Chapter 24

5.8K 405 68
                                    

A few days passed after the wedding. Mas naging close na rin sila ni Isagani. Not with physical contact pero madalas na silang mag-usap.

At least may pagbabago. Baby steps, Horatia.

When she also heard na nakabalik na sina Maya at Diego sa honeymoon nila ay naisipan niyang imbitahan ang bagong mag-asawa para maghapunan sa kanila.

She just wanted to check if Maya was okay.

Nang dumating ang mag-asawa ay hinila niya kaagad si Maya sa kusina. She doesn't look lively as before kaya naman nag-aalala siya.

Pagkapasok na pagkapasok nila sa kusina at out of hearing distance sa kanilang mga asawa na ngayon ay nag-uusap sa may teresa ay napahikbi ng mahina si Maya.

"Tama ka Analyn! Ibang-iba si Diego sa ngayon kumpara noong nililigawan pa lamang niya ako!" iyak nitong sumbong sa kaniya.

"Bakit? Anong nangyari Maya?" alalang-alalang tanong niya habang pinupunasan ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata nito.

"Noong magnobyo kami ay mabait siya. Maaalahanin. Halos perpekto na nga! Ngayon . . . ibang-iba na siya!" sumbong nito sa kaniya. "Ayaw ko na ng buhay mag-asawa!" deklara nito kalaunan.

Awang-awa niya itong niyakap at inalo.

"Paano mo natitiis iyon Analyn?" mahina nitong bulong sa kaniya habang humihikbi pa.

"Ang ano?" nagtataka niyang tanong dito habang hinahaplos ang likod nito upang tumahan.

"Iyong pagtatalik," mahina nitong tugon.

"Masakit lamang iyon sa una Maya," she assured her. Baka naman kasi ang sinusumbong nito ay ang unang pagtatalik nito at ni Diego. Syempre masakit talaga iyon.

Maya shook her head fiercely. "Hindi! Masakit pa rin kahit sa pangalawa o pangatlo o sa lahat ng beses naming ginawa iyon! Sinasabunutan o sinasampal ka rin ba ni Isagani kapag ginagawa niyo iyon? Normal ba iyon sa mag-asawa?"

Horatia's mind started boiling nang narealize niya na may pagkasadista pala si Diego sa kama.

"Hindi! Hindi normal iyon Maya!" kontra niya sa tanong nito.

"Ngunit tinanong ko si Ina kung may mali ba sa akin kaya hindi ko nagugustuhan ang ginagawa ni Diego sa akin ngunit pinagalitan lamang niya ako at sinabihang wala daw karapatan ang mga babaeng masarapan sa gawaing iyon. Sabi niya ang pagtatalik ay para sa kaligayahan ng lalake at hindi natin," saad nito sa kaniya habang humihikbi pa rin.

"Huwag kang maniniwala kay Ina! Ang lalake ay dapat pinapaligaya ang asawa niya katulad ng ligayang nakukuha niya dito. Hindi lamang sa pagtatalik ngunit sa lahat ng bagay. Mag-asawa kayo kaya dapat patas kayo sa lahat ng bagay," kontra niya sa sinabi nito. Maririnig ang inis sa kaniyang boses.

"Pinapaligaya ka rin ba ni Isagani kapag ginagawa niyo iyon?" tanong naman ni Maya sa kaniya.

Napatigil siya sa tanong nito. She was not sure if anong klaseng sex life mayroon ang mag-asawa ngunit sa ugaling nakikita niya kay Isagani ay alam niyang hindi ito katulad ni Diego.

With a smile, she said, "Oo naman."

Nilahad niya ang kaniyang panyo kay Maya at nagwika, "Punasan mo iyang mga luha mo. Ihahanda na natin ang hapunan. At tungkol doon kay Diego, subukan mong kausapin siya at sabihin ang ayaw mo. Mag-asawa kayo kaya dapat intindihin rin niya ang nararamdaman mo."

Tumango na lang si Maya at tinulungan siyang kunin ang mga niluto niya para mahanda na ang hapagkainan. Nang binuksan nito ang pot para tingnan ang niluto niya ay napakunot ang noo nito.

My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon