Chapter 59

6K 427 54
                                    

"Iha, magkape ka muna," ani ni Lola Mutya kay Horatia habang nilalapag sa lamesa ang tray ng umuusok pa sa init na kape.

Matapos ang pag-iyak niya sa sementeryo ay nagpahatid siya kay Manong Nestor sa bahay ni Lola Mutya. Ayaw niyang bumalik sa kaniyang apartment dahil alam niyang hahanapin siya doon ni Oliver. Malugod rin naman siyang pinatuloy muna ni Lola Mutya sa bahay nito dahil gabi na at wala siyang tutuluyan. Pinahiram siya ng matandang ginang ng duster para makapagbihis naman siya.

Nginitian niya ang ginang at nagpasalamat sa kape. Inabot niya ang baso at sumipsip ng konti doon ngunit napahinto siya sa lasa ng kape. Hinay-hinay niyang nilingon si Lola Mutya na kasalukuyang nakaupo sa katapat niyang upuan at nakangiti ng malawak sa kaniya. Ang mga ngiti nito ay mistulang nagsasabi na may bagay itong alam na hindi niya alam.

"Uhmm . . . Lola Mutya . . . Ano po bang brand ng kape ito" magalang niyang tanong dito. Ngayon niya pa lamang natikman ang ganitong lasa ng kape kaya naman nagtataka siya.

Mas lumaki ang ngiti sa labi ng matanda at misteryosong nagwika, "Sigurado kang hindi mo alam?"

Naguguluhan siyang umiling dahil hindi naman niya talaga alam.

Bumuntung-hininga ang ginang sabay tayo at pumunta sa kusina ng bahay nito. Siya naman ay nakasunod lamang ng tingin dito. Maya-maya ay naupo na itong muli sa upuan nito at may nilapag na pakete ng kape sa harapan niya. 

The packaging told her already that it was from a big company. Halatang hindi pipitsugin. She carefully picked it up at nilapit pa sa kaniya upang makita ang brand name nito. Agad-agad naman siyang napahinto nang makita ang pangalan niya.

'Horatia'

Iyan ang nakalagay na brand name ng kape at sa tuktok nito ay ang logo ng kompanya.

It was her face. The same sketch that she did way back when she was still Analyn. (refer to Chapter 41)

Kakagaling pa lamang niya sa iyak ngunit heto na naman siya at nagsisimula na namang tumulo ang kaniyang mga luha. Pighati siyang tumatawa habang pilit pinupunasan ang mga luhang tumutulo sa kaniyang mga mata.

"Ginawa niya talagang logo ang mukha ko," iyak niya habang nakangiti.

She's proud. Very very proud of him.

Natuloy ang mga pangarap nito.

He has his own coffee plantation right now and from the looks of the instant coffee packet, she can clearly see that his business became well-known.

"Finally, nakita ka na rin namin iha," mahinang ani ni Lola Mutya habang may pagmamahal na nakatitig sa kaniya.

"A-Ano po bang ibig sabihin niyo?" naguguluhan niyang tanong dito.

"Ang tagal naming naghintay . . ." ika nito. ". . . naghintay sa misteryosong babae na inalayan ni Lolo Isagani ng buo niyang pagmamay-ari. Aaminin ko, noong unang kinwento ng ina ko ang tungkol sayo ay hindi ako naniwala kaagad. Tagong lihim ng mga Torres at Santos ang tungkol sa babaeng nagngangalang Horatia," dagdag nitong kwento na mas nakapagpakunot sa kaniyang noo.

Mukhang naramdaman naman ng matanda ang kaniyang pagkalito kaya naman ay nagpatuloy ito sa pagpapaliwanag.

"Bago mamatay si Lolo Isagani ay inihabilin niya ang lahat-lahat ng kaniyang lupain kay Danilo Torres. Lahat-lahat ng kaniyang pagmamay-ari kasama na ang mga namana niya sa kaniyang Papá. Si Lolo Danilo ang namahala ng mga iyon. Sinigurado rin ni Lolo Isagani na matiwasay ang buhay ng aking ina at mga kapatid nito dahil nga mas unang namatay si Lola Maya kaysa kay Lolo Isagani. Bentesingko porsyento ay napunta sa aming pamilya at bentesingko porsyento rin ang napunta sa mga Torres," lahad nito sa kaniya.

The old lady stopped talking and stared at her before continuing.

"Alam mo ba kanino napunta ang kalahating porsyento? Ang taong may pinakamalaking nakuha sa lahat-lahat ng mga pagmamay-ari ni Lolo Isagani," misteryoso nitong tanong sa kaniya.

She gently shook her head, confusion written all over her face.

"Ikaw iha," saad nito habang nakangiti.

"A-Ano po?" di niya makapaniwalang tanong sa matanda.

Is the old lady implying that she owns half percentage of a multi-billion dollar company?

"Sabi sa huling habilin ni Lolo Isagani . . . sa taong dalawanglibo't dalawampu, may babaeng nagngangalang Horatia ang dadating. Siya ang magmamay-ari ng kalahating porsyento ng lahat-lahat ng aking pag-aari. Siya lamang rin ang maaaring tumira sa bahay ko at wala ng iba," paliwanag ni Lola Mutya.

Hinila nito ang kaniyang kamay at may susing nilapag sa kaniyang palad.

"Hindi namin pinabayaan ang bahay. Ayon na rin sa habilin ni Lolo Isagani. Matapos siyang mamatay ay wala ng tumira doon muli dahil ipinagbabawal iyon ni Lolo. Sabi nito ay ibigay sayo ang susi kapag nakita ka na namin. Huwag kang mag-alala . . . walang nagbago doon. Kung ano ang mukha ng bahay noon ay iyon rin mismo ang mukha nito ngayon. Pinadagdagan lang namin noong nakaraang taon ng kuryente at tubig dahil inaasahan na namin ang pagdating mo ngayong taon," ani nito sa kaniya habang hawak-hawak ang kaniyang palad.

"Ayaw kong maniwala pero nang nakita kita noong una kang bumisita dito ay doon lamang lubos na natanggap ng isipan ko ang posibilidad na totoo lahat ng kwento-kwento na iyon. Kamukhang-kamukha mo ang babae sa logo ng kompanya ni Lolo Isagani," wika nito habang maingat na hinahawi ang iilang buhok na tumatabing sa litong mukha niya.

"Lo-Lola, hindi ko po matatanggap ang lahat ng ito. Sobra-sobra po ang mga ito," sabi niya habang mariing umiiling.

Napatawa si Lola sa kaniyang sinabi at nagwika, "Kung sobra-sobra na iyan para sa iyo . . . ano pa kaya ang magiging reaksyon mo kung malaman mong hindi lamang kompanya ng kape ang pagmamay-ari mo na. Iha, rice and corn distributor rin sa buong bansa at sa iba't-ibang karatig bansa ang kompanya ni Lolo Isagani. Siya ang nagpatuloy sa legacy ng Papá nito."

Mas lalo siyang napailing dahil sa sinabi nito.

I-I can't take all of this! Kay Isagani ito at hindi sa kaniya!

"Iha, kung hindi mo kukunin ang parte mo ay automatically na paghahatian naming Santos at Torres ang mana mo. Tingin mo ba gugustuhin ni Lolo Isagani ang magiging desisyon mo? Pinaghirapan niya iyon. Nagtrabaho siya para sa iyo. Sa pagkakatanda ko ay kwento ni Ina na kaya daw ginawa ito ni Lolo ay para daw kahit wala siya sa tabi mo ay kampante siyang hindi ka mahihirapan. Na kahit wala siya dito ay magagampanan niya ang pagiging asawa sa iyo. Ipagkakait mo ba kay Lolo ang kaisa-isang bagay na isip-isip nito bago mamatay?" pangongonsyensya ni Lola Mutya sa kaniya.

Mahina siyang umiling na nagpangiti ng malawak sa ginang. Pinatayo siya nito at niyakap ng mahigpit.

"Bukas na bukas ay ipapahatid kita kay Nestor sa bahay niyo ni Lolo," ika nito na nakapagpangiti sa kaniya.

Bahay namin . . .

At last, she can now call something as home. Isagani may not be with her anymore, but their memories were ingrained there.

Home.

She's finally going home.

My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)Where stories live. Discover now