Chapter 29

328K 13.2K 4.3K
                                    

Chapter 29


PARA AKONG NAKAHINGA.


Ngayon lang kasi ako walang suot na sweater dahil wala sila Laarni. Hindi pa kasi tuluyang nawawala ang ilang pirasong hickeys sa balat ko. Ayaw ko namang makita ito ng pamilya ko. 


Nasa Bosay Resort sila sa Antipolo, libre ni Miranda. Over night sila ron. Hindi na ako sumama dahil hindi naman ako pwedeng mag-sweater at magpajama don habang nagsu-swimming kami. Mabuti sana kung may rashguard ako, pero wala e. Saka hindi ko rin talaga kayang mag-enjoy.


Ngayon lang ako nakahinga na wala sila, at least ngayon ay pwede akong magsuot ng sleeveless at maiksing cotton shorts dito sa bahay. Naupo ako sa kawayang upuan. Hating gabi na pero hindi pa rin ako inaantok. Alam ko na isa sa mga araw na darating ay babalik na sa Italy ang anak ko. Aalis na ulit sila sa bansa. At 'pag dumating ang araw na iyon ay sana may trabaho na ako. Para hindi ko mamalayan ang oras.


"Ano ba yan!" himutok ko ng lumabo na naman ang mga mata ko.


Kanina ko pa ito pinipigilan pero ayaw papigil. Sige na nga, tutal naman ako lang mag-isa rito. Sige na nga. Hinayaan ko na lang na pumapatak ang mga luha ko habang nakaupo lang ako sa upuan.


Hinayaan ko ang sarili ko na umiyak nang umiyak. Baka kasi kapag napagod na ang mga mata ko ay antukin na ako.


Napapitlag ako ng biglang may kumatok sa pinto. "S-sino iyan?" tiningnan ko ang oras, alas dose ng hating-gabi.


Sino ang kakatok ng ganitong oras?


"Sino ba iyan?" Pinahiran ko ang luha ko.


Kumatok ito muli ngunit hindi sinagot ang tanong ko.


Tumayo na ako at sumilip sa siwang ng pinto, wala akong makita kundi kadiliman. Sira kasi ang poste ng ilaw sa tapat ng kalsada kaya napakadilim sa labas.


(Old raw copy)


"Sandali!" Kinalag ko ang pagkaka-lock ng pintong yari sa kahoy at hinila iyon pabukas. Pagtingala ko sa kumakatok ay parang hinila ang puso ko paalis sa aking dibdib.


"Hi..."


Napakurap-kurap ako dahil baka namamalik-mata lang ako. Pero ang matangkad na lalaking may taglay ng magagandang uri ng berdeng mga mata, matangos na ilong, mga labing normal na mapupula, ay hindi nawala. Xerxes...


"A-anong ginagawa mo rito?" Nalilitong napatitig ako sa kanya.


Sweat pants at t-shirt na abo ang suot niya, naka-tsinelas lang ang kanyang mga paa. Tsinelas na pangbahay. Kapansin-pansin din na magulo ang malambot at bagsak na buhok, at tila ilang araw na hindi nakapag-shave. Gayunpaman, siya pa rin ito. Ang lalaking nagdadala ng iba't ibang emosyon sa puso ko.


"I missed you." Malamlam ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.


His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon