinto ako sa pag-amoy sa mga teddy bears at sa punda ng unan ni Fury dahil sa sunod-sunod na tunog at vibrate ng iPhone na nasa dresser. Sumakit pa ang lace ng palawit na ulo ni Hello Kitty sa hair brush na nasa tapat ng vanity mirror.


Nag-doble kunot ang noo ko ng aksidente kong mai-click ang message na galing sa sender na tila code name lang ang pangalan : "A.W."


At sino tong ulupong na ito? Ganon na lang ang sulak ng inis ko.


Nasa banyo si Fury at kasalukuyang naglulunoy sa bubble bath kaya dinampot ko ang cell phone niya.


Kung sino man ito, gusto kong malaman kung boyfriend ito ni Fury. Mukhang hindi mahigpit si Xerxes at nakakatakas ang ganito sa kanya.


Sinilip ko ang pinto ng banyo, mukhang matagal pa si Fury sa bathtub. Ichineck ko ang reply ng anak ko sa hudas na ito.


Pls. stop spamming my inbox, you jerk!


Napangiti ako sa reply ni Fury sa spammer. Tinarayan niya, ibig sabihin ay hindi niya ito boyfriend. Agad kong binura ang sixty messages na puro "I love yous" from the spammer na ang initials ay A.W.


Hindi ko masisisi ang ibang batang lalaki kung magkakagusto sila sa anak namin ni Xerxes. Napakaganda ni Fury, green ang mata at mala-manikin ang kutis. Curly ang buhok na parang sa isang santa. Kahit saang anggulo mo tingnan, hindi mo aakalaing may lahing Pinay.


May batang babae na ako. Nakakalungkot na nakaka-proud. Ganun kabilis ang panahon...


Ang ganda-ganda ng anak ko...


Dati-rati'y baby ko pa siya, ngayon ay nililigawan na siya.


Ibinaba ko ang CP sa ibabaw ng pink na bedsheet ng kama na inayos ko kanina. Hindi pa ako tapos maglinis ng kuwarto niya pero masaya ako. Hindi ko akalain na susuwertehin ako na mapagsilbihan ang anak ko.


Ang makita pa nga lang siya ay sobra-sobra na, ito pa kayang makasama at magkaroon ako ng pagkakataon na maalagaan siya?


"Why are you smiling?"


Napalingon ako sa pinto ng banyo. Nakatayo ron si Fury, naka-tapis ng kulay pink na tuwalya at nakasimangot ang napakagandang mukha.


"Sabi ko, bakit ka nakangiti?" Lumabas siya ng banyo. "You can't understand English?"


"I understand..." Nginitian ko siya.


"I don't want a crazy nanny. Stop smiling like an idiot!"

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon