Chapter 11

6.6K 437 15
                                    

Maaaring sabihan ng iba na mabilis akong umibig ngunit masisigurado ko na totoong pagmamahal ito. Ngayon ko lamang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Tila ba may mga paru-paro sa aking tiyan at lumiliwanag ang buong paligid sa tuwing nasa malapit siya.

Ang pangalan niya ay si Diego. Mas matanda siya sa akin ng limang taon. Hindi pabor si Analyn sa aking paghanga sa lalake. Marahil sa kadahilanang nagpakita ng interes si Diego sa kaniya noong hindi pa siya kasal. Ngunit may asawa na siya kaya naman ay hindi ko lubos maintindihan kung bakit siya tumututol ngayon. Hindi naman siguro ay dahil nagseselos siya? 

Ibinalik niya ang letter at binasa pa ang mga sulat na may kalapit sa araw na nakalagay doon. Mostly sa mga sulat na sumunod ay tungkol lamang sa relasyon ni Maya at Diego at ang "pagkakadevelopan" nila ayon nga sa dalawa.

She felt like Analyn was not that narrow-minded to be jealous of the romantic relationship between Maya and Diego. On the other hand, hindi naman niya talaga personal na kilala si Analyn.

Naghalungkat pa siya at natuon ang pansin sa isang letter na mukhang galing sa pagkakacrumpled at itatapon na sana.

Patay na si Ate!

May kalunos-lunos na aksidenteng nangyari at nagdulo't ito ng pagkakamatay niya.  

Ang saya ng simula ng araw na iyon. Natupad na ang pangarap kong mapalapit sa aking kapatid sakaling makapag-asawa na ako. Sa aking tuwa ay naghanda ako ng maliit na salo-salo upang mapagdiwang namin ang pagpapatayo ng bahay namin ni Diego. 

Hindi pa ako sigurado sa buong nangyari ngunit ang akin lamang nalalaman ay naglakad-lakad daw si Analyn habang hinihintay kaming dumating. Hinanap siya ni Diego nang napansin nito ang matagal nitong pagkawala ngunit kalunos-lunos ang nadatnan nito. Nang nakarating na ako ay patay na si Analyn at dumudugo ang ulo katabi ng isang malaking bato. Hindi namin alam kung sinadya ba niya ang pagpapakamatay sapagkat malapit sa isang puno ang katawan nito.

Diyos mahabagin! Kaawaan niyo po ang kaluluwa ni Ate! Siguro nga'y matinding kalungkutan ang nararamdaman nito upang maisip nitong gawin ang bagay na iyon.

Aking kinaaawaan si Isagani. Ngayon pa lang ako nakakita ng lalakeng lubos na umiyak dahil sa kawalan. Kung posible ang mamatay sa sakit ng pusong nawalan ay marahil mamamatay na rin si Isagani sa pighati.

Napaupo siya ng diretso matapos mabasa ang sulat. Parang gusto niyang sumigaw at umiyak sa lungkot, but she held back her emotions, bearing in mind na wala siya sa bahay niya.

Pinapaala-ala na lang niya sa sarili niya na mahigit one hundred years nang patay si Analyn at wala na siyang kayang gawin para baguhin ito. Besides, hindi niya ito kaano-ano kaya naman ang personal na pagkalungkot niya para dito ay hindi niya mapaliwanag.

Binasa niya ng paulit-ulit ang sulat at sa hindi niya maipaliwanag na kadahilanan ay parang may mali. She doesn't know what but she can feel it. 

There's more to this story than meets the eye.

Nandoon ba si Isagani noong natuklasan nina Maya at Diego ang patay na si Analyn o huli na niyang nalaman?

Nilipat naman niya ang kaniyang atensyon sa iba pang mga letter at napansin na nag-skip ito ng one year. She checked the other letters to see if magkakasunod-sunod ba ito ayon sa dates ngunit wala namang na-out-of-place.

She chose to read the remaining ones.

Sa hindi alam na kadahilanan ay nag-iba na ang tono ni Maya sa mga sumunod na sulat. She seems to be less cheerful and more cold in the remaining letters. Maya was apparently widowed at ikakasal na ulit sa ibang lalake. Ang pangalan ng groom niya ay hindi man lang nabanggit. After that, ang mga dates ng mga sumunod na letters ay nagkalayo-layo hanggang sa wala na dahil sa pagkakamatay ni Maya noong 1929.

Maingat niyang nilagay pabalik sa box ang mga sulat. Even with all those letters, konti pa rin ang nalalaman niya tungkol kina Analyn at Isagani. Naalala niya ang wedding record ng asawa ni Maya. Ni sa dokumento ay hindi makita ang pangalan nito dahil na smear ng ink iyon. 

Napagdesisyunan niyang bumaba na at nakita niyang hinihintay siya ni Lola Mutya sa sala ng bahay. May pandesal at Nescafé 3-in-1 na nakalagay sa isang tray.

"Nabasa mo na ba ng maayos ang mga liham, iha?" tanong ng matanda sa kaniya habang minumwestro na umupo daw siya sa katabing pang-isahang bangko.

"Opo, salamat po! I can't express how thankful I am sa pagpapabasa ninyo sa akin ng mga pribadong sulat ng mga kanunu-nunuan niyo po," napatigil siya saglit bago nagwikang muli. "May nabanggit po na Isagani sa mga sulat. Isagani Garcia. Iyong asawa po ni Analyn? Nakilala niyo po ba siya?"

Tumawa si Lola Mutya bago siya sinagot."Si Lolo Isagani? Ay, oo naman! Siya ang pinakapaboritong lolo ng Ina ko. Namatay siya noong nasa sekondarya pa lamang si Inay. Kahit matanda na siya ay malakas at maliksi pa rin si Lolo sabi ng Inay. Napakataas rin niya. Mga around six feet siguro?"

"Si Analyn po?" dagdag na tanong niya.

"Si Lola Analyn ay namatay ng maaga. Mawawari naman na mahal na mahal ni Lolo Isagani si Lola Analyn. Noong namatay si Lola ay maraming babae ang naghabol kay Lolo Isagani ngunit hanggang sa kamatayan ay wala siyang pinagtuunan ng atensyon o pagmamahal. Hindi ko kilala ng lubusan si Lola Analyn. Wala nga rin akong picture nito pero ang sabi ng Ina ko ay maganda si Lola," pagkukuwento ni Lola Mutya sa kaniya.

Biglang bumilis ang pintig ng kaniyang puso.

"Eh si Isagani po? May picture po ba kayo niya?" kaba niyang tanong.

If she has a picture of Isagani . . . then all of her doubts and questions will be answered.

"Ay oo naman iha! Halika, ipapakita ko sa iyo." Pinasunod siya nito sa may isa pang silid.

Tingin niya ay ito ang kwarto ni Lola Mutya dahil may mga larawan nito at ng mga anak siguro nito na naka-hang sa walls. Lumapit ito sa isang bookshelf at naghalungkat.

"Pasyensya na iha at matagal-tagal na ring hindi ko nabubuklat ang mga photo albums na ito," paghingi ng paumanhin nito sa kaniya na ginantihan niya lamang ng tipid na ngiti.

"Ay ito na nga!" sigaw nito bigla at may kinuhang color yellow na photo book. Pinaupo siya nito katabi niya sa kama at binuklat paisa-isa ang photo book na iyon.

Alinlangan siyang lumapit at umupo katabi nito.

Natatakot siya. Iyon ang totoo.

What would I do if everything was really just a beautiful illusion?

Wala na atang ikabibilis ang puso niya. Para itong tambol sa lakas at pinagpapawisan siya ng malagkit. Dito niya mapapatunayan kung gawa-gawa lamang ng isip niya si Isagani.

Surely the man she saw in her dream would look different to the real Isagani, right?

I mean maipapaliwanag ang paggawa niya ng pangalan sa utak niya pero hindi maaaring magaya ng utak niya ang taong hindi pa naman niya nakikita. 

"Ito ang aking Ina at ang aking Lola. Si Lola Maya," sabi ni Lola Mutya sabay turo sa isang picture. Hindi niya ito lubos makita dahil blurry ang picture. Parang nagalaw ang camera noong kinuha ang litrato gayonpaman hindi niya makita ang kahit na anong resemblance sa Maya na nakita niya sa Maya na nasa larawan.

Doubts suddenly crept inside her mind.

Baka nga mali ang pag-aakala niyang nagtime-travel siya sa past.

"Sigurado akong naandito lang iyon," usal ni Lola Mutya sa sarili habang siya naman ay parang may WW3 sa utak habang nagtatalo ang kaniyang mga inner subconsciousness. 

"Ay ito! Nakita ko na rin!" biglang sambit ni Lola Mutya na nagpabalik sa kaniya sa reality.

Tiningnan niya ang litrato na tinuturo ng ginang at napatigil siya.

Parang may bara sa bibig niya habang nakatitig dito. Isa itong litrato ng matandang lalake na may warm brown na mata at ngiti sa mga labi.

Isa lamang ang sinisigaw ng utak niya habang nakatitig sa mga mata ng lalakeng nasa larawan. 

Isagani! 

My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon