Chapter 22

5.8K 339 25
                                    

By the time they arrived at her parent's house, marami ng nakaparadang mga kalesa sa harapan ng bahay.

"Hindi pa siguro nagsisimula ang seremonyas. Mauna ka na sa loob Analyn. Itatali ko lamang ang kalesa natin sa may banda doon," malamig na wika ni Isagani sabay turo sa isang puno malapit sa kanilang pwesto.

Aayaw sana siya sa sinabi ni Isagani dahil alam niyang hindi niya makakayang pumasok sa isang bahay na puno ng mga taong di niya kilala pero kilala naman siya ngunit nakaalis na si Isagani bago pa siya makapagprotesta.

Lifting her chin up and whispering encouraging words to herself, she walked confidently inside.

I can do this!

Her confidence slowly melted away nang napansin niya na mas marami pa lang tao kaysa sa inaakala niya based on the number of the 'kalesas' outside. Mukhang ang iba ay naglakad lang dahil magkakalapit naman ang mga bahay dito.

Her parent's house was in the bayan kaya naman mas malapit ang mga bahay dito kumpara sa bahay nila ni Isagani na nasa tuktok ng burol at napapalibutan ng malawak na espasyo na may kagubatan, pastulan at taniman.

She made her way to the crowd, smiling shyly at the people who recognized her. She was about to look for Maya nang may humablot ng marahas sa kaniyang braso.

"Bakit ngayon ka lang Analyn?! Kung hindi pa sinabi ni Maya na hindi niya itutuloy ang kasal kung wala ka ay wala akong pakealam kahit wala ka dito. Kung ito ang paraan mo para hindi matuloy ang kasal nina Maya at Diego ay sasabihin ko sayo na hindi iyan gagana sa akin!" biglang sabi ng isang nanggagalaiting babae.

Napahinto siya sa sinabi ng ginang na hablot-hablot siya. She looked at her closely at natandaan na ito ang ina ni Analyn.

"Pasyensya na po, Ina. Hindi po iyon ang intensyon ko," hinging paumanhin niya sa ginang kahit ang sakit-sakit na ng pagkakahawak nito sa kaniyang braso. "Bago po kasi ang kabayong gamit namin ni Isagani ngayon dahil kakapanganak pa lamang ni Maliksi. Nahirapan lamang po si Isagani na maitali ito sa kalesa."

"Puro ka dahilan!" her mother grumbled angrily at tinulak na siya papunta sa hagdanan papunta sa second floor.

She was trying her best to walk a little bit faster na hindi niya natatapakan ang kaniyang bestida.

Nang binuksan ng kaniyang ina ang isang kwarto ay agad niyang nakita si Maya. Seeing her tear-stricken face, agad siyang lumapit dito. She tried so hard para i-assure ito na hindi labag sa loob niya ang pagpunta sa kasal at masaya siya para dito.

While she was talking to Maya, biglang sumingit ang kanilang ina. "Analyn, bakit nag-iba ang tuldik mo? Mas lumakas rin ang tono ng pananalita mo."

She looked at 'her' mother nervously.

"Kaparehas mo ng paraan ng pagsasalita iyong baliw sa kabilang bayan," dagdag ng kaniyang ina.

"Iyong babae pong nagsasabi na galing siya sa hinaharap?" curious na tanong ni Maya sa ina.

Wait . . . what?!

Another time traveler like her?

"Saan po siya nakatira, Ina?" agad niyang tanong  para naman malaman niya if hindi ba siya nag-iisa.

"Hindi mo dapat alamin ang mga bagay na iyon Analyn! Baliw ang babaeng iyon! Kung may plano kang makipagkita sa kaniya ay huwag mo nang ituloy at baka mapagkamalan ka ring katulad nito! Wala akong anak na baliw Analyn!" galit na turan ng kaniyang Ina.

Dedepensahan na sana niya ang walang kamalay-malay na babae ngunit may kumatok sa kwarto nila na nagsasabing magsisimula na sila na nakapaghinto sa kaniyang protesta sa ina.

Siya ang unang pinababa sa hagdanan.

All eyes are on her na nakakapagpakaba sa kaniya.

Instead of getting intimidated of all the attention, she opted to look around the room until she spotted Isagani next to the groom.

Napansin rin niya ang pari na nasa gitnang harapan ng sala. Ito ang mismong pari na nagkasal sa kanila ni Isagani.

Narinig niya ang bulungan at pagsinghot ng ilang mga tao kaya alam niyang bumababa na rin si Maya mula sa hagdanan.

She was expecting Diego to be looking at Maya ngunit nang dumako ang kaniyang mata dito ay nakita niyang nakatutok ang mga mata nito sa kaniya.

He wasn't looking at his bride at nang malapit na siya dito ay nag-wink ito sa kaniya.

Not in a playful brotherly way kundi in a kind of seductive way.

She almost tripped when he did that.

Suddenly she felt the intense feeling of panic.

Not 'her' as Horatia panicking but 'her' as Analyn panicking.

It was as if dalawa siyang tao. Analyn's panic was transferring to her. At one point, akala niya ay ginigising na siya ni Dr. Renato dahil sa dizzy feeling na kaniyang nararamdaman ngunit nananatili pa rin siya doon.

She choose to pry away her eyes from Diego and stand sa lugar kung saan nakapwesto si Isagani.

She really wanted to hold on to him dahil ramdam pa rin niya ang lakas ng tambol ng kaniyang dibdib but she stopped herself, remembering what they talked about habang bumabyahe papunta dito.

She looked back at Maya na nasa pinakadulong bahagi ng sala at mangiyak-ngiyak pang lumalakad patungo kay Diego.

She wanted to convince herself na blink lang ang ginawa ni Diego kanina pero alam niya sa sarili na it's more than that!

Her father has now given Maya's hand to Diego and Diego escorted Maya in front of the priest.

As the whole ceremony passed by, hindi pa rin matanggal-tangal sa utak niya ang nangyari.

She was so used to being in control with Analyn's mind and body na hindi niya naisip na may memories nga pala ito sa lahat ng nangyayari sa kaniya.

This was her first time after her second attempt in hypnotism na naramdaman niya ang naramdaman ni Analyn sa mga pangyayari sa paligid niya.

Noong first attempt niya ay ramdam na ramdam pa rin naman niya si Analyn ngunit mas may kontrol ito kaysa sa kaniya.

This second attempt made her feel comfortable so much dahil siya ang in control sa lahat.

Something triggered para maramdaman niya ang naramdaman ni Analyn noon but the question is . . . 

Why is Analyn so scared of Diego?




QUICK FACTS:

Tuldik - accent

My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon