Chapter 1

34.9K 717 130
                                    

Kinukumbinsi ni Horatia Cassidy ang kaniyang sarili na hindi na siya muling pupunta sa sementeryong iyon. Buong umaga ay nilibang niya ang kaniyang sarili sa paglilinis ng kaniyang apartment. Nang sumapit ang hapon ay napagtanto niya na nagsisinungaling siya kung sasabihin niya na ayaw niya talagang pumunta sa lugar na iyon.

Hindi niya mapagtanto kung ano ba ang mayroon sa sementeryong iyon at mistulang hinihila siya doon. Kahit na dalawang taon na siyang nakatira sa Pilipinas at siya mismo ay may halong dugong Filipino at Amerikano ay wala naman siyang kamag-anak na nakalibing sa partikular na sementeryong iyon.

Lahat ng mga kamag-anak niya ay nakatira na sa Texas at sigurado siyang tatawanan siya ng mga ito kapag nalaman nila na ang bago niyang kinahuhumalingang gawin ay mag-trespassing sa sementeryo. Lumayo nga siya dahil gusto niyang makawala sa mga mapang-husgang ugali ng mga ito.

Patay na ang kaniyang mga magulang at siya ang nag-iisang anak ng mga ito. Hindi rin naman  siya malapit sa kaniyang mga kamag-anak. 

Mainam na mag-isa na lamang siya. Walang mga negatibong tao sa kaniyang paligid.

Pansamantala siyang nakatira sa apartment niya dito sa San Jose. Binili ito ng kaniyang ina bago pa ito mamatay. Gusto kasi nito na maranasan naman niya ang buhay sa Pilipinas. Bagama't bago pa lamang siya sa bansang ito ay magaling na siyang mag-Tagalog dahil ito ang palaging ginagamit ng kaniyang ina kapag nag-uusap sila.

Tuwing wala ang Amerikanong ama niya ay doon lamang sila nakapag-uusap ng ina gamit ang wikang Filipino. Ayaw na ayaw kasi ng Dad niya na dalhin rin niya ang pagka-Pilipino ng kaniyang Mom na hindi naman niya maintindihan kung bakit.

Kailangan pa nga nilang mag-eat-out ng ina kapag gusto nilang kumain ng Filipino cuisines. Hindi kasi pwede ang pagkaing-Pinoy sa bahay. Nagsimula lang naman ang pagkadisgusto ng kaniyang Dad sa Filipino foods nang magluto ang Mom niya ng 'tuyo' sa bahay. Nangamoy iyon and her Dad got so pissed-off with the "nasty smell", the exact words that her father described it.

Natipuhan niya naman kaagad ang buhay sa San Jose. In between kasi ito sa pagiging city at probinsya. Hindi ito magulo at maingay katulad ng city ngunit kumpleto ito sa mga buildings tulad ng mga hospital, colleges at iba pa.

Napabalik naman siya sa pag-iisip sa sementeryong ilang araw na bumabagabag sa kaniya. Noong una ay namamangha lamang siya sa mga lichen-covered gravestones at mga magagandang carvings ng mga pinaka-una pang headstones sa sementeryo. Sa pagkakaalam niya ay ang mga nakalibing doon ay mostly Spanish or Filipinos with mixed-blood of Spanish. Mukhang para sa mga mayayaman lamang ang sementeryong iyon.

Bago pa lamang siyang naging trenta at ayon nga sa fiancé niya na si Oliver Cruz ay baka naman ngayon niya nararanasan ang tinatawag nilang mid-life crisis. Noong mga panahon na iyon ay nagagawa niya pang tawanan ito ngunit ngayon ay di na siya sigurado.

Ni mismo ako ay hindi na maintindihan ang sarili ko.

"Just a short walk. Dadaan lang ako. I promise, I won't go inside," kumbinsi niya sa sarili niya. Dali-dali siyang nagsuot ng jacket at lumabas sa kaniyang apartment. Sinigurado niyang maayos niya itong na-lock bago umalis.

Hindi mataas ang crime rate sa San Jose but she won't take chances. She's completely independent siguro dahil na rin sa implewensya ng pagkakatira niya sa America ngunit ito rin ang nag-udyok sa kaniya na kumuha ng self-defence class sa kalapit na lungsod. It's a 30-minute drive pero worth it ang mga class niya dahil natututo naman siya.

Napakapit siya ng mahigpit sa kaniyang jacket dahil sa lamig na dala ng hangin. Ang malamig na simoy ng hangin ay nagpapatunay na malapit na ang Pasko. 

Habang naglalakad ay di niya maiwasan na isipin ang mga nangyayari sa kaniyang buhay. Ayaw niyang aminin sa sarili na ang rason kung bakit niya tinanggap ang alok na kasal ni Oliver ay dahil sa takot siyang tumanda ng mag-isa.

My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon