The ceremony passed by in a blur. Ni hindi man niya lamang natandaan ang mga pinagsasasabi ng pari sa harapan. She was too preoccupied sa mga iniisip niya but when the priest announced that the groom can now kiss the bride, everyone cheered na nagpabalik sa kaniyang muwang sa seremonyas.
Diego was now lifting Maya's veil and proceeded to kiss her. Her stomach took a turn when Diego looked at her as he was kissing Maya. She involuntarily step backward at his hideous smirk directed to her after pulling from the kiss.
Parang gusto niyang tumakbo.
Kaya naman nang nagsilapitan na ang mga bisita para i-congratulate ang bagong kasal ay kaniya namang tinapik si Isagani.
"Bakit Analyn?" takang tanong nito at dumungo malapit sa kaniya para marinig siya ng mabuti.
"Isagani . . . maaari ba tayong lumabas kahit sandali lamang? Kailangan ko lang magpahangin," ika niya dito.
I just wanted to get away from here.
"Sige," pagsang-ayon nito while checking her face to see if she doesn't look ok.
Isagani was very adamant to any physical interaction but this time he took her hand and guided her outside, away from the crowd.
Nang sa wakas ay nakalabas na sila ay niyakap niya ang sarili and convinced herself not to hyperventilate.
"Maayos lamang ba ang lagay mo Analyn?" concern na tanong nito sa kaniya.
"Oo. Maayos lang ako. Hindi ko lamang alam na mag-iiba ang timpla ng emosyon ko nang nakita ko si Diego," pagpapaliwanag niya. Nakakabinging katahimikan ang sumunod pagkatapos niya iyong sabihin.
Matapos ang ilang sandali ay pinutol ito ni Isagani at nagtanong, "Umamin ka nga Analyn . . . Mahal mo pa ba si Diego?"
She can hear the hurt evident in his voice. Halatang nasasaktan ito sa ideya na mahal pa niya si Diego kahit na mag-asawa na sila.
"Hindi! Maniwala ka sa akin Isagani. Hindi ko na mahal si Diego! Hindi ko nga lubos maisip kung bakit hinayaan ko siyang ligawan ako!" she assured him, panic deep in her voice.
"Mas makisig siya kumpara sa akin Analyn. Mas mayaman rin. Insulares siya. Walang-wala ako," malungkot na ani ni Isagani na parang siguradong-sigurado ito na mas higit si Diego sa puso niya.
Hindi niya alam kung anong ibig sabihin ng 'insulares' pero she figured baka estado sa buhay ang ibig sabihin niyon.
"Isagani . . . ang mga tao ay nilikha upang ibigin, ang mga materyales ay nilikha upang gamitin. Ang dahilan kung bakit masyadong magulo ang mundo ay dahil sa ngayon, maraming tao ang minamahal ang mga bagay at ginagamit ang mga tao," mahina niyang wika dito. "Tingin mo ba ipagpapalit kita sa mga walang katuturang bagay?"
Napatigil si Isagani sa sinabi niya.
Wait . . . is he blushing?
Napatawa siya ng mahina at iniba na lang ang topic nila para naman maligtas si Isagani. Pulang-pula na kasi ang mukha nito lalong-lalo na ang dalawa nitong tenga.
"'Diba hindi mo rin naman gusto si Diego para kay Maya? Sabihin mo sa akin ang dahilan mo," ani niya.
He faked a cough para siguro matago na kinilig ito sa sinabi niya kanina. Tinago-tago pa nga nito ang munting ngiti na kumawala sa labi nito bago nagsalita.
"Noong nililigawan ka pa lamang niya ay nalaman kong may iba rin pala siyang nililigawang binibini sa kabilang bayan. Madalas rin itong nakikita sa serbeserya ng mga kalapating mababa ang lipad," paliwanag nito habang nakatingin sa kabilang direksyon. Hindi pa rin kasi ito makatitig sa kaniya ng diretso.
YOU ARE READING
My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)
Historical FictionWattys 2020 Winner "Sometimes your FUTURE is not in your TOMORROW but in someone else's YESTERDAY." Book Cover Illustration from Pinterest: https://pin.it/13RdXsO Book Cover Edited in Canva by: VR_Athena Date Started: June 15, 2019 Date Finished: A...