Chapter 4

244K 12.5K 4.2K
                                    

Chapter 4


"AASAWAHIN MO AKO?"


"Ayaw mo ba?" Nagusot ang guwapo niyang mukha.


Muli kong narinig ang tawanan ng dalawa niyang tropa.


"Wag kasing ganyan, X!" sigaw ni Mumog. "Napaghahalataan ka talagang hindi marunong manligaw!"


Manligaw? Napakurap ako. Nanliligaw sa akin si X?


Gaga, aasawahin ka nga raw, e! Singhal sa akin ng isang parte ng isip ko.


"A-ano bang sinasabi mo?" Itinulak ko siya. "Baliw ka ba? Naka-rugby ka ba? Nakabato ka?"


Nagtagis ang mga ngipin niya.


"Hindi ko alam kung paano manligaw." Nag-iwas siya ng tingin. Napasabunot siya sa kanyang buhok saka mahinang nagmura.


Teka, galit ba siya?


"X..." sambit ko.


Marahan niya akong nilingon saka niya pinagmasdan ang itsura ko. "Ayaw mo ba akong maging asawa?"


Hindi ko alam ang isasagot ko. Sa totoo lang ay biglang-bigla talaga ako.


"Hindi ka naman tinatrato nang maayos ng tiyahin at mga pinsan mo, di ba? Umalis ka na sa inyo, sumama ka sa akin."


"H-hindi pwede..."


Muling nagtawanan ang mga tropa niya. Napikon yata si X kaya tinalikuran niya na ako.


Pero muli siyang bumalik. Kinuha niya ang kamay ko saka naglapag ng isang daang piso ron. "Wag kang aalis mamayang gabi."


Nang makaalis na sila ay hindi pa rin ako makapaniwala. Ako, gustong mapangasawa ni X? Ibig sabihin ba non maganda ako?


...


NAGALIT ba siya dahil tinanggihan ko siya?


Biling-baliktad ako sa higaan. Hindi ako mapakali. Nagsisisi ako sa kapalpakan ko kanina. Galit ba siya sa akin?


Napahiya siya sa harapan ng tropa niya kaya malamang na magalit talaga siya.


"Kainis!" Bumangon ako saka sinabunutan ko ang buhok ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa katangahan ko.


"Hoy wag ka ngang maingay, negra!" bulyaw sa akin ni Miranda. Malapit kasi ang kutson niya sa pwesto ko. Nagising ito sa ingay ko.


Nagtakip ako ng unan sa mukha ko.


Sinubukan kong matulog pero wala talaga. Hindi ako dinadalaw ng antok. Sa bawat pagpikit ko ay ang perpektong mukha ni X ang nakikita ko.

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon