Chapter 7

7.9K 468 20
                                    

Pagkagabi habang kumakain sila ay kinulit siya ng kinulit ni Oliver patungkol sa kaniyang pagbisita sa psychologist. Lately ay lagi itong bumibisita sa apartment niya. Siguro noon kikiligin pa siya pero ngayon ay nakukulitan na siya dito.

"So, what really happened? Gumaling na ba sleeping problems mo?" tanong nito sa kaniya for the nth time.

Simula pa nang nakauwi siya sa bahay ay paulit-ulit na itong tanong ng tanong patungkol sa session niya with Dr. Renato. Ilang ulit na rin niya itong sinasabihan na "ok lang naman" pero mukhang may gusto pa itong malaman. Aakalain mong concern ito sa kaniya kung hindi lang klaro ang mapanuyang tono sa boses nito.

"How should I know? Hindi pa nga ako natutulog diba?" singhal niya dito.

Talagang napupuno na siya sa pagiging know-it-all nito. Mukhang gusto lang nitong ipagdiinan na mali ang desisyon niya na pumunta sa psychologist. Huli na nang narealize niya ang kaniyang ginawa.

Never niyang nasigawan ang lalake. Sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama ay isang definition talaga ang naiisip niyang i-describe sa relasyon nila.

'Passive'

Hindi sila nag-aaway dahil hindi naman niya kaugaliang kontrahin ang gusto ng lalake. Marami ngang naiingit sa kanila dahil para daw silang 'perfect couple'.

Kung alam lang nila . . .

"I'm sorry. Hindi ko sinasadyang magalit sa iyo. Pagod lang talaga ako," paghingi na lamang niya ng tawad dito.

"Ano ba talaga ang nangyari?" pag-udyok nito sa kaniyang magkwento. His whole tone changes from mocking into caring.

Heto na naman ang kahinaan ko.

Aaminin niyang gustong-gusto niya ang caring side nito. Para siyang matutunaw.

"Well, he got me to undergo hypnosis as expected tapos bigla na lang daw ako nagsalita . . . No! More on nagkwento about sa nakikita ko. Ang nakakabigla ay ibang boses ang lumalabas sa bibig ko. He got all of it on tape," she said, spilling all the things that happened inside Dr. Renato's office even though she wanted to keep it all a secret.

"Ibang boses? You mean parang split personality?" kunot noong tanong muli nito.

"Hindi," iling niya sa assumption nito. "Sabi niya subconscious ko daw iyon. Nasa loob ako ng makalumang bahay. Yung kapareha ng nasa time nina Heneral Luna at Bonifacio. "

Napangiti na lamang siya nang naalala niya ang 'nanay' niya sa vision na iyon.

"You should have heard what my mother said about what's gonna happen after the wedding. Parang siya pa ang kinakabahan," tawa niyang hayag dito.

"Wait! Napaniginipan mo ang mama mo?" takang tanong nito.

"No. Hindi yung mama ko dito pero yung mama ko doon sa vision ko. Pero sabi ni Dr. Renato ay patay na ang mga tao na nakita at nakasalamuha ko doon," pagpapaliwanag niya.

"Sure ka bang hindi paranormal expert ang napuntahan mo?" dudang tanong ni Oliver sa kaniya. He's scratching his chin while asking her. She knew that he's thinking deeply about the issue because he has the habit of scratching his chin when he's concentrating so hard at something.

"I don't know what happened. Kahit ako ay naguguluhan rin. He just started counting backwards then I found myself on that situation. I'm getting married to Isa . . . ," she suddenly stopped dahil parang ayaw niyang ikwento kay Oliver ang tungkol kay Isagani.

Isagani was such a beautiful illusion that her whole being is craving now. Ayaw man niyang aminin ngunit alam niya sa sarili na may pinukaw si Isagani sa kaloob-looban niya na siya mismo ay hindi maintindihan.

Napili na lamang niyang tumayo at ligpitin ang pinagkainan nila.

"I told you he was a quack. Dapat kasi ay nakikinig ka sa akin. Mas may alam ako kaysa sa iyo," mandar nito sa kaniya. He was back to his arrogant self after fishing-out the information that he needed from her.

And yet I still fell for it . . . everytime.

She craves for someone's care and love so much that she is willing to be fooled everytime.

"Pero parang totoo ang nakita ko doon. I even used the names that are engraved on the graves doon sa sementeryo na pinupuntahan ko," mahina niyang depensa.

Yes. She may have some doubts about Dr. Renato's credibility but she still believes in him. Hindi naman niya pag-iisipang bumalik for a second session kung wala siyang tiwala dito.

"Now it's beginning to make sense. Those names are unconsciously stored in your brain because you keep coming back to that cemetery. Then that quack doctor did something wrong to you, and your brain supplied every detail. You said you're  getting married in your dream. That is understandable! Ikakasal na tayo kaya iyon ang nagawa mong scene sa panaginip mo. About that old house, palagi mo akong kinukulit na doon na lang tayo tumira sa panget at lumang Spanish-style na bahay sa tuktok ng hill overlooking ang bayan. Mas magaling pa ata akong doktor kaysa sa Dr. Renato na sinasabi mo," mapanuyang saad nito sa kaniya at napiling iwan siya sa kusina.

He was shaking his head as if saying that everything that's happening is a nut case. Pumunta na ito sa sala para manood ng TV samantalang siya ay napiling hugasan na ang mga pinggan.

She had to admit may sense ang paliwanag ni Oliver.

It is logical pero paano si Maya?

Hindi niya nakita o napansin ang pangalan nito sa kahit anong graves sa sementeryo. Hindi nga niya alam na may kapatid pala si Analyn. Hindi rin maipapaliwanag ng sinabi ni Oliver ang kaalaman niya na may sewing kit na nakalagay sa isa sa mga cabinet sa kwarto kung saan siya kinausap ng nanay niya o kung paano niya alam na kailangan ng palitan ang mga pako ng pintuan ng kusina sa bahay na iyon. Hind siya nakapunta sa kusina ng bahay na iyon sa vision niya.

Wait lang! Bakit alam ko iyon?

Muntikan na niyang mahulog ang platong sinasabunan niya dahil sa kaniyang pagkagulat sa natuklasan. 

Lahat ng mga sinabi ni Oliver ay parang wala ng halaga dahil unti-unti ay natatandaan niya ang bawat detalye ng bahay na iyon kahit ang mga kwarto na hindi niya nakita sa vision. 

It was so clear that it felt like she's just talking about her own house or her childhood home. Alam na alam niya ni kahit kasuluk-sulukan ng bahay.

Kailangan niya talagang pumunta sa Wednesday appointment na iyon para masagot once and for all ang mga tanong niya.

My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon