Chapter 27

318K 13.4K 6K
                                    

Chapter 27


"GUSTO MO BA NG MILK?"


Tumango ang batang babae. Nakatitig lang siya sa akin, partikular sa mga mata ko.


Nginitian ko si Fury at sinimulan siyang ipagtimpla ng gatas. Kahit masakit pa ang katawan ko, kahit puyat dahil kulang sa tulog ay sinikap ko talagang magising nang maaga para pagsilbihan siya.


Pagkatapos niyang maligo ay brinush ko ang kanyang mahaba at malambot na buhok. Nang matuyo ay tinirintas ko. Lalo tuloy siyang gumanda dahil nilagyan ko pa ng malilit na bulaklak na pins ang ibabaw ng ulo niya. Ako rin ang pumili ng damit na isusuot niya ngayong araw; floral summer dress.


Ni hindi siya pumalag ng magpumilit ako na ako na rin ang magpahid ng lotion sa makinis niyang balat.


Inilapag ko ang baso ng gatas sa harapan niya. "Cookies, gusto mo?"


Umiling siya at iginilid ang laptop na nasa ibabaw ng mesa. "You cried last night, Nanny?"


Napangiti ako. At least wala ng "freaking" ang tawag niya sa akin.


"You're smiling like an idiot again," nguso niya.


Tuluyan na akong natawa kahit basag ang boses ko. "Pwede ba kitang yakapin?"


Inarkuhan niya ako ng kilay.


"Sige na, please? Kahit ngayon lang. 'Wag kang mag-alala, naligo naman ako kanina."


Hindi siya kumibo kaya niyakap ko na siya. Hindi rin naman niya ako itinulak palayo.


"Ang laki-laki mo na, ang ganda-ganda mo pa..." Ang balak ko sana ay magaang yakap lang ang gagawin ko, ang kaso ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya nang mahigpit.


Nagpapasalamat ako kasi hindi siya nagreklamo kahit pa inabot yata ng limang minuto ang yakap ko sa kanya.


"Pasensiya ka na." Pasimple kong pinalis ang luha na pumatak sa pisngi ko. "Ang sarap mo kasing yakapin."


Lumayo na ako sa kanya habang kaya ko pa. Hinila ko ang silya na kaharap niya at doon ako naupo.


"Beh, kumusta ang grades mo sa school mo sa ibang bansa?"


Hindi niya ako sinagot. Nakatingin lang siya sa akin.


"Mag-aaral ka nang mabuti, mahirap ang walang pinag-aralan. Mahirap makipagsapalaran kapag wala kang alam."


Hindi pa rin siya nagsasalita.


"Lagi mo ring susundin ang tatay mo, kasi mahal na mahal ka nun. Wala naman siyang gugustuhin na makakasama sa 'yo."

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon