Chapter 2

14.2K 587 188
                                    

The next day was Sunday, napagdesisyunan ni Horatia na bumalik sa sementeryo pagkatapos masigurado na naka-uwi na ang mga nagsisimba sa chapel na nasa harapan ng sementeryo. Sinibukan niyang sabihin kay Oliver ang tungkol sa mga graves at paano ito nakaapekto sa kaniya ngunit tinawanan lamang siya nito.

Maingat niyang pinagpuputol ang mga tumubong ligaw na halaman sa mga puntod. Pinagwawalis niya rin papuntang gilid ang mga tuyong halaman. Hindi niya maintindihan kung bakit naisipan niyang magdala ng walis at grasscutter. Idagdag pa dito na ang napili niyang linisan ay ang puntod ng mag-asawang Garcia.

Nang natapos siya ay kinuwestiyon na naman niya ang desisyon niyang maglinis ng puntod ng mga taong di naman niya kilala o kamag-anak.

Nababaliw na ba ako?

"That does it!" she firmly said "Hindi na ako babalik dito at naeengkanto siguro ako!"

She suddenly realized na malakas siyang nakikipag-usap sa kaniyang sarili.

Nababaliw na nga talaga ako!

Dali-dali siyang umuwi habang sinasabi sa sarili na never na siyang tatapak sa sementeryong iyon.

Nang nakarating na siya sa kaniyang apartment ay naabutan niya si Oliver na naghihintay sa kaniya. Binigyan niya ito ng duplicate key ng kaniyang apartment after nitong bigyan siya ng engagement ring.

Oo! Bigyan. Hindi ito nagpropose. Bigla na lang itong nagdemand na magpakasal na daw sila.

Lately ay napapadalas ang pagpunta nito sa apartment niya ng walang paalam which is rather odd. Unang-una ay dahil hindi ito mahilig bumisita sa kaniya noon at pangalawa ay sinasabi naman muna nito sa kaniya kung pupunta ito sa apartment niya.

"Where have you been?" kaagad na tanong nito. He was busy typing something on his phone then he pocketed it afterwards and looked at her direction. Halatang-halata sa mukha nito ang pagkainip.

"Nag-jogging," mahina niyang sagot dito habang tinatanggal ang sapatos na suot-suot niya. It was a little bit dusty and she doesn't want to get any dust inside her apartment. Napatigil siya nang makitang nakasapatos pa rin si Oliver habang nakatapak sa malinis niyang carpet.

Ano ba namang aasahan ko sa lalakeng ito . . .

"Bakit may dala kang walis at grasscutter?" naghihinalang tanong nito na nakapagpalingon sa kaniya sa kamay niya at doon niya lamang natandaan na dala-dala niya nga pa pala ang ginamit niya kanina na panglinis sa sementeryo. Nanghalungkat naman siya agad sa kaniyang utak ng maiidahilan.

"Ahmm . . . Nakalimutan ko sa labas. Naglinis kasi ako sa labas kahapon kaya sinabay ko na lang ipasok," she answered nervously, thankfully ay kinagat nito ang dahilan na sinabi niya.

"Anyways, dinaan ko lang itong mga cookbook na binili ko kanina," saad nito habang tinuturo ang mga cookbook na nakalapag sa glass table sa sala. Marami-rami iyon at mukhang complete edition pa dahil may numbering na nakalagay sa may gilid ng mga ito.

"Seriously, kababae mong tao pero ang hina mong magluto. Dapat mag-aral kang magluto at hindi iyong self-defense class ang inaatupag mo. Ang babae ay dapat nasa kusina at hindi nag-aaral ng kung ano-ano. Kapag nalaman ito ni Mama ay tiyak na malaking sermon ang aabutin ko," inis na dagdag nito sa sinabi kanina.

Heto na naman ang lalake sa mga lintanya nitong halos araw-araw na niyang naririnig.

"I just have other interests," she whispered to herself but it seemed like he heard what she said because he stared at her sternly.

"Like what? Jogging? Saan ka ba talaga pumunta ngayon?" inis nitong tanong sa kaniya. He was acting like a father scolding his daughter. He even had his arms crossed as if showing authority over her.

My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon