"Analyn!" sigaw ng humahangos na si Isagani habang nagmamadaling pumapanhik sa kanilang bahay. Kasalukuyan siyang nagpupunas ng kanilang tokador at nakatungtong pa nga siya sa upuan na kinuha niya mula sa kusina.
Kakababa pa lamang niya sa upuan nang pumasok si Isagani sa kanilang sala.
"Bakit? May problema ba? Ba't parang nagmamadali ka ata?" alala niyang tanong dito habang kumukuha ng panyo mula sa kaniyang bulsa para punasan ang tumutulong pawis sa noo nito.
"Salamat," he said while catching his breath. Hinalikan nito ang kaniyang kamay bago nito kunin ang panyo mula sa kaniya at nagpunas ng sariling pawis nito.
Kinilig naman siya sa ginawa nito at napatingin sa kanilang bintana para itago ang kaniyang namumulang mukha.
Nakuha muli nito ang kaniyang atensyon nang may dinukot ito sa bulsa ng pantalon nito. Inilahad ni Isagani ang isang singko pesos sa kaniyang harapan at tuwang-tuwang niyakap siya.
"Naibenta ko ang isang obra mo! Natatandaan mo ba yung pininta mo ako nung nag-aani ako ilang linggo na ang nakakaraan? May bumili! Singko pesos ang binigay sa akin!" Isagani exclaimed happily while putting the five peso coin on her palm.
Si Isagani ang nagbebenta ng mga pininta niya dahil baka magtaka ang mga tao na biglaan siyang naging magaling magpinta. Ika ni Isagani ay wala daw talent si Analyn sa pagguhit o sa pagpinta kaya naman iniiwasan nilang may maghinala. At saka, H.C naman ang nilagay niyang signature sa mga obra niya kaya tuwing may nagtatanong kay Isagani kung sino ba daw ang gumawa ay sinasabi na lang nitong kaibigan nito mula sa malayong bayan.
She can also understand his excitement. Her other works were only bought for around one to two pesos by the other buyers. Ang laki na kaya ng singko pesos!
Tiningnan niya ng may luha sa kaniyang mga mata ang singko pesos at napasinghot. "Hindi ko lubos akalain na yung pambili ko lamang ng Miló sa kanto ay ang magiging special achievement ko sa whole career ko!" tuwang-tuwa niya itong niyakap at pinugpug ang mukha ng mumunting halik. "Malapit na nating mabili ang lupain ni Mang Karding!" masaya niyang dagdag.
"Regalo ka talaga sa akin ng Diyos!" Isagani muttered happily while kissing her longingly.
Their kiss deepened but it was cut short by the smell of a burning food.
"Isagani! Ang niluluto ko!" panic niyang sabi sabay bitiw sa yakap ni Isagani sa kaniyang bewang. Pupuntahan na sana niya ang niluluto sa kusina nang hilain siya ni Isagani at halikan muli.
"Ako na ang tatapos nun. Magbihis ka na at darating na ang mga magulang mo maya't-maya," sabi nito sa kaniya sabay habol pa ng isang halik bago pumunta sa kusina.
Dali-dali naman siyang pumasok sa kanilang kwarto at nagbihis na. Isusuot niya ngayon ang binili nilang Filipiñiana ni Maya noong pumunta sila sa bayan.
Nagpadala kasi ng sulat ang ina ni Analyn na bibisita daw ito sa kanilang mag-asawa at doon maghahapunan. Kaya naman napasabak siya sa all-out na lutuan para mahanda ang lahat ng mga putahe na gusto ng mga magulang ni Analyn.
Pinupunasan pa nga niya ang mga muwebles sa kanilang sala bago bumalik si Isagani. Sabi kasi nito ay may dadaanan lang daw ito kanina. Ang kaniyang obra pala ang idinaan nito. Ilang ulit na niyang na-check kung maayos na ba ang lahat at walang dumi na makikita sa bahay.
Sabi kasi ni Isagani ay strikta daw ang Ina ni Analyn. Hindi naman ito ang naglilinis o nagluluto sa bahay nito dahil may mga katulong daw ang Ina ngunit napaka-strikto nito pagdating sa ayos ng mga kagamitan at lasa ng pagkaing hinahain. Kaya nga minungkahi ni Isagani na ang bagong biling Filipiñiana ang isuot niya ngayon dahil ang Ina niya daw ay metikuloso sa anyo ng isang maybahay tuwing tumatanggap ng bisita.
Buwan-buwan daw itong bumibisita sa bahay kaya naisip niyang parang inspection ng isang quality control manager ang magaganap ngayon.
She was brushing her hair into a bun style when Isagani got inside the room. Mukhang natapos na nito ang niluluto niyang lumpia kanina.
Ngumiti lamang ito sa kaniya at kinuha ang isusuot mula sa kanilang cabinet.
Isa yaong barong Tagalog na usually niyang nakikita tuwing Buwan ng Wika sa Pilipinas. There were stripes of orange that runs from the neckline up to the ends of the barong. She looked closely, and noticed the embroiled gold thread along the edge of the orange stripes. Even the white, transparent part of the barong has embroidery of sampaguitas all around. May puting sando na panloob si Isagani, itim na slacks at sapatos.
(Jose Honorato Lozano, Albun de J. A. (Justo Arana), 1857 (Part I))
Ngunit ang nagpatawa sa kaniya ay ang sombrero nito.
"Para kang tanga," tawang puna niya sa suot nito.
"Bakit?" litong tanong naman nito sa turan niya. Inayos-ayos pa nga nito ang sombrero at tumingin sa salamin para tingnan ang sarili.
Bago pa man siya makapagpaliwanag dito ay narinig nila ang paparating na kalesa sa labas ng bahay. Dahil sa gulat ay nahulog niya ang pearl earring na isusuot na niya dapat kung hindi pa pumasok si Isagani sa kwarto nila. Yumuko siya para hanapin ang earring na nahulog at kinapa-kapa ang sahig sa ilalim ng kanilang salamin.
Mukhang napansin naman ni Isagani na nahihirapan siyang hanapin yaon kaya naman nagtanong na ito kung gusto niyang magpatulong ngunit sinabi na lang niya dito na salubungin na ang kanilang mga bisita at ayaw naman niyang magalit ang mga magulang ni Analyn sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)
Historical FictionWattys 2020 Winner "Sometimes your FUTURE is not in your TOMORROW but in someone else's YESTERDAY." Book Cover Illustration from Pinterest: https://pin.it/13RdXsO Book Cover Edited in Canva by: VR_Athena Date Started: June 15, 2019 Date Finished: A...