Chapter 6

252K 11.7K 5K
                                    

Chapter 6


RAMOS, BELARITA LAGRAMA


Napangiti ako habang pinagmamasdan ang birth certificate ko. Ang ganda ng pangalan ko, di ba? Kaya ewan ko kung bakit nauwi iyon sa 'Purita'. Hay, kasalanan ng mag-iinang hipon. Palibhasa kasi gigil sila sa ganda ko kaya binaboy nila ang pangalan ko.


Teka, ano nga ba ang tunay na pangalan ni X?


Jowa ko na siya, di ba? Pero bakit maski complete first name niya ay wala pa ako maski katiting na ideya? Ang daya!


Ang daya talaga ng poging iyon! Naku, malilintikan siya sa akin mamaya. Sasampalin ko siya ng kiss!


Halos iuntog ko ang ulo ko sa plywood na pader dahil sa sobrang kilig. Bat ang sarap ma in love? Hay, sana lahat ng tao sa mundo ay kasing saya ko ngayon. Oh, speaking of kiss! Kelan ko kaya matitikman ang mga labi niya?


Nakakahiya naman kung magtatanong ako, di ba? Kahit jowa ko na siya, hindi pa rin okay na ako ang maunang magsabi about the kiss chorva. 


Dapat bilang lalaki ay siya ang maunang gumawa ng gapang—este ng hakbang.


Hay, Purita, ang halay mo!


Umismid ako. Maitabi na nga itong birth certificate ko. Muli kong itinupi at itinago ang importanteng papel. Ito na lang ang tanging meron ako, at hindi ko hahayang pati ito ay pagdiskitahan pa ng tiyahin at ng mga pinsan ko.


Kailangan ko itong ingatan. Kakailangan ko kasi ito kapag ikinasal na ako sa lalaking mahal ko.


Bigla na naman akong namilipit sa kilig. Oo na! Oo na! Hindi ko na ikakaila, inaamin ko na kaya ko binungkal itong karton ng damitan ko at hinanap ang birth certificate ko ay dahil kay X. Bigla ko na lang kasing naisip ang future ko dahil sa kanya. Dahil sinabi niyang gusto niya akong mapangasawa...


Ah, kung mamarapatin niya, bibigyan ko siya ng isang dosenang anak sa future!


...


"KURSUNADA niya si Purita? O?"


Natigilan ako sa paghuhugas ng mga plato ng marinig ko ang pangalan ko.


Nasa mesa ang mag-iina at abala sa chismis. Ito ang paborito nilang almusal sa umaga. Sanay naman ako na palagi nila akong pinagchi-chismisan kahit pa nasa paligid lang ako. Sanay na ako, wala na lang sa akin iyon. Pero ngayon ay ewan ko ba kung bakit naiinis ako sa kanila.


"Ang swerte ni Purita!" humahagikhik na sabi ni Kristy.


"Sinabi mo pa! Akalain mo iyon, siya ang nagustuhan ni Alimango!" Humagalpak ng tawa si Laarni. "Bagay sila! Parehong uling!"


"Pareho pang hindi naliligo!"


Nagtagis ang mga ngipin ko. Kasalanan ko bang hindi nila ako tinitirahan ng tubig na ako mismo ang nagpakahirap na magbomba at mag-igib? Na tuwing gusto kong maligo ay ni isang patak ay wala ng tubig sa banyo?

His Bad WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon