Chapter 48

5.5K 422 48
                                    

A/N: Hello everyone! Just wanna say thank you for reading this story. I'm in a good mood today because I found out that "My Future In Her Past" is now in #46 ranking in Historical Fiction. Hindi man siya ganoon ka-impressive compared to other stories, I am vey happy na nakaabot na ako sa ranking spot na ito despite being a newbie writer. Sana po magvote at comment rin ang mga silent readers to show appreciation for my hardwork. Just a quick tap on the star icon at the left side of your screen is more than enough for me. 😊 Again, thank you!

▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪

Napahigpit ang kapit ni Horatia sa kaliwang braso ni Isagani habang naglalakad na sila papalapit sa bahay nina Elisa at ang asawa nitong doktor na si Danilo. Nagtatakang lumingon  naman ito sa kaniya at ang mga mata ay parang nagtatanong kung may problema ba. Nginitian na lamang niya ito upang hindi na ito mag-alala.

Honestly, she's really scared.

Hindi niya alam kung ano ang dapat asahan sa mga medical knowledge na available ngayong taon na ito. Siguro ay dahil sanay na siya sa mga state-of-the-art medical machines na ginagamit sa taon niya.

Sa bahay lamang sila ni Elisa pumunta kaysa sa ospital dahil may opisina rin naman daw ang asawa nito doon. At saka, ayon kay Isagani, takot pumasok ng ospital si Analyn at noong nagpatingin rin sila noon kay Danilo noong buntis ito ay humiling itong sa bahay na lang nina Elisa sila at huwag na lang daw sa ospital.

She examined Elisa's house while their walking towards it. She has to admit, it was very nice. If she will be asked to describe it in one word, then she will pick . . . ELEGANT.

(Ancestral House in Carcar, Cebu)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Ancestral House in Carcar, Cebu)

Ang bahay nina Elisa ay ang tipo ng bahay na pwede mong akalaing museo sa panahon niya.

Nakwento nga rin pala ni Isagani sa kaniya na mayaman ang asawa ni Elisa. Kilala itong doktor hindi lamang dito sa San Jose ngunit sa Españya rin. Doon daw ito nag-aral at nakapagtapos. Umuwi nga lang talaga ito sa San Jose dahil nais nitong pakasalan si Elisa. Mula pa daw pagkabata ay may pagtitinginan na ang dalawa ngunit humindi ang ama ni Elisa sa kanilang pag-iibigan. Papayagan lamang daw nito na makasal silang dalawa kung magiging kilalang doktor na si Danilo.

I don't know what's wrong with Isagani and Elisa's dad but he has a very weird obsession with doctors. Iyon rin ang gusto nitong propesyon na kunin ni Isagani. Tapos pati ang mapapangasawa ni Elisa ay dapat ganoon rin?!

She might not know Danilo personally but she wants to give the man a huge round of applause. He strived hard and became a well-known doctor.

Nang bumalik na ito sa San Jose at hiningi ulit ang kamay ni Elisa mula sa ama nito ay malugod itong sumang-ayon na.

Napapitlag siya mula sa iniisip nang malakas na kumatok si Isagani sa harapang pintuan ng bahay. Nagmamadaling yapak naman ang kanilang narinig bago binuksan ni Elisa ang pintuan.

My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon