Chapter 6

8.3K 446 31
                                    

"Horatia? Are you awake?" Ito ang pinaka-unang narinig niya nang binuka niya ang kaniyang mga mata. Unti-unti siyang tumayo galing sa pagkakahiga. Lumingon siya sa pinanggalingan ng tanong at nakita ang nag-aalalang mukha ni Dr. Renato. She rubbed her forehead as she looked around the room. 

Nasaan na yung pari?

Pati na rin yung mga bisita at yung 1880's na bahay?

Ang pinakamahalagang tanong ay nasaan si Isagani?

"Horatia, ayos ka lang ba?" tanong muli ng doctor sa kaniya. Maririnig ang pag-aalala mula sa tinig nito.

Tumango siya upang ma-assure ang doctor dahil mukhang panic na panic ito sa nangyari. Mailang-ulit rin niyang binuksan sarado ang mga mata upang maka-adjust sa blinding lights ng opisina ni Dr. Renato "Oo. Ok lang ako."

Nagpakawala ng malakas na buntung-hininga ang doktor habang may di mawaring galak at saya na nakapaskil sa mukha nito. " I can't believe this. I can't believe what a run of luck!"

"Ano? What do you mean?" takang tanong niya while shaking her head slightly dahil parang umaalon ang buong kwarto.

"May natatandaan ka ba?" excited na tanong nito. Para itong masayang aso dahil hindi ito mapakali habang naghihintay ng sagot niya.

"Oo. I saw someone . . . NO! Ako yun. Ako yung kinakasal. Nasa loob ako ng makalumang style na bahay. May mga taong kumakausap sa akin tapos may babaeng ang pangalan ay Maya . . ." unti-unting nanghina ang kaniyang boses. ". . . at Isagani."

Tumango ang doktor sa kaniyang sinabi. "Tama ka. Narecord ko pa nga sa tape. Lagi akong nagrerecord ng mga hypnotism sessions ko para may ebidensya in case na ayaw maniwala ng mga pasyente ko sa sinasabi kong pinagsasabi nila. Nasa voice recording tape na ito lahat ng mga sinabi mo habang under ka sa hypnotism," lahad nito sa kaniya habang may hawak-hawak na black voice recorder.

"Ano bang oras na? Ilang oras akong under sa hypnotism?" taka pa rin niyang tanong.

Seriously, she felt so out-of-place.

Parang mali na nandito siya at hindi sa panaginip niya.

Tumingin ang matandang doktor sa relo nito sa kamay at nagwikang, "Around 10 minutes kang na-hypnotized."

"10 minutes? Lahat ng iyon ay  nangyari lang under 10 minutes? Impossible!" bulalas niya sa sinabi nito. "Almost one hour ang nilagi ko doon. I think 10 minutes habang nasa 2nd floor pa ako at almost 30 minutes habang nangyayari yung wedding ceremony," mariin pa rin niyang sagot.

"Well, may mga times na humihina ang boses mo at bigla ka na lang nagsasalita ng mabilis. Hindi ko nga rin maintindihan minsan kung ano ang pinagsasasabi mo pero sa totoo lang our minds can work rapidly. Of course, nasa utak mo rin naman nangyayari ang lahat kaya iba ang sense of time mo at oras ko," pagpapaliwanag nito sa kaniyang tanong.

"Naguguluhan ako." Hinilot niya ang kaniyang noo dahil may strange feeling talaga siya na parang out of place siya sa lugar na ito.

Tumayo si Dr. Renato at tinungo ang isang coffee machine. Nagsalin ito ng kape sa dalawang styrofoam na baso.

"Cream or sugar?" tanong nito habang nilalahad sa isang kamay ang isang pack ng creamer ng Nescáfe at lalagyan ng sugar cubes sa kabilang kamay.

"No," iling niya. Tumingin-tingin siya sa kaniyang paligid. May unsettling sensation sa loob niya na nagsasabing ito ay panaginip lang at ang realidad ay iyong pangyayari kasama si Isagani. "No. Black coffee ang iniinom ko."

Binigay nito sa kaniya ang kape at malugod niya itong inabot at ininom. "Do you realize what a breakthrough this is? Mukhang napasok natin ang subconscious mo."

My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon