Chapter 38

5.7K 352 27
                                    

"Hindi niya nais na sumama sa iyo? Bakit?" hindi makapaniwalang tanong ni Horatia kay Isagani habang hinahandaan ito ng turon at kape sa kanilang kusina.

Isang oras matapos ang 'pagbisita' ni Diego sa kaniya ay ang pagdating naman ni Isagani. Hapong-hapo ito at mukhang pagod na pagod.

"Tinatakot ba siya ni Celso? Pinipigilan? Bakit ayaw sumama sa iyo ni Betty?", dagdag niyang tanong kay Isagani habang nakatayo katabi ng silyang kinauupuan nito.

Kumain ito ng maliit na piraso ng turon at uminom muna ng isang lagok ng kape bago siya sinagot. "Hindi. Hindi siya pinipigilan ni Celso. Kabaligtaran pa nga. Halos ipagtabuyan siya ni Celso at mukhang gustong-gusto nitong sumama si Isabel sa akin. Si Isabel pa nga ang umayaw sa alok kong pagkuha dito papalayo kay Celso."

"Ano? Bakit?" Hindi niya alam kung bakit ayaw ni Betty sumama kay Isagani. When they saw each other at the market, she looked so freaking done with Celso.

"Mukhang mahal ata ng kaibigan mo ang lalakeng iyon," sagot ni Isagani sa kaniya sabay kain ulit ng turon. Nakakaawa itong tingnan dahil mukhang gutom na gutom.

Hinapit siya ni Isagani papalapit dito at pinulupot ang kanang kamay nito sa kaniyang bewang. Nakasandal naman ang ulo nito sa kaniyang tiyan.

Napangiti siya sa munting aksyon ng panglalambing ni Isagani. Sinuklay na lang niya ang buhok nito.

"Bakit mo naman nasabi?" curious niyang tanong kay Isagani. "Inamin niya ba sa iyo?"

"Hindi naman ngunit nakita ko kung paano niya tingnan si Celso. Tingin iyon na may pagmamahal," sagot nito at tiningala siya. "Parang ako lamang kapag tinitingnan ka," mahinang dagdag nito.

Tang-ina! I feel so attacked!

"Namumula ka ata, bebe ko," Isagani said with a glint of humor on his eyes.

"Tumigil ka nga! Baka atakihin ako sa puso ng wala sa oras!" pagalit niyang sabi dito habang pabebeng pinapalo ang braso nito ngunit sa loob-loob ay kinikilig naman siya.

Ilalayo na sana niya ang sarili kay Isagani ngunit mas hinigpitan lang nito ang yakap sa kaniyang bewang.

"Kung mabubuhay man ako ulit at hindi pa rin tayo magkita Horatia . . . Ako naman ang hahanap sa iyo. Kahit saan pa man iyan o kahit anong taon hindi ako titigil hangga't hindi kita nakikita," mahinang bulong ni Isagani habang nakabaon ang mukha sa kaniyang tiyan. "Kaya huwag na huwag mo akong iiwan, pakiusap. Hindi ko makakaya."

Napatigil siya sa winika nito. Lumuhod siya para matapat ang mukha niya sa mukha nito. She clasped his face on her two palms and stared at him directly in the eyes.

"Kung mabalik man ako sa panahon ko. Ipapangako ko sayo Isagani na hahanap at hahanap ako ng paraan upang makabalik sa iyo. Kahit ikamatay ko. Dahil mahal na mahal kita, bebe ko," pangako niya dito.

She gently kissed his teary eyes and then his nose and lastly his lips.

Nginitian niya ito ng matamis at sinuklian naman siya ni Isagani ng isa pang mabilis na halik. Hinila siya nito papaupo sa kandungan nito at sinubuan ng turon.

How she wish this blissful happiness would never end.

○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○

"Horatia, may dala pa nga pala akong iba," sabi ni Isagani sa kaniya habang may hawak na malaking sako. Kasalukuyan silang nasa sala at namamahinga. Kakatapos lang kasi nilang maghapunan.

"Ano iyon?" curious niyang tanong dito habang sinusundan ng tingin si Isagani.

"Hindi ba sinabi mo sa akin noon na mahilig kang magpinta? Noong hinatiran mo ako ng tanghalian sa palayan at hinintay mo akong matapos. Nakita ko ang ginuhit mo sa lupa. Yung bata at yung babae. Ang ganda ng pagkakaguhit mo sa kanila. Nasabi mo rin sa akin na mahilig kang gumuhit at magpinta kaya naman naisipan kong hingin ang mga lumang pangpinta ni Elisa. Hindi naman daw niya ginagamit," paliwanag nito sa kaniya habang nilalabas ang mga gamit pangpinta mula sa sako.

 Hindi naman daw niya ginagamit," paliwanag nito sa kaniya habang nilalabas ang mga gamit pangpinta mula sa sako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nabigla siya sa sinabi ni Isagani

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nabigla siya sa sinabi ni Isagani.

Naaalala pa pala nito ang sinabi niya noon?

Wala lang naman sa kaniyang hinuna ang tanong nito kaya naman hindi na rin niya pinagtuunan ng pansin iyon. Ni hindi na nga niya maalala ang ginuhit niya na sinasabi nito.

"Sa-Salamat. Naalala mo pa pala yung sinabi ko na mahilig akong gumuhit?" manghang tanong niya dito. It was such a trivial topic when they were talking that day. Ni hindi na nga niya maalala na nabanggit niya iyon.

"Oo naman. Naisip ko kasi na maaari kitang masopresa kung mabilhan kita ng gamit pangpinta ngunit ang mamahal pala ng mga iyon kaya hiningi ko na lamang yung kay Elisa. Sana hindi ka nanghihinayang na hindi bago ang mga gamit na ito," saad nito habang tinuturo ang mga gamit pangpintura.

She quickly hugged Isagani and buried her face on his neck.

"Yung simpleng aksyon ng pag-alala sa mga bagay na gusto ko ay sapat na para sa akin. Salamat, Isagani!" masayang pasalamat niya dito habang nililingon ang mga gamit pangpinta na dala-dala nito.

Itwas very rare to meet a guy who would take note to every likes and dislikes that you say. Marami sa mga lalake diyan ay kailangan mo pang sabihan na bilhan ka ng ganito para mapansin nitong iyon ang gusto mo.

I'm so lucky to have Isagani as my husband.

My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon