Chapter 30

332K 14K 4.4K
                                    

Chapter 30


HAPON na pero nasa labas pa si Xerxes. Nagwawalis siya sa maliit naming bakuran.


No'ng tanghali naman ay tinulungan niyang mag-igib si Asyong. Tumulong rin siya sa pag-aayos ng nasirang kadena ng pedikab. Pati sa pagsasamsam ng mga damit ng mga bata sa sampayan ay tumulong siya.


Alas nueve na pero hindi pa rin siya umuuwi. Iyon pa rin ang suot niya kahit naligo siya sa poso kanina. Pinahiram lang siya ni Asyong ng luma nitong boxers na ginamit niya sa pagligo.


Halos lumuwa nga ang mga mata ng mga kapit-bahay namin habang naliligo si Xerxes sa labas kanina na ang suot ay kapiranggot na lumang boxers lang.


Hay, nakakainis! Ayoko ng maalala iyon at baka demonyohin ako at masunog ko bigla ang mga bahay ng mga kapitbahay namin! Nagmistulang may free show kanina sa labas. Kahit nga sila Miranda ay nakadungaw sa bintana habang naliligo ang bruhong iyon. Parang nananadya!


Nakakainis talaga, wala tuloy akong nagawa kundi hatiran siya agad ng tuwalya kanina. Kung pwede nga lang ay kumot ang dadalhin ko para mabalot ko nang buo ang katawan niya at di na siya mapag-fiestahan.


Teka, alas onse na pero bakit hindi pa rin umuuwi ang lalaking ito?


Kanina pa siya pinapauwi nila Asyong pero ayaw niya talaga. Tapos iyong kotse niya pa, nakabalandra sa labas kaya hindi tuloy makaparada ng maayos ang mga tricycle ng kapit-bahay namin.


Ngayon ay hirap na hirap siya sa pagpapatahan sa bunso nila Asyong at Laarni. Iyak nang iyak si Baby Jekjek habang hindi magkanda-ugaga si Xerxes sa pagsasayaw dito.


"Laarni, bakit si Xerxes ang nagpapatulog kay Baby Jekjek?"


"Ayaw paawat e," ani Laarni na naghihikab na. Nasa taas na ang lahat maliban sa aming tatlo.


Tiningnan ko si Xerxes, unti-unti na nitong napapatahan ang pamangkin ko.


"Ang sakit na ng braso ko kakasayaw-sayaw kay Baby Jek, ayaw pa rin matulog. Antok na antok na ako, e. Tulog na rin si Asyong," himutok ni Laarni. "Sige, akyat na ako sa itaas, ah. Paki-akyat na lang si Baby Jekjek kapag tulog na."


Muli kong pinagmasdan si Xerxes. Natutulog na si Baby Jekjek sa bisig niya habang marahan niya itong isinasayaw-sayaw.


Parang may pumiga sa puso ko sa tanawing ito. Ganitong-ganito rin kasi siya noon sa anak namin...


Ganitong-ganito siya kay Fury... At malamang na ganito rin siya sa mga panahong nag-iisa na lang siya na nag-aalaga sa anak namin. Sa mga panahong wala ako sa tabi nila. 


Nang mapatingin siya sa akin ay nag-iwas agad ako ng tingin. "Pakidala na lang si baby sa tabi ng mama niya kapag malalim na ang tulog niya."


Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Umakyat na ako sa itaas at nagtalukbong ng kumot.


His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon