Chapter 47

5.4K 339 47
                                    

The nausea first hits Horatia early in the morning. She was gathering some eggs from the chicken's nest for their breakfast when it happened.

Mahigpit niyang hinawakan ang basket na dala-dala dahil parang mabibitawan niya iyon.

When she was able to regain her strength, she reached out for another egg nang napansin niya ang judgmental looks na binabato sa kaniya ng inahing manok na kukuhanan niya ng itlog sana.

She was looking at her as if saying 'Magiging Ina ka na rin pero wala kang awa. Kagagaling mo lang dito nung isang araw tapos mangunguha ka na naman ngayon?'

"Ang arte mo," mahinang usal niya sa inahing manok at nagpasyang umalis na lang. Tutal naman marami-rami na rin siyang nakuha mula sa ibang manok.

She quickly walked back to the house but stopped at the foot of the stairway when it hits her again. Para siyang mahihilo kaya naman kumapit siya sa barandilya ng hagdanan nila.

Hinay-hinay siyang naupo sa mga baitang nito at pinunasan ang kaniyang bibig gamit ang panyo na nasa bulsa niya.

She then quickly looked up when she heard some footsteps. Nakita niya si Isagani na may dala-dalang toolbox habang papunta sa direksyon ng kanilang imbakan ngunit nang mahagip ng mata nito ang nanghihinang porma niya ay bumagal ang paglakad nito.

He might have noticed her shaking because he quickly slams down his toolbox at the ground and rushed towards her.

Lumuhod ito sa harapan niya at sinipat-sipat kung may mali ba sa kaniya.

"Horatia?! Masama ba pakiramdam mo?!" he panickingly asked while caressing her cheeks and touching her forehead to make sure she doesn't have a fever.

Mahina siyang umiling-iling sa tanong nito.

"May masakit ba?" tanong ulit nito while inspecting her arms if she was hurt or something. "May nangyari ba?" dagdag nitong tanong.

Napabuntung-hininga na lamang siya at nagpasyang aminin dito ang nangyayari sa kaniya.

Kahit na ito man lamang masabi ko sa kaniya.

"Isagani," mahinang tawag niya dito dahil patuloy pa rin ito sa pag-iinspeksyon sa kaniyang katawan.

Akala siguro nito ay nahulog siya sa hagdan.

"Isagani," tawag niyang muli na nakapagpatigil dito. He glanced at her with a worried look plastered on his face at parang hindi ito mapakali kung hindi nito malaman kung anong nangyayari sa kaniya.

"Buntis ako," mahina niyang amin dito habang seryosong nakatingin sa mga mata nito.

At first, he didn't have any reaction.

He didn't speak.

He didn't move.

He didn't do anything.

But she got surprised when a lone tear escaped from his eyes followed by another one and another again. Napasubsob ito sa leeg niya at doon mahinang humikbi.

"Si-sigurado ka?" singhot nitong tanong habang nakapulupot ang kamay sa kaniyang bewang at ang ulo nito ay nakabaon sa kaniyang leeg.

"Oo. Sino bang di mabubuntis kung gabi-gabi akong walang suot na kahit ano dahil sa hayok kong asawa," tawa niyang sagot dito upang gumaan ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa na nakapagpatawa rin naman kay Isagani.

Totoo naman talaga kasi.

Hindi naman nila iyon ginagawa gabi-gabi dahil may mga araw na parehas silang pagod sa mga gawain tuwing umaga ngunit gusto talaga ni Isagani na wala siyang suot kapag natutulog sila.

Mahilig maglakbay ang kamay sa kung saan saan eh . . .

He looked up to her and kissed her quickly before excitedly saying, "Ngayon, kailangan mong sumunod sa payo ng doktor. Huwag kang magbubuhat ng mabibigat at para hindi ka mahirapan sa gawaing-bahay ay kukuha tayo ng makakatulong mo dito sa bahay."

Para itong batang nabigyan ng regalo ni Santa Claus dahil sa galak na pinapakita nito ngayon.

Naiintindihan rin naman niya kung bakit ganoon na lamang ito kaexcited. Syempre, sa dalawang taon ng pagsasama nila ni Analyn ay sa wakas magiging ama na ito.

I just wished to God that the baby will survive.

Wala na siyang pakialam kung mamatay man siya basta may maiiwan siyang alaala kay Isagani.

"Isagani . . . Huwag na lamang tayong kumuha ng katulong. 'Diba nag-iipon pa tayo para sa lupang tataniman mo ng kape? Sayang lamang sa pera iyon," alala niyang sabi dito.

She thinks that it's such a waste of money. Mas mabuti pang itabi na lang nila ang pera para mas madali nilang mabili ang lupain na ninanais ni Isagani.

But Isagani seemed to think otherwise.

"Hindi," mariin nitong saad. "Ayokong may mangyaring masama sa iyo at sa magiging anak natin. Yung lupain na nais ko sanang bilhin? Makakahintay iyon. Hindi naman yun gaanong kahalaga kumpara sa inyong dalawa," dagdag nito habang may pagmamahal siyang tinititigan.

Napabuntong-hininga na lamang siya dahil sa sinabi ni Isagani.

"Sige na nga," pagsang-ayon niya dito. "Basta siguraduhin na lang natin na hindi ako kilala ng kukunin nating katulong. Ayokong may maghinala na naman sa akin," she said while smiling happily to him.

Seeing his lovely smile full of love and admiration and knowing that it is directed towards her, made her fall in love with him so deeply over and over again.

Out of nowhere, she whispered to him, "I love you Isagani."

He was taken aback with what she said because it just came out of the blue but he recovered quickly and kissed her deeply before answering her, "Mahal rin kita, Horatia. Sana kamukha mo ang magiging anak natin. Gustong-gusto kong makakita araw-araw ng mga malilit na Horatia na tumatakbo dito sa bahay."

She laughed because of what he said that made her scrunch her nose.

"Mas gusto kong makakita ng mga maliliit na Isaganing naghahabulan at nag-aaway," kontra niya dito na nagpatawa rin naman kay Isagani.

Oh! How I love this man! He deserves everything and a lot more.

Maya-maya ay inakay na siya ni Isagani papataas ng bahay at ito na mismo ang nagdala ng basket ng mga itlog kahit na sinabi niyang hindi naman iyon mabigat.

I bet he would be so protective of me especially now that I'm pregnant.

Ang swerte ng magiging anak nila. Napakaperpekto ng magiging ama nito.

She clutched her still-flat stomach and whispered to herself, "Gagawin ko ang lahat upang mabuhay ka, anak."

My Future In Her Past (1st Book Of 'In Her Past' Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon