Chapter 14

231K 10.3K 2.4K
                                    

Chapter 14


"XERXES..."


"Hmn..." Napasabunot ako sa buhok niya.


Subo-subo niya ang dulo ng kaliwa kong dibdib habang ikinikiskis niya sa pagitan ng mga hita ko ang kanyang mainit at naninigas na ari.


"Miss na miss na kita, Misis."


Pareho kaming nakahubad sa ibabaw ng higaan. Nasa sahig ang mga hinubad namin.


"Kaya pala lumaki 'to, 'ga..." anas niya habang dinidilaan ang dibdib ko. "Magkakagatas na yata 'to..."


Hinaplos ko ang pisngi niya. "Malapit ka ng magkaron ng kaagaw diyan."


Ngumisi siya saka marahang dumagan sa akin. "Kaya nga susulitin ko muna."


"Oh..." napakapit ako sa matigas niyang balikat ng mag-isa ang mga katawan namin.


"I love you..." itinukod niya ang isang braso sa gilid ko habang alalay ang pag-angkin niya sa akin.


Ngayon ay napakarahan. Punong-puno ng pag-iingat na tila ba isa akong babasaging kristal.


"Xerxes..." Hinang-hina ako matapos ilang segundo. Mabilis kong naabot ang dulo dahil sa sobrang pagka-miss ko sa kanya.


Hinalikan niya ulit ako sa labi saka niya tinapos ang mainit naming pagsasalo.


"Tama na muna, baka mabuwiset na sa akin si baby." Humihingal na bumagsak siya sa tabi ko.


Umusod ako at yumakap nang mahigpit sa kanya.


"Magpahinga ka na, 'ga..." Hinalikan niya ako sa ulo at sinimulang haplusin ang braso ko. Saglit lang ay iginupo na ako ng antok. Nakatulog ako na may ngiti sa mga labi.


...


NAKALABAS na ng ospital si Tiyo Miguel. Nagpapahinga na lang siya sa bahay ngayon, at sana ay makuha na lang talaga sa gamot ang karamdaman niya. Hindi na rin kasi kaya kung ipipilit pa namin siyang ipa-confine kahit pa sa isang pampublikong ospital lang.


May mainit na palad na humaplos sa tiyan ko. "Kelan ba lalabas 'tong junior ko?"


Kakatapos ko lang magtupi ng mga malilinis naming damit. Nagpalaba na lang ako dahil hindi ko na kayang tumuwad-tuwad sa planggana dahil nga sa may kalakihan na ang tiyan ko. Magpipitong buwan na ito.


Tinampal ko siya sa pisngi. "Babae nga 'to! Hindi mo ba nakikita? Blooming ako!"


"E bat laging brownout sa kili-kili mo? Lalaki nga 'yan."


"Pwede ba, wag mong pagdiskitahan ang kili-kili ko! For your information, matagal ng madilim 'to, pumuputi na nga kasi lagi kong binababaran ng kalamansi pag naliligo ako."

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon